Chapter 103_YERIEL'S CHOICE

8 1 0
                                    

Yeriel's POV

Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako sa aking mga luha at nagising na lang ako ng dumating na si Saina.

Saina: "oh gising ka na pala Yeriel, akala ko maysakit ka kaya hindi na muna kita ginising"

Yeriel: "Saina"

Saina: "hmhm? Oh nga pala kanina nakahanap ako ng trabaho, kinuha ko na kahit janitress lang basta't may sweldo. Okay na rin yon, wag mo na kaming intindihin pa Yeriel, mag-focus kana lang sa pag aaral mo para naman kahit papaano may maganda kang trabaho pagkatapos mong mag aral" wika nito. Gusto kong sabihin sa kanya ang lahat, gusto kong sabihing ayoko na mag aral, ayoko ng pumasok. Sawang sawa na ako sa mga sinasabi nila saakin, pero papano ko yun magagawa kung umaasa sila na makakapagtapos ako sa kilalang eskwelahan at magkakaroon ng maayos na trabaho pagkatapos mag-aral. Papano ko masisira ang pag asa na binigay ko sa kanila.

Saina: "May problema ba Yeriel?"

Yeriel: "huh? Wala wala, okay lang. Sige mag aaral na lang muna ako"

Saina: "sige maghahanda na rin ako ng hapunan"

Halos buong gabi akong hindi makatulog dahil sa pag iisip. Sila ang tunay kong pamilya, sila na lang natitira saakin. Ayokong pati sila mawala na din saakin.

Kinabukasan maagap akong pumasok at agad na dumeretso sa principal's office para sabihin ang desisyon ko.

Principal: "nandito kaba para magdrop?"

Yeriel: "hindi po"

Principal: "kung ganon magbabayad ka?"

Yeriel: "wala po akong pera na maipambabayad sa inyo ngayon. Kaya pumapayag na ako na maging janitress ng school na ito hanggang hindi pa ako nakakabayad" matapang kong wika

Principal: "that is your choice, kung ganom kelangan mo nang mag umpisa ng mas maagap. After class 3-5 hours kang maglilinis dito, kaya mo ba?"

Yeriel: "opo"

Principal: "sige makakaalis kana" wika nito at saka ako umalis.

Buong tapang akong naglakad sa kalagitnaan ng napakaraming tao, nagbibingihan na lang ako sa mga bulong bulungan nila. Nagbubulag bulagan sa mga tingin nilang mapang insulto. Nagiging manhid sa mga tawa at pandidiri nila, kaya ko. Gagawin ko ito, makakabangon din ako.

Sa umaga nag aaral ako at ginagawa ko ang lahat para lang maintindihan ang bawat leksyon at sa gabi kaylangan kong magpaiwan para makapaglinis. Alam kong hindi magiging madale ang bawat araw na darating pero sa buhay ko ngayon walang madale.

Mavi: "wait guys mukhang may bago tayong janitress dito" pang insulto pa nito nang makita akong naglilinis ng pool

Girl 1: "mabuti nga sa social climber na yan"

Yeriel: "hindi pa ba kayo uuwi? Hindi ba bawal dito ang mga estudyante ng ganitong oras?"

Mavi: "baka nakakalimutan mo lang sa school na ito hawak ko ang bawat rules at ikaw isa kalang basura hahahaha" pagtatawa pa nito pero hindi ko na lamang pinansin at nagpatuloy na lang ako sa paglilinis

Girl: "I have a brillant idea" wika nito at saka may binulong kay Maviah

Mavi: "oh girl how rude? Pero maganda nga, bakit hindi natin gawin? Hey Yeriel, wag kang aalis dito dahil may gagawin kami na siguradong magugustuhan mo hahahaha" pagtatawa nito at saka umalis

Hindi pa nagtatagal narinig ko na ulit silang pabalik na nagtatawanan pa.

Mavi: "oh girl pagod kana ba? Don't worry nagdala kami dito ng mga kalahi mong basura" wika nito dala dala ang ilang sako ng basura

Heiress BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon