-KINABUKASAN-
Nevi's POV
Pumasok ngayon sa trabaho ni Yeriel at sinabi nya saakin ang desisyon nya, wala naman akong magawa kundi sumakay na lang sa mga gusto nya.
Nevi: "hello? Mavi?"
Mavi: "oh Bakit ka nanaman ba tumawag?"
Nevi: "nakapag-decide na si Yeriel, itutuloy nya ang pagbubuntis'
Mavi: "what?! Shit! Sige ganito na lang magkita na lang tayo mamaya at sasabihin ko sayo ang magiging plano"
Nevi: "Hindi ba talaga natin sasabihin ito kay Lorie"
Mavi: "hindi na nya kaylangan pa itong malaman okay?"
Nevi: "Sige ikaw ang bahala. Basta pag nagkagipitan na, sasabihin ko kay Lorie na dahil lahat yan sa katangahan mo"
Mavi: "pwede ba, wag mo ng ipagdiinan saakin yong mga nagawa ko. Alam ko naman na nagkamali na ako don, pero kahit ilang beses mo pa ako sisihin wala kadin namang nagagawa!"
Nevi: "Sige na baka hanapin pa ako ni Yeriel"
Mavi: "sige, wag ka naulit tatawag. Magtext kana lang!"
Nevi: "Sige sige" wika ko at mabilis naman akong bumalik sa loob ng cafè
-
Maviah's POV
Ano na bang gagawin ko ngayon? Masisira ang lahat kapag nalaman ni Xav na ang pinagbubuntis ni Yeriel ay ang anak nya. Kelangan ng mawala ni Yeriel.
Mr. Saragosa: "Maviah?"
Mavi: "yes dad?"
Mr. Saragosa: "nag-transfer ka ng 10 million pesos sa account mo?"
Mavi: "huh? Kasi, kasi may gusto lang akong bilhin dad. Kung ayaw mo dad ibabalik ko na lang-"
Mr. Saragosa: "no, no. I just want to check. Sige lang you can buy whatever you want"
Mavi: "Thank you dad"
Mr. Saragosa: "sige may ka-meeting pa ako" wika nito at saka umalis.
Nakakainis talaga, bantay sarado nila ang pagpasok at paglabas ng pera. Pagnasaakin na ang kapangyarihan ng kompanya sisiguraduhin ko na ako na ang magma-manage ng lahat. Gagastos ako kung kelan at kung magkano ang gusto ko without their permission.
-
Xav's POV
Next next day na ang kasal naming dalawa ni Maviah, pero iniisip ko parin ngayon ang mga sinabi saakin ni Jaex. What if may pag asa pa nga? What if pagsisihan ko ang pagpapakasal ko kay Maviah? Ayokong gumawa ng isang bagay na panghabang buhay kong pagsisihan.
-
Nevi's POV
Pinapunta ako ni Maviah sa dati naming pinakikitaan na wala masyadong tao.
Mavi: "bakit ba napakatagal mo?"
Nevi: "Ano ba nandito na ako!"
Mavi: "sige, tingnan mo ang laman ng bag na ito" wika nito saakin sabay hagis ng bag. Laking gulat ko naman ng makita ko na puros pera ang laman nito
Nevi: "Saan mo ito kinuha Mavi? Wag mong sabihin na sa mga Saragosa mo ito kinuha?! Diba sinabi na sayo ni Lorie na-"
Mavi: "pwede ba wag ka na puros reklamo! Napakarami mo pang sinasabi. Just take the money"
BINABASA MO ANG
Heiress Blood
Mystery / ThrillerYeriel: "huh, totoo nga. You know what, loving you is a serious crime to my family. But still, I chose to love you and you! You just prove me that I am wrong!" Once upon a time there is a princess, maaring sa pagiging moderno ng ating panahon ay wal...