Chapter 116_WEDDING

15 2 0
                                    

-KINABUKASAN-

Yeriel's POV

Maagap na akong naghanda para sa flight ko ngayon papuntang Italy. Malungkot man na hindi ko na makakasama pa ang mga kuya ko sa pagkakataong ito, pero ito naman ang tama kong gawin ngayon.

Mayve: "huhuhu ate mamimiss kita huhuhuhu" pag iiyak pa nito

Yeriel: "Tahan na, pwede naman tayong magtawagan diba?"

Mayve: "ate huhuhuhu" wika nito sabay yakap saakin

Yeriel: "pangako magkakasama din tayo"

Mayve: "ate huhuhuhu"

Saina: "Mayve tama na, kelangan ng umalis ng ate mo"

Yeriel: "Saina maraming salamat, wag mong pababayaan si Mayve. Oh nga pala ito three million pesos, makakatulong yan sa inyo"

Saina: "gamitin mo na lang yan sa pagsisimula mo"

Yeriel: "hindi okay lang ako, magiging okay din ako"

Saina: "pero-"

Yeriel: "sige na kaylangan ko ng umalis" wika ko at saka ako lumabas ng bahay

Mayve: "ate! Huhuhuhuhu" pag-iiyak nito

Ngumiti na lang ako sa kanila bago pumasok sa loob ng kotse ni Nevi.

Nevi: "handa kana ba?"

Yeriel: "oo, sige na" wika ko at saka naman pinaandar ni Nevi ang sasakyan.

Hindi ko maiwasang maiyak dahil sa pag alis ko. Maiiwan ko na ang lahat dito, sina kuya sina Saina at ang iba ko pang kaibigan lalo na si Xav. Naaalala ko yung unang pagkikita namin ni Xav at kung saan saan nya ako dinala, nakakatawa lang ang mga bagay na yon. Napakagandang mga ala-ala, hindi ko inasahan na dito na kami magtatapos dalawa ni Xav. Mahal na mahal ko si Xav pero kelangan kong magpatuloy, kelangan kong bumangon at magsimula ulit sa lugar na malayo sa mga tao maaring makapanakit saakin, saamin ng magiging anak ko.

-

Xav's POV

Habang isinusuot ko ang damit pangkasal, kasabay nito ang pagtulo ng aking mga luha. Kahapon lang nalaman ko ang panlolokong ginawa saakin ni Yeriel at ngayon pakakasalan ko ang babaeng hindi ko kayang mahalin.

Bakit ba ako naging ganito? Noong unang pagkikita naman namin ni Yeriel buo ang loob ko na magpapakasal ako kahit walang love. Pero ngayon ang hirap magpakasal ng hindi ka pa tapos magmahal. Parang napipilitan, kinukontrol, ginagawang taotaohan ng mga taong nakapaligid saakin. Pagkatapos ng kasal na ito, habang buhay ko na dapat na itikom ang aking bibig at mamuhay sa mga kagustuhan nila.

Personal Bodyguard: "sir oras na po" wika nito at napangiti na lamang ako

Xav: "oras na ba para gawing impyerno ang buhay ko?" Wika ko at hindi naman sya nakaimik "sige na tara na, wala na din naman akong magagawa" wika ko saka lumabas at pumasok sa kotse

Hindi ko malilimutan ang unang pagkikita naming dalawa ni Yeriel. Ang pagsasama namin, ang pag-travel, ang pagtulog nya sa bahay ko at iba pa.

I will never forget the day I realized I love her.

Nakakatawa lang isipin na yung kinagagalitan mo noon, sobra mo palang mamahalin pero sa huli sasaktan ka din.

Personal Bodyguard: "sir" wika nito at saka ako lumabas ng kotse at bumaba sa simbahan. Napakaraming bisita, nakapaengrande ng lahat. Kung titingnan perpekto na ang lahat pero hindi ko maramdaman kung ano mang saya ang nararamdaman nilang lahat. Napakabigat ng loob ko, parang pasan pasan ko na ang bawat responsibilidad na inatang nila saaking lahat. Dumeretso na ako sa unahan ng simbahan nasa gilid ko naman ay si Dad.

Heiress BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon