Chapter 88_SAIEZ' PROPOSAL

3 0 0
                                    

Jaex' POV

Dumaan ako kina Harriet pero sabi ng guard hindi pa daw handa si Harriet. Ngayon ko lang sya dinaanan ng hindi pa handa para pumasok.

Guard: "sir sa loob na lang po kayo maghintay" wika ng guard at saka naman ako pinapasok nito.

Malaki at malawak ang bahay nina Harriet, hindi maikakaila na galing nga sya sa mayamang pamilya.

Jaex: "si Harriet?"

Maid: "ah naliligo pa po si maam, maghintay na lang po kayo sa living room sa itaas" wika nito saakin dahil malawak na swimming pool lang naman ang meron sa baba at isang maliit na garden.

Umakyat na ako sa itaas para maghintay, pero dahil sa medyo matagal tagal na rin kaya naglibot libot muna ako sa bahay. Nang may nakita akong bukas na pintuan ng isang kwarto.

Jaex: "kwarto bato ni Harriet?" Wika ko at saka pumasok na lamang dito.

Light ang kulay ng kwarto at maaliwalas din ito, may larawan sya sa may tabi ng kanyang kama.

Jaex: "Napakaganda talaga ni Harriet" wika ko at nakita ko naman ang isang human size Teddy bear sa kama nito. Teka yon kaya ang katabi ni Harriet tuwing gabi? Palagi nyang niyayakap?

Jaex: "bwiset na Teddy bear yan ah!" Galit kong wika at kukunin ko na sana ang Teddy bear ng biglang may parang nagbukas ng pinto. Pagharap ko nakita kong nakatuwalya lang saaking harapan si Harriet. Kahit maliit lang sya ay masasabi mong napakaganda talaga ng shape ng katawan nya, makinis at maputi rin ang kanyang balat. Kaya naman hindi ko talaga mapigilan na titigan sya.

Harriet: "Jaex? Anong ginagawa mo rito?" Gulat na tanong nito

Jaex: "huh? Ah eh. Ka-kasi, ano amm. Hinihintay kasi kita eh masyado na akong matagal na naghihintay kaya naglibot-libot ako hanggang sa makarating dito"

Harriet: "ganon ba, pasensya na. Sige na sa living room ka na lang maghintay"

Jaex: "bakit?"

Harriet: "kasi magbibihis ako?"

Jaex: "ah! Oh, nga pala. Amm si-sige magbihis kana, hihintayin na lang kita sa living room. Sa living room tama" kabado ko pang wika

Harriet: "sige, mabilis lang ako" wika nito at saka naman ako mabilis na lumabas ng kwarto nya.

Hindi ko alam kung bakit hindi ko na maalis sa isipan ko ang itsura ni Harriet kanina. Gustong kong ilibot ang isipan ko pero bumabalik at bumabalik lang sa kanya. Hayss ano bang nangyayari saakin?!

Jaex: "hey, pwede bang pakilakasan ng aircon dito?" Utos ko sa dumaan na maid

Maid: "po?"

Jaex: "sabi ko palakasan ng aircon. Masyadong mainit"

Maid: "pero, malakas naman po yong aircon-"

Jaex: "gawin mo na lang!" Galit kong wika at nabigla naman ang katulong

Maid: "si-sige po" mabilis nitong kilos

Hindi pa tumatagal ay naramdaman ko na ang lamig ng aircon, pero hindi parin tumitigil ang butil butil kong pawis. Hanggang sa lumabas na si Harriet.

Harriet: "oh Bakit parang ang lakas ng aircon?"

Jaex: "huh? Wala wala, okay kana ba?"

Harriet: "oo"

Jaex: "sige sige, tara na" wika ko at saka naman kami bumaba "dahan dahan lang baka malaglag ka"

Heiress BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon