Chapter 108_XAV'S MADNESS

8 1 0
                                    

Marq's POV

Maagap akong umuwi sa ngayon, dahil wala naman na kaming masyadong pinuntahan ni Ciara. Nakakapanibago lang mukhang madali syang mapagod ngayon hindi tulad ng dati na kahit saan kami pumunta okay lang.

Aakyat nasana ako sa kwarto ng marinig ko ng mapansin ko si kuya Alec

Marq: "Kuya? Ngayon na lang kita ulit nakita"

sige may pupuntahan pa ako" pagmamadali nito pero dumating naman si kuya Evan

Evan: "kuya? Aalis ka nanaman ba?"

Alec: "ano bang pakialam nyo?!" galit nitong wika

Evan: "kuya ilang araw ka na kasing wala dito sa bahay, nag aalala lang kami kung anong nangyayare sayo-"

Alec: "hindi ko kaylangan ng pag aalala ninyo" aalis nasana ito ng hawakan sya ni kuya Evan sa balikat para pigilan

Evan: "kuya ano ba talaga ang nangyayare sayo? At ano ba ang nagawa sayo ni Yeriel para gawin mo ito sa kanya?"

Alec: "ano bang pakialam nyo?! Bakit hindi na lang ninyo pagtuonan ng pansin si Maviah na tunay nating kapatid?!" galit nitong wika saamin

Marq: "kuya"

Evan: "kuya, hindi namin alam kung anong nangyare sayo o kung anong ginawa sayo ni Yeriel. Pero hindi naman siguro tama na maging ganito ka na lamang at kagalitan na lang si Yeriel! Walang kasalanan si Yeriel, sya ang biktima ng lahat ng kasinungalingan ni Dad. Tapos ikaw magagalit kana lang ng ganyan sa kanya kung kelan kelangang kelangan ka nya!" galit nitong wika kay kuya Alec at nagulat na lang ako ng biglang humarap si kuya Alec at hinawakan ang kwelyo ng damit ni kuya Evan para ito ay suntukin

Marq: "kuya Alec!" gulat kong wika pero hindi naman ito itinuloy ni kuya Alec

Alec: "wala kayong alam! Kaya manahimik na lang kayo!" galit nitong wika

Evan: "ano manahimik na lang kami?! Bakit ganyan ka nalang palagi kuya? Bakit?!" galit nitong wika at saka marahas na tinanggal ang kamay ni kuya Alec sa pagkakahawak sa damit nito

Alec: "ano?"

Evan: "kuya Alec, palagi mo nalang sinasarili ang mga problema mo! Ang tingin mo kasi hindi kami makakatulong sayo! Ang tingin mo wala kaming magagawa para sayo!"

Alec: "bakit? Ano bang maitutulong mo?"

Evan: "ayan lumabas na rin sa sarili mong bibig na ang tingin mo saakin walang kwenta. Bakit galit ka parin ba saakin kuya Alec? Galit ka parin ba saakin dahil naging anak ako ng babaeng muntik ng sumira sa pamilya mo!"

Alec: "wala yong kinalaman dito!"

Evan: "anong wala?! Palagi na lang ang liit liit ng tingin mo saakin kuya Alec kasi anak lang ako sa labas ng dad. Lahat naman ng inuutos mo ginagawa ko! Evan ikaw na ang mag alaga sa kanya, Evan ikaw na ang bumili, Evan! Evan! Palagi na lang ako. Pero hanggang ngayon pala ang tingin mo saakin ay walang maitutulong"

Alec: "nagkakamali ka"

Evan: "kelan ba ako naging tama sa paningin mo kuya? Ginawa ko ang lahat para matanggap nyo, pero kahit ilang taon pala ang gugulin ko walang magbabago sa patingin mo saakin"

Alec: "Evan kapatid kita"

Evan: "oo kapatid mo nga ako. Kapatid mo lang sa labas at hindi purong kadugo! Kaya hindi na ako magtataka kung bakit naging ganon na lang kadale sayo ang itakwil si Yeriel. Pero wag kang mag alala kuya hindi ko na rin ipagpipilitan pa ang sarili ko" galit nitong wika at saka umalis

Heiress BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon