Chapter 94_UNCOVERED SECRETS

4 1 0
                                    

Alec's POV

Medyo nalate ako ngayong gabi dahil sa pagiging magulo parin ng isipan ko. Bumati muna ako kay princess bago nakisalamuha sa iba ko pang kapatid. Napansin ko naman na parang naging balisa ang dad dahil sa may tumawag sa kanya. Kaya naman sinundan ko sya para alamin kung anong nangyayare.

Mr. Saragosa: "pano ka nagkamali! Ang sabi mo saakin sya ang tunay kong anak!" Galit nitong wika sa telepono

Alec: "Dad? Sino yang kinakausap mo?" Wika ko na ikinagulat nya at mabilis na ibinaba ang telepono

Mr. Saragosa: "yong private investigator ko"

Alec: "private investigator?"

Mr. Saragosa: "Yung nag-imbistiga kung nasaan ang tunay kong anak"

Alec: "what?! Akala ko ba dad! Ititigil mo na yan! Akala ko kakalimutan mo na lang ang lahat! Dad may kasunduan tayo!" Galit kong wika

Mr. Saragosa: "Alam ko pero ang gusto ko lang naman ay ang makilala at malaman ang kalagayan ng tunay kong anak!"

Alec: "diba nalaman mo na?! Ituring mo na lang na ang tunay mong anak ay si Yeriel!" Galit kong wika

Yeriel: "anong ibig nyo sabihin?" Mahina nitong wika saaming likuran. Parehas naman kaming nagulat ni dad ng malaman naming nakikinig pala saamin si Yeriel

Alec: "princess?"

Yeriel: "ituring akong parang tunay na anak? Anong ibig nyong sabihin? Hindi ako isang tunay na Saragosa?" Gulat nitong wika

Alec: "Princess nagkakamali ka, hindi totoo yon. Ikaw ang bunso naman, ikaw ang kapatid namin. Isa kang Saragosa"

Yeriel: "hindi kuya! Alam ko ang narinig ko! Ano bang ginawa nyo?!" Galit nitong wika at hinila ko na lamang sya papalayo kay dad

Alec: "princess makinig ka, kalimutan mo na ang mga narinig mo. Wala yong katotohanan okay? Diba ikakasal kana? Dapat magsaya ka lang ngayon"

Yeriel: "ano bang totoo kuya?" Mangiyak-ngiyak nitong wika

Alec: "paparating na si Xav, wala kang narinig walang totoo sa narinig mo okay?"

-

Yeriel's POV

Babalik na sana ako noon kay Xav ng matanaw ko na parang nagaaway sina kuya Alec at dad kaya naman agad ko silang pinuntahan. Hindi pa nagtatagal narinig ko ang pinaguusapan nila, ako ang pinaguusapan nila.

Ano bang ibig nilang sabihin? Tunay na anak? Ako ba ay hindi isang Saragosa? Pero papano? Bakit? Naguguluhan na ako!

Yeriel: "Kuya ano ba talagang totoo?"

Alec: "Xav nandito kana pala, sige na princess sumama kana sa kanya"

Yeriel: "kuya"

Xav: "tara na Yeriel, ia-announce na ang engagement natin" wika nito at saka naman kami naglakad patungo sa stage pero. Napatigil ako dahil alam kong may mali. May hindi saakin sinasabi sina kuya Alec.

Xav: "Bakit may problema ba? Yeriel?"

Yeriel: "hindi tama ito"

Xav: "ano bang sinasabi mo?"

Yeriel: "Xav, hindi dapat tayo magpakasal"

Xav: "what?" Galit nitong wika "ano nanaman ba to Yeriel? Akala ko ba mahal mo ko?"

Heiress BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon