Evan's POV
Sumunod ako sa sinabi ni Seuss at sumakay lang sa mga pinagagawa ni Naomi sana lang talaga gumana ito.
Kinagabihan nagkita kita ulit kami sa Game room.
Alec: "handa na ba ang lahat?" Wika nito at tumango lang sila. "Magsimula na tayo" wika nito at saka naglabas na ang lahat ng kanya kanyang mga papel.
Seuss: "si Mr. Velasquez ay humahawak din ng ilang loan shark which is illegal dito sa Pilipinas, pero maraming tao ang pinauutang nya dito sa Pilipinas kaya maari natin itong gamiting pang blackmail sa kanila. Isa pa naglalabas pasok din sya ng pera sa bansa na hindi dumadaan sa legal process, dahil malaki ang tax ng perang ito kapag ginawa nila yon. At ngayon hawak ko ang mga papel na magpapatunay ng mga paglalabas pasok nila ng pera, kapag nalaman nyang may nakakaalam ng baho ng kompanya nila mapipilitan syang umalis muna ng bansa"
Alec: "Hawak ko ngayon ang mga copy of original title ng bahay at lupa ng pamilya ni Millie kaya kung magkagipitan at sabihin nilang nakasanla ang bahay na ito, wala silang magiging ebedensiya dahil wala namang katotohanan ito"
Jenzo: "si Mr. De Leon, kanina ko lang sya na-meet in person pero. Five years na syang lawyer at wala pang naipapatalong kaso, sya ang pwede sa ating sumama bukas"
Marq: "eto 10million pesos" wika nito at saka ibinaba ang isang bag ng pera "benenta ko pa ang isa kong kotse para dyan"
Seuss: "Yan ang perang ibabayad natin sa mga pagkakautang ng pamilya ni Millie"
Jaex: "24 hours nagbabantay sina Lyon sa bahay kaya wag kang mag alala Evan, walang mangyayare sa kanila"
Evan: "maraming maraming salamat sa inyo" mangiyak-ngiyak pa nitong wika.
Seuss: "eto na ang plano bukas, kuya Evan papupuntahin mo sa bahay ni Millie si Naomi at kami na ang bahala sa iba"
Evan: "salamat, salamat talaga"
-KINABUKASAN-
Evan's POV
Nagmessage na sina kuya na pumunta na ako sa bahay nina Millie kasama si Naomi.
Evan: "Naomi, may pupuntahan tayo"
Naomi: "saan naman?"
Evan: "sumakay kana sa kotse malalaman mo din kung saan kita dadalhin"
Naomi: "masusunod" she smirked.
Nagdrive ako papunta sa bahay nina Millie at saka ko pinababa doon si Naomi.
Naomi: "nasan tayo?"
Evan: "sa bahay ng babaeng pakakasalan ko"
Naomi: "what?! Teka lang, baka hindi mo naiintindihan ang lahat. Isang tawag ko lang kay dad at mawawala na ang Millie mo! Kaya bumalik na tayo sa school at kalimutan na ang lahat ng ito okay! Let's go!" Galit nitong wika pero hindi parin ako gumalaw "ano ba Evan! Ayokong magtagal sa place na to!-"
Alec: "Bakit naman Ms. Velasquez?" Wika nito at lumabas na isa isa ang mga kapatid ko
Naomi: "what the heck?! Anong ginagawa nyo dito?!"
Alec: "magbabayad ng utang?"
Naomi: "what?!"
Marq: "oh ayan 10 million pesos siguro sapat na yan para mabayaran lahat ng utang ng pamilya ni Millie"
Naomi: "nahihibang na ba kayo? 10 million? Eh umaabot na sa 20 million ang utang ng pamilyang yan!"
Marq: "what?!"
BINABASA MO ANG
Heiress Blood
Mystery / ThrillerYeriel: "huh, totoo nga. You know what, loving you is a serious crime to my family. But still, I chose to love you and you! You just prove me that I am wrong!" Once upon a time there is a princess, maaring sa pagiging moderno ng ating panahon ay wal...