Seci's POV
Naglibot libot pa kami sa loob ng mall hanggang sa tumigil sya sa isang piano na naka-display sa isang shop.
Seci: "oh nga pala mahilig ka nga pala sa music" I smiled
Jenzo: "umalis na tayo dito" wika nito at saka mabilis na naglakad papaalis at sumunod naman ako.
Pumunta pa kami sa ibat ibang lugar para lang kumuha ng mga litrato na maaring maipakita kay Dad.
Jenzo: "hold my hand"
Seci: "huh?"
Jenzo: "sabi ko hawakan mo ang kamay ko" wika nito at saka inilagay ang kamay ko sa kanyang kamay. Ganon na lamang ang pagkagulat ko at hindi ko na naigalaw ang buo kong katawan, nahahawakan ko ngayon ang kamay ni Jenzo. Ang kamay ng 1st love ko, ng ultimate crush ko. Nakatingin lang ako ngayon sa mukha ni Jenzo at nangangarap na sana totoo na lang sana ang lahat ng ito.
Lalaki: "miss dito kana tumingin sa camera!"
Jenzo: "ano hindi ka paba titingin don sa camera?"
Seci: "huh? Oo, pasensya na" wika ko at saka tumingin sa camera at ngumiti.
Makalipas pa ang ilang oras mukhang marami na din kaming pictures na magkasama, sa totoo lang napakasaya ko ngayong araw. Na kahit pagkukuwari lang ang lahat hindi ko parin mapigilan na maging masaya.
Jenzo: "itigil mo na lang dito" wika nito at saka bumaba. Tumigil lang kami ay sa Eisenhower University na kahit weekends ay nagbubukas ang school na ito.
Seci: "bakit?"
Jenzo: "hanggang dito na lang ako" wika nito at saka umalis.
-
Jenzo's POV
Nang makita ko ang Eisenhower University mabilis akong nagpababa rito at pumasok agad sa stadium. Gusto ko munang makalimot ng ibang bagay at tumugtog ng tahimik sa loob.
Sa mga darating na araw baka hindi ko na magawa pang tumugtog sa lugar na ito kaya naman gusto ko munang sulitin ang mga natitira kong oras.
Tumugtog ako ng tumugtog kahit walang tao sa loob. Ipinikit ko ang aking mga mata at inisip na sumasayaw lang saaking harapan si Lexi, pinaramdam nito kahit saglit lang ang presensya ni Lexi. Makalipas pa ang ilang minuto na nagulat na lang ako ng biglang may narinig akong isang maliit na ingay. Binuksan ko ang aking mga mata at nakita ko si Lexi na papalapit saakin
Jenzo: "Lexi?" Mahina kong wika
Seci: "huh? Pasensya na, pumasok ako" nadismaya naman ako ng makita kong si Seci pala ito at humarap ulit ako sa reyalidad na wala nga pala dito si Lexi
Jenzo: "ano bang ginagawa mo dito?"
Seci: "ka-kasi hinihintay kita, eh medyo natagalan kana kaya naman sumunod na ako. Magaling ka parin palang tumogtug-"
Jenzo: "wala naman akong sinabing hintayin mo ako"
Seci: "huh? Iniisip ko lang kasi, hindi mo kasi dala yong kotse mo kaya akala ko baka sasabay ka saakin"
Jenzo: "umalis ka na hindi ako sasabay. Pwede kong ipadala dito ang kotse ko kahit kaylan ko gustuhin"
Seci: "huh? Ganon ba. Dito ka ba madalas tumugtog? Pwede bang makinig lang ako kahit saglit lang?"
BINABASA MO ANG
Heiress Blood
Mystery / ThrillerYeriel: "huh, totoo nga. You know what, loving you is a serious crime to my family. But still, I chose to love you and you! You just prove me that I am wrong!" Once upon a time there is a princess, maaring sa pagiging moderno ng ating panahon ay wal...