Yeriel's POV
Magkasama kami ni Mavi sa lahat ng klase, napakadami nya ring kwento sa buhay nya at hindi sya nauubusan ng salita. Mabuti na ito kaysa naman wala akong makausap. Uwian na, hindi ko alam kung saan na ako pupunta, hihntayin ko pa ba si Xav o hindi na? hanggang sa may narecieve akong text message mula kay Xav
Text: "umuwi kana, dederetso na ako sa part time job ko. Hintayin mo na lang ako sa bahay"
Ano pa nga ba ang aasahan ko sa kanya? Kaya naglakad lakad na ako patungo sa labas ng eskwelahan para makauwi na, nang biglang may bumusina saakin mula sa likuran. Pamillyar ang kotse nito. At may lumabas naman na lalaki mula sa bintana nito. Sya ang lalaking yon! Sya yong nakita ko na perfect sa resto, nagkita kami ulit! Mukhang dito rin sya pumapasok, tadhana na ba talaga ang nagbubuklod saamin?
Lalaki: "miss, gusto mo bang sumabay?" wika nito saakin, napaturo na lamang ako sa aking sarili dahil akala ko hindi ako ang sinasabihan nito. "oo ikaw! Gusto mo bang sumabay saakin?" wika pa nito.
Yeriel: "huh, ah eh"
Lalaki: "mahal ang taxi kaya sumabay kana"
Yeriel: "si-sige" sagot ko, oo tawagin nyo na akong walang pag iingat na sumasakay sa sasakyan ng isang tao na hindi mo pa nakikilala. Pero alam ko na mapagkakatiwalaan ko sya at mukha naman syang mabait, at kung ganito ang itsura ng mga masasamang tao, ewan ko nalang kung walang mabiktima ito. Kaya ko namang ipagtanggol ang sarili ko kaya wag syang magkakamali. Binuksan nya ang kabilang pinto ng kanyang kotse at saka ako sumakay.
Lalaki: "saan kaba nakatira?"
Yeriel: "huh, ah dyan lang sa may kabilang kanto ng hotel"
Lalaki: "malapit lang pala eh" wika nito, nakatitig na lamang ako sa kanya habang nagdridrive sya. Ngayon ko lang naramdaman na humanga sa itsura ng ganito, may gayuma ba akong nakain? "miss, pasensya na nga pala kahapon"
Yeriel: "kahapon?" pagatataka kong tanong, parang pamilyar din ang boses nya. Kaboses nya yong lalaking kabote yong bigla nalang sumusulpot, hindi kaya sya yon? Pero imposible napakagwapo nya para magtakip ng mukha saka andaming kong katangahan na sinabi sa lalaking yon kaya hindi pwedeng sya yon
Lalaki: "pwede ko nabang malaman ang pangalan mo?" wika nito habang nagdridrive
Yeriel: "huh? Yeriel Sa- Sanchez"
Lalaki: "ang ganda naman ng pangalan mo bagay na bagay sayo"
Yeriel: "ganon ba"
Lalaki: "oh nandito na tayo, dyan kaba nakatira?" wika nito sabay tingin sa maliit na bahay ni Xav
Yeriel: "sa kasamaang palad oo"
Lalaki: "haha, nakakatawa kanaman" pagtatawa nito. Baba nasana ako ng kotse ng maalala kong hindi ko pa nakukuha ang kanyang pangalan
Yeriel: "sandali lang ano ngang pangalan mo?"
Lalaki: "diba nasabi ko na sayo?"
Yeriel: "huh?"
Lalaki: "ansakit naman non nakalimutan mo agad, by the way I am Neville remember? Neville Hernandez, just call me Nevi" wika nito at doon na nagsimulang gumuho ang mundo ko, sya yong lalaki don sa kotse, don sa company, don sa school? Anong ginawa ko? "sige kita nalang ulit tayo sa school" wika nito at saka umalis naiwan naman akong nakatulala sa tabi ng daan dahil sa kahihiyan. Sya yong lalaking kabote.
BINABASA MO ANG
Heiress Blood
Mystery / ThrillerYeriel: "huh, totoo nga. You know what, loving you is a serious crime to my family. But still, I chose to love you and you! You just prove me that I am wrong!" Once upon a time there is a princess, maaring sa pagiging moderno ng ating panahon ay wal...