Seuss' POV
Umuwi agad ako ng bahay at nadatnan ko naman agad doon si Maviah, ang babaeng naging dahilan para hiwalayan ako ni Allya. Sa galit ko hinawakan ko sya ng mahigpit at tinulak sa wall ng malakas.
Mavi: "ouch, ano ba nasasaktan ako!" Galit nitong wika habang pahigpit naman ng pahigpit ang hawak ko sa kanya
Seuss: "ikaw ang dahilan kung bakit ako hiniwalayan ni Allya! Ikaw!" Galit na galit kong wika
Mavi: "what? Help! Tulungan nyo ako! Tulong!" Pagsisigaw nito at agad namang nagsipaglabasan ang lahat.
Saiez: "Seuss?"
Mr. Saragosa: "Seuss! Ano bang ginagawa mo?!" Galit nitong wika sabay tulak saakin para mabitawan ko si Maviah "okay ka lang?"
Mavi: "dad gusto nya akong saktan"
Mr. Saragosa: "Seuss! Ano bang nangyayari sayo?!" Galit nitong wika
Seuss: "mamatay tao ang babaeng yan!"
Mr. Saragosa: "ano?!"
Seuss: "binaril nya si Mr. Watson four years ago pero ang natamaan nya ay ang body guard nito na ama ni Allya! She is a muderer"
Mavi: "hindi yan totoo, napatunayan na sa korte na wala na akong kasalanan. Four years ago!"
Seuss: "oo dahil binayaran mo sila!"
Mavi: "wala akong pera noon kaya pano ko sila mababayaran!"
Seuss: "sabi ni Allya pinuntahan mo sila para bayaran para manahimik na lang at hindi ituloy ang kaso!
Mavi: "pwes nagsisinungaling lang ang babaeng yon!"
Seuss: "dahil sayo napakaraming paghihirap ang dinanas ni Allya!"
Mr. Saragosa: "sino bang Allya na yon?! Yon ba yong babae mo?! Seuss! Gumising ka nga! Nagsinungaling lang sayo ang babaeng yon! Gusto nya lang na masira tayo, otherwise gusto nya lang pagkaperahan ang pamilyang ito!"
Seuss: "kahit kaylan hindi naging mukhang pera si Allya!"
Mr. Saragosa: "hindi mo rin masasabi dahil luklukan ng kahirapan ang babaeng yan! Hindi na ako magtataka kung bakit sya nagsisinungaling sayo dahil gusto nya lang naman ng pera! At ano paniniwalaan mo ba talaga ang babaeng yon kesa sa pinsan mo?!"
Seuss: "bakit ang hindi? Kilala ko si Allya pero ang babaeng yan hindi ko sya nakilala!"
Mr. Saragosa: "kadugo mo parin sya!"
Seuss: "kadugo? Mas gugustuhin ko pang maging kapatid si Yeriel kaysa maging kadugo ang mamatay taong yan!" Galit kong wika at sinampal naman ako nito ng malakas
Mr. Saragosa: "hindi mo na ako nirespeto!"
Seuss: "respeto?! Ang mga nererespeto lang ay ang mga taong karapatdapat!"
Mr. Saragosa: "what?"
Seuss: "wag ka nang maglinis, dahil kaya mo kami inampun ni Saiez hindi dahil sa pananagutan mo saamin hindi ba?"
Mr. Saragosa: "ano bang sinasabi mo?"
Seuss: "akala mo ba talaga ganon ako katanga para hindi malaman lahat ng ginagawa mo? Inampon mo kami para ikaw ang maging legal guardian namin at sayo mapunta ang pamamahala sa Stewart's Company; Pinalalabas mo na maayos ang Stewart's Company pero ang totoo ubos na ubos na ito dahil lahat ng pera na kinikita nito napupunta sayo at ginagamit mo yon sa sarili mong kompanya!"
BINABASA MO ANG
Heiress Blood
Mystery / ThrillerYeriel: "huh, totoo nga. You know what, loving you is a serious crime to my family. But still, I chose to love you and you! You just prove me that I am wrong!" Once upon a time there is a princess, maaring sa pagiging moderno ng ating panahon ay wal...