Jenzo's POV
Dumating ako sa bahay na nagkakasiyahan silang lahat, nagyayakapan at tumatalon talon pa. Narinig ko ang balita na babae pala ang nagugustuhan ni Saiez at hindi isang lalaki. Masayang masaya sila dahil dito, masaya din naman ako para kay Saiez.
Alec: "oh Jenzo, halika sumama ka saamin"
Jenzo: "kuya"
Marq: "bakit kuya may problema ba?"
Jenzo: "huh? Wala wala, medyo masakit lang ang ulo ko magpapahinga na lang muna ako" I smiled and walked towards to my room
Gusto ko sa kanilang sabihin ang problema ko. Gusto kong humingi ng tulong sa kanila, pero ayokong masira ang munti nilang kasiyahan. Ngayon na lang ulit sila nakapagsaya ng ganito, siguro kelangan kong harapin ang problema kong ito na mag isa.
Gusto kong maging masaya si Lexi, pero kapalit nito ang pagpapakasal ko sa ibang babae. Ano bang gagawin ko? Ayokong maging makasarili at tanggalin kay Lexi ang kasiyahan na meron sya ngayon. Limang taon, pagkatapos ng limang taon magiging okay din ang lahat. Magiging masaya din ako kasama si Lexi.
-
Yeriel's POV
Nagkakasiyahan pa kami ng mga kuya ko ng magtext ulit si Xav.
-MESSAGE-
Xav: "Yeriel, punta muna ako ng bar. Naglalasing kasi si Apolline, she is my friend kaya hindi ko sya pwedeng hayaan ng ganon. Don't worry uuwi din agad ako"
-
Yeriel: "shit!" Sigaw ko at napatigil naman sina kuya
Alec: "may problema ba?"
Yeriel: "Kuya Seuss, pa tract nga ng number na ito" wika ko at saka binigay sa kanya ang number ni Xav
Seuss: "sige sandali lang" wika nito at saka naman agad nilabas ang kanyang cellphone
Yeriel: "nakakainis!"
Jaex: "princess ano bang problema?"
Seuss: "eto na ang location" wika nito sabay pagpapakita saakin ng phone.
Yeriel: "kuya pahiram muna ng phone mo" wika ko at saka kinuha ang phone nya na may location ni Xav.
Alec: "Ano bang nangyayare don?"
Mabilis akong nagpatakbo ng kotse papunta sa gumagalaw na location ni Xav. Ikakasal na sya pero iniintindi nya parin ang babaeng yon, ano ba ako sa tingin nya?! Mananagot talaga silang dalawa!
-
Xav's POV
Tumawag sa akin si Apolline pagkarating ko sa bahay, mukhang nakainom ito at nagpapasundo saakin. Tinanggihan ko sya noong una dahil ayokong isipin ni Yeriel na nakikipag kita pa ako sa kanya pero naging mapilit si Apol. Naging kaibigan ko sya kaya dapat ko lang syang tulungan. Nag iwan na lang ako ng message kay Yeriel para alam nya kung saan ako pupunta.
Mabilis akong nagmaneho para sunduin sya sa sinabing nyang bar, pagkarating ko doon nakita kong umiinom mag isa si Apolline.
Xav: "Apol, nandito na ako. Umuwi na tayo"
Apol: "oh, nandito na pala yong bestfriend ko" she smiled
Xav: "ihahatid na kita sige na"
Apol: "akala ko hindi ka na pupunta"
Xav: "nakainom kana"
Apol: "alam mo ba kung bakit ako umiinom? Kasi nalaman kong nagkakabutihan na pala kayo nong Yeriel na yon" lasing pa nitong wika
BINABASA MO ANG
Heiress Blood
Mystery / ThrillerYeriel: "huh, totoo nga. You know what, loving you is a serious crime to my family. But still, I chose to love you and you! You just prove me that I am wrong!" Once upon a time there is a princess, maaring sa pagiging moderno ng ating panahon ay wal...