Chapter 73_AUDITION

5 0 0
                                    

Yeriel's POV

Pagkarating namin sa bahay bumungad agad saamin si Daddy na galit na galit.

Mr. Saragosa: "alam nyo ba ang ginawa ninyo?! Dahil sa inyo hindi na natuloy ang partnership ko kay Mr. Velasquez!" Galit nitong wika pero wala saaming umiimik "hindi nyo ba alam na anlaki ng perang nawala saakin! Malaki ang ibibigay na investment saakin ni Mr. Velasquez pagkatapos gagawin nyo yon!"

Evan: "hindi po ako nagsisisi"

Mr. Saragosa: "huh, nagsalita ang puno't dulo nitong lahat. Ano masaya kana?! Sa tingin mo ba dahil sa ginawa mong yon tatanggapin ko ang babaeng yon?!"

Evan: "hindi ko naman po kaylangan ang pagtanggap nyo sa kanya. Hindi dad, hinde" wika nito at saka umalis

Mr. Saragosa: "Evan!" Galit nitong sigaw

Marq: "oh anong nangyayare dito?" Pagdating pa nito ng huli

Mr. Saragosa: "saan ka naman nanggaling?! Nakipagkita ka ba don sa anak ng kriminal na yon?!"

Marq: "hindi kriminal si Mr. Takeru!"

Mr. Saragosa: "naniwala ka naman sa mga sinasabi nila"

Marq: "nakapatay si Mr. Takeru dahil sa pagtatanggol nya sa kanyang anak!"

Mr. Saragosa: "hindi mo parin mababago nakapatay at nakapatay pa rin sya! Kriminal pa din ang tingin ng lahat sa kanya!"

Seuss: "ang galing nyo naman magsabi ng kriminal sa ibang tao! Ganon na ba kayo kalinis?!"

Mr. Saragosa: "anong sinasabi mo?!"

Seuss: "wala ka bang natatandaan? 12 years old ako non, ng unang beses mong ipagawa saakin ang mga bagay na hindi ko dapat ginawa! Nang makita mo kung ano ang kaya kong gawin, sinama mo ako sa company. Binigyan mo ako ng computer at sinabing maglalaro lang"

Mr. Saragosa: "tumigil kana!"

Seuss: "Bakit ayaw mo mo bang malaman nila kung gaano ka kasamang tao?! Isa karing kriminal. Dahil pinahack mo saakin ang ibat ibang kompanya pinanakaw mo ang pera nila at ibat ibang impormasyon na magagamit mo laban sa kanila! Sa hindi ko nalalaman. Kinabukasan na lang napanood ko sa Tv wanted na pala ako sa panghahack. Isang twelve years old nakapagnakaw na sa malalaking kompanya, dahil sayo! Maraming nawalan, may iba pang nagpakamatay dahil wala kang tinira sa kanila! Alam mo ba kung gaano kabigat ang guilt na dala-dala ko simula noon?! Pero bakit parang wala lang sayo?! Bakit?!"

Mr. Saragosa: "para lang sa inyo ang ginawa ko"

Alec: "hindi dad, para yon sa kompanya at sasarili mo" wika nito at saka umalis. Isa isa na din kaming umalis.

Marq: "hindi kriminal si Mr. Takeru dahil mabigat ang rason nya, ikaw ang kriminal dad"

Hindi ko akalain na magagawa ng dad yon, lahat ng perang nilulustay namin at ang paglago ng kompanya ay galing sa mga taong naghihirap ngayon. Masakit lang isipin na wala pala kaming karapatan na magkaroon ng ganitong buhay.

Ano pa ba ang tinatagong lihim ng pamilyang ito? Bawat araw na lang may mga hindi kanais nais na lumalabas na baho ng pamilya at kompanya.

-KINABUKASAN-

Jenzo's POV

Ito na ang araw ng audition ni Lexi, pinaghandaan ko ng mabuti ang tutugtogin ko para sa araw na ito.

Heiress BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon