Chapter 17_XAVIER'S HOUSE

15 1 0
                                    

Xav's POV

Naalimpungatan na lamang ako ng marinig ko ang sounds ng TV.

Xav: "Yeriel! Yeriel! Yong TV" pagsisigaw ko pero wala paringpumapatay ng TV. Kaya bumangon na ako para tingnan ito, alaskwatro na pala ng umaga, hayss buhay parin ang TV. Tsk wala talagang maasahan kay Yeriel. Lumabas na ako ng aking kwarto para patayin ang TV, nakita ko si Yeriel sa sofa walang kumot at unan. Mukhang nakalimutan kong bigyan sya nito, kaya kumuha muna ako saaking kwarto para bigyan sya.

Xav: "Yeriel, eto unan at kumot" wika ngunit mahimbing parin ang pagkakatulog nito. Kaya minabuti kong wag na lamang syang gisingin at unti unting kumutan at lagyan sya ng unan. Kahit natutulog sya maganda parin sya. Napansin ko nalamang na may pasa sya sa kanyang kamay, ako ba ang may kasalanan nito? Masyado na ba akong masama sa kanya? Kung tutuusin magkaparehas lang kami na naipit sa isang sitwasyon na parehas naming hindi gusto. Ang pinagkaiba lang namin ay ginagamit ko ang utak ko.

-

Yeriel's POV

Napakasarap ng gising ko, hmhmh

Xav: "mabuti naman gising kana" yan lang naman si Xav ang nagpapasama ng araw ko

Yeriel: "hmhm, nagluluto kaba?"

Xav: "oo tapos na, kumain kana rito" wika nito. Ito na ata ang pinakamagandang nasabi nya sa buong buhay nya, agad naman akong nagpunta sa maliit na lamesa para kumain. Itlog at saka hotdog lang ang ulam, pero mukhang masarap naman ang pagkakaluto at gutom narin ako hindi nya kaya ako pinakain kagabi

Xav: "kumain ka na"

Yeriel: "teka pwedeng akin nalang yong puti ng itlog mo?"

Xav: "huh? Puti?"

Yeriel: "hindi kasi ako kumakain ng egg yolk eh"

Xav: "ganon ba, sige palit nalang tayo"

Yeriel: "ayan, ang sarap" wika ko

Xav: "wag ka ng gigising ng ganitong oras lalo na kapag lunes, miyerkules at biyernes"

Yeriel: "huh bakit naman?"

Xav: "yon ang mga araw na maagap ang klase ko, kung gusto mong makakain ng umagahan. Sumabay kanalang saakin, hindi ka naman marunong magluto para makakain ka, hindi rin pwedeng soda at snacks lang ang pwede mong kainin lalo na sa umaga"

Yeriel: "tsk"

Xav: "pagkatapos mo nga palang kumain, maligo kana. Kakausapin tayo ng daddy mo"

Yeriel: "ayoko"

Xav: "anong ayaw mo?"

Yeriel: "ayokong makita ang daddy"

Xav: "wala kading magagawa kundi sumunod saakin kung hindi itatapon ko ang mga gamit mo palabas ng bahay ko"

Yeriel: "hayss yan nalang palagi ang panakot mo saakin. Teka saan ako maliligo?" wika ko at saka itinuro ni Xav ang CR "wait diba toilet room yon?"

Xav: "doon karin maliligo"

Yeriel: "huh?"

Pagkatapos kong kumain ay mabilis akong pinapunta ni Xav sa banyo para daw maligo. Pero toilet room talaga yon.

Yeriel: "Xav, wala ditong shower"

Xav: "may timba at tabo dyan. Yon ang gagamitin mo"

Heiress BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon