Chapter 32_KAISER'S SISTER?

10 1 0
                                    

Saiez' POV

Naglalakad ako patungo sa room ko ng makita ko yong babae sa locker room yong sinasabi nilang kapatid ni Kaiser. Kaya mabilis ko itong nilapitan.

Saiez: "Kayliegh right?"

Kay: "huh?"

Saiez: "hindi mo ba ako natatandaan? Ako yong lalaki sa locker room"

Kay: "may gagawin pa ako" wika nito at nagmamadaling umalis pero hinabol habol ko pa ito

Saiez: "bakit ka ba nagmamadali?"

Kay: "may klase pa kasi ako"

Saiez: "saan? Pwede akong makiseat in"

Kay: "hindi pwede magagalit yong prof ko"

Saiez: "pwede yon, I just want talk to you about your brother" wika ko at tumigil naman sya sa paglalakad

Kay: "wha-what about my brother?"

Saiez: "yon nga ang gusto kong malaman sayo eh. Marami akong gustong malaman tungkol sa kapatid mo"

Kay: "anong ibig mong sabihin?"

Saiez: "I want to know everything about him. Kung kelan ang birthday nya, kelan sya nagsimulang magbasketball, anong mga gusto nyang kainin-"

Kay: "bakit mo naman yon gustong malaman?"

Saiez: "huh? ah ka-kasi sya ang coach namin at bilang member nya sa team dapat alam ko ang lahat ng tungkol sa kanya para naman maging kapatid ang turingan namin diba?"

Kay: "hindi nya kaylangan ng kapatid"

Saiez: "ano ka ba naman lahat ng lalaki kaylangan ng kaibigan na kaparehas nila. At si Kaiser na kapatid mo kaylangan ng kaibigan na kaparehas nya at walang iba kundi ako yon. Babae ka kaya hindi mo naiintindihan ang mga ganong bagay!"

Kay: "huh? ganon ba. Pwede mo ba akong sabihan ng mga ginagawa ng lalaki?"

Saiez: "diba may klase ka pa?"

Kay: "ah wala na, nahulog daw yong prof namin sa hagdan"

Saiez: "talaga? Teka bakit mo kaylangan malaman ang lahat na ginagawa ng isang lalaki?"

Kay: "ah eh kasi-"

Saiez: "in love ka ano?"

Kay: "huh?! ah eh oo tama, in love nga ko"

Saiez: "sige ituturo ko sayo ang lahat ng nalalaman ko patungkol sa pagiging lalaki pero sa isang kundisyon sasabihin mo saakin aang lahat ng tungkol sa kapatid mo. Lahat ng detalye"

Kay: "sige"

Umupo muna kami ni Kayliegh sa may damuhan ng school para makapagusap ng masinsinan

Saiez: "ang isang lalaki dapat palaging matapang, kahit sa anong laban hindi dapat nagiging duwag"

Kay: "matapang"

Saiez: "ang isang lalaki dapat hindi nanakit ng mga babae, yan ang pinakamahalagang alituntunin ng pagiging lalaki. Dapat ang mga lalaki hindi madaldal, mahinahon lang. Kadalasan ang mga lalaki din ang mga nagdadala ng gamit, kasi malalakas kami"

Kay: "ganon ba"

Saiez: "oh ikaw naman ang magkwento tungkol sa kapatid mo"

Heiress BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon