Alec's POV
Hindi ko mapapatawad ang mga taong nagsinungaling saakin at naging dahilan para mawala saakin si Margaux. Hinding hindi ko sila mapapatawad.
Ngayon nandito nanaman ako sa bahay nina Margaux umaasa na baka bumalik pa sya. Kahit isang beses lang sana bumalik sya.
Guard: "sir ano po bang kaylangan nyo?"
Alec: "Margaux?" lasing kong wika
Guard: "sir mukha pong nakainom kayo. Mabuti po siguro umalis na lang kayo, wala na din naman pong tao sa bahay na yan"
Alec: "Hindi! Hindi ako aalis, hihintayin ko si Margaux. Dapat nandito ako kapag bumalik sya"
Guard: "pero sir- amm kayo pong bahala sir. Wag lang sana po kayong gagawa ng mali dito sa subdivision. Sige sir maiwan na namin kayo" wika nito at saka umalis.
Alec: "maghihintay ako kay Margaux, hihintayin ko sya"
Nagkalat na ang mga bote ng alak sa sasakyan ko, wala din akong kain at pahinga. Basta ang mahalaga ay ang makita ko si Margaux, hihintayin ko sya. Dito lang ako hanggang sa bumalik sya.
-
Jaex' POV
Nagbago na si kuya Alec, ano ba talaga ang nangyare sa kanya? Bakit nya sinisisi si princess? Wala na akong magagawa dahil hindi rin naman nya sasabihin kung ano ang dahilan nya.
Jaex: "Lyon"
Lyon: "boss?"
Jaex: "gusto kong bantayan at protektahan mo si princess ayokong mapapahamak sya. Kahit anong mangyare kapatid ko parin sya"
Lyon: "wag kang magalala boss, babantayan ko sya"
Jaex: "maraming salamat dahil sa pagiging tapat mo saakin"
Lyon: "boss kulang pa ang buhay ko sa lahat ng naging sakripisyo nyo para saakin"
-
Maviah's POV
Nasaakin na ang lahat, si daddy. Ang kayamanan, ang pangalan. I have all the powers isa na lang ang kulang si Xav, saakin lang si Xav at sisiguraduhin ko na saakin sya mapupunta.
Maid: "maam itatapon din po ba namin ito?" Tanong nito saakin habang hawak ang isang baboy na doll
Mavi: "diba ang sabi ko lahat ng gamit na natira ni Yeriel, itapon. Itatapon ang lahat lahat"
Maid: "sige po maam"
Mavi: "magpatawag kayo ng maraming tao. Gusto kong ipabago ang buong kwarto ko, baka kasi may natira pa dong dumi ni Yeriel"
Maid: "sige po maam"
Mr. Saragosa: "all settle na bukas ang party at nag-invite na rin ang ng maraming reporters para ipakilala kita bilang anak ko"
Mavi: "thank you dad"
Mr. Saragosa: "gusto ko lang bumawi sayo"
Mavi: "sa dami ng paghihirap na nangyari saakin ngayon lang ako nakaranas ng ganitong buhay"
Mr. Saragosa: "and you deserve all of this kasi ikaw ang anak ko"
BINABASA MO ANG
Heiress Blood
Mystery / ThrillerYeriel: "huh, totoo nga. You know what, loving you is a serious crime to my family. But still, I chose to love you and you! You just prove me that I am wrong!" Once upon a time there is a princess, maaring sa pagiging moderno ng ating panahon ay wal...