Chapter 38_SEUSS AS A HACKER

9 1 0
                                    

Saiez' POV

Mabilis akong nagpunta papunta sa location ng practice ng team. Pero mukhang wala pa yong iba at si coach lang ang nandito.

Saiez: "coach" pagbati ko kay coach pero mukhang seryuso dahil hindi man lang ako pinansin. Kaya naman naupo na lang ako sa tabi nya.

Kai: "parang maagap ka" mahina nitong wika

Saiez: "huh? ah eh kasi-"

Kai: "one on one tayo"

Saiez: "Huh?" ganon nalang ang pagkagulat ko sa sinabi nya pero tumayo sya at kinuha ang bola

Kai: "tumayo kana dyan" wika nito at saka ako tumayo. Pero naninibago ako sa ikinikilos nya. Wala sya sa kondisyon dahil mukha syang pinagsakloban ng langit at lupa. Pero wala naman akong nagawa dahil coach ko parin sya kaya tumayo na lamang ako. Ipinasa nya saakin ang bola at nagsimula na ang laro.

Hindi sya gaanong gumagalaw kaya malayo akong nakakashoot ng bola, minsan pa ay napakalambot nya dahil kaunting tulak ko lang ay lumalagapak na sya sa semento.

Saiez: "coach, may problema ka ba?"

Kai: "wala ka na dong pakialam, sige na magpatuloy kana sa practice"

Saiez: "hindi coach, kung ipagpapatuloy ko pa ito, siguradong babagsak ka lang!"

Kai: "ganyan ba ang tingin mo saakin mahina?" malamlam nitong wika

Saiez: "coach hindi, pero iniisip ko lang ang pwedeng mangyare"

Kai: "kung ganon, magresched na lang ulit tayo ng practice" wika nito at saka naman tumalikod saakin

Saiez: "ano?! Alam mo coach para kang babae!" wika ko at saka naman napatigil ito sa palalakad paalis

Kai: "anong sabi mo?!" galit nitong wika

Saiez: "hindi naman yon ang ibig kung sabihin eh kasi pabago bago yong iniisip mo eh. Ganun kasi ang mga babae"

Kai: "ulitin mo pa yan, sasapakin na kita"

Saiez: "iniisip ko lang naman ay yong kinikilos mo na pangbaba-" hindi ko na naituloy pa ang sinasabi ko dahil isang malakas na sapak na agad ang natanggap ko sa maliit nitong kamay "ouch" wika ko habang inaayos ko ang panga ko.

Kai: "hindi ka maagap, late kana. Naaksidente si Johann kanina at injured ngayon ang paa nya, sya ang three-point shooter ng team! Sa tingin mo pano pa tayo mananalo sa laban?! Isang linggo nalang at magsisimula na ang laban sa sports! At linggo pa ang bibilangin ni Johann sa ospital!"

Saiez: "late ako? Si Johann na aksidente?"

Kai: "palagi ka namang late" galit nitong wika at saka umalis

Saiez: "hindi! Mananalo tayo! Ipapanalo ko ang team tandaan mo yan! Ipapanalo ko! at pag nagawa ko yon babayaran mo itong sapak mo saakin!" pagsisigaw ko pa sa kanya pero nagpatuloy lang syang umalis.

-

Xav's POV

Iniwan ko si Yeriel na nagsusulat sa bahay mukhang determinado talaga sya sa ginagawa nya kaya hinayaan ko muna sya at ako naman ay kailangang magtrabaho.

Pagkatapos ng trabaho ko nandatanan ko parin sya na nagaaral, kaya ngayon hangang hanga na talaga ako sa kanya. Kapag ginugusto nya pala ang isang bagay binibigay nya ang lahat para dito kaya naman para matulungan sya ako ang nagluluto ng mga pagkain nya at nagtitimpla ng kape. Ginagawa ko din ang part ko na mag ayos ng papers nya na may sulat. Hindi na talaga sya nag iingay dahil puros aral lang ang ginagawa nya.

Heiress BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon