Chapter 21_FIRST DAY

11 1 0
                                    

Yeriel's POV

Xav: "Yeriel gising na!" paggigising pa nito saakin

Yereil: "ang agap agap pa eh"

Xav: "ano kaba?! 8 am ang start ng klase natin! Malalate kasa first day mo?"

Yeriel: "eto na" wika ko at saka ako bumangon, ansakit talaga sa likuran ng sofa na yon. Kahit natutulog parin ang utak, nagtotothbrush na ang katawan ko. Ewan ko para akong lutang na lutang dahil sa agap ng gising saakin ni Xav sa US naman kahit anong oras ako magising okay lang

Xav: "kumain kana" wika nito at umupo na ako para kumain, tinanggal ko ang egg yolk ng pinirito nyang itlog at inilagay sa pinggan nya at ganon din ginawa nya. "bilisan mo na, maliligo ka pa!" galit nitong wika

Yeriel: "eto na"

Xav: "eto na nga pala yong duplicate ng susi, wag mo na ulit iwawala yan"

Kahit nakaligo na ako nakatulog parin ako sa kotse ni Xav. Para bang panaginip lang ang lahat ng ginagawa ko.

Xav: "bumaba kana!"

Yeriel: "huh? Wala pa naman tayo sa school ah"

Xav: "ano ka ba nakalimutan mo na bang you need to keep you distance?"

Yeriel: "maglalakad ako?"

Xav: "bumaba kana, nasa kabilang kanto nalang din naman ang school!" wika nito at tinulak ako pababa ng kotse nya "oh good luck nalang sa first day mo, yong mga sinabi ko sayo wag na wag mong kakalimutan!" wika nito at saka umalis. Nakakainis talaga sya, may kotse naman ayaw akong isabay! Hayss!

Naglakad lakad pa ako papuntang school ng bigla nalang may bumusina saaking likuran. Yong babae pala kahapon na anak ng judge.

Apol: "oh ikaw pala, bakit ka naglalakad?" wika nito saakin at saka bumaba ng kotse nya na parang pinagyayabang pa ito sa lahat. Samantalang yellow Volkswagen Passat lang ang kotse nya around 18-20k dollars yan in Philippine money hindi tataas ng 1million pesos. Tsk.

Apol: "naglalakad ka? Kawawa ka naman! Wait tingnan mo ang binili saaking pendant ng dad ko. It's a diamond pendant, alam mo ba nagkakahalaga eto ng almost half million pesos? Syempre hindi mo yon alam" pagyayabang pa nito. Kung ganon ako katanga pwede nya pa akong maloko pero it's a fake diamond pendat, the way na pagdadala nya ng necklace masyadong magaan at hindi rin bumabakat ang necklace sa leeg nya ibigsabihin masyado itong magaan para maging totoong diamond siguro 0.76 carat lang ang aabutin nito at kung mabibili naman naglalaro lang sa 3k -5k pesos ang price. "oh ang ganda naman ng necklace mo. Fake ba? O nakaw mo?" kung pwede lang talaga akong gumawa ng katarantaduhan kanina ko pa nasapak ang babaeng ito.

Yeriel: "ano bang kailangan mo?!"

Apol: "simple lang, stay away from Xav. Yun lang naman"

Yeriel: "mukhang nagkakamali ka ng taong sinasabihan" wika ko at saka ako tumalikod para umalis dahil paghindi talaga ako nakapagpigil masasapak ko na ito. Pero hinawakan nya ako sa balikan at pinigilan

Apol: "hindi mo ako kilala, kapag hindi mo nilayuan si Xav I will make your life like hell. Tandaan mo yan" wika nito at saka ako binitawan hindi ko na sya nilingon pa dahil baka masura pa ako sa mukha nya at masapak ko sya

Nagpatuloy na ako sa room na nasaschedule ko para sa klase ngayong araw, nandito na rin ang prof. Mukhang late ata ako.

Yeriel: "hello sir"

Prof: "bakit ka late?"

Yeriel: "bago pa lang po kasi ako"

Prof: "ganon ba, sige magpakilala ka muna sa mga magiging kaklase mo" wika nito. Nakita ko naman si Xav sa kaliwa na nakaupo.

Heiress BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon