Chapter 29_MAD YERIEL

8 1 0
                                    

Seuss POV

Sa mga nalaman kong pangyayare patungkol kay Allya, unti unti ko na syang napapagdugsung dugsung ang mga pangyayare. Ipinanganak ako sa mayamang pamilya kaya gamit ang pera nabibili at nagagawa ko kung ano man ang gustuhin ko kaya mahirap saakin maintindihan ang mga pinagdadaanan nya at malaman kung gaanon ang sakit na nararamdaman nya ngayon.

Bumili muna ako ng gamot na ilista ng nurse para kay Allya at agad na pinuntahan sya sa clinic pero hindi ko na sya doon natagpuan. Hindi narin sya pumasok sa mga natitira naming mga klase kaya nag alala na ako sa kanya nabaka kung anona ang gawin nito. Naabutan ko syang palabas ng gate, gusto ko syang lapitan pero mas minabuti ko nalanag na dumistansya sa kanya dahil alam ko naman na wala din akong magagawa para sa sakit na nararamdaman nya ngayon.

Naglakad lakad pa sya, hindi sya tumitigil kahit na pumapatak na ng mga luha nya. Pinupunasan nya na lamang ito at kasabay ng hangin ay agad itong naglalaho, kahit anong pilit nya na wag tumulo ang kanyang mga luha ay hindi na nya ito makontrol pa. Napaupo na sya sa gitna ng kalye at duon na bumuhos ang lahat ng kanyang luha, mula sa malayo naririnig ko ang lahat ng sakit na nararamdaman nya.

Allya: "huhuhuh, bakit ganito? Bakit ako pa? Bakit hindi nalang naging equal ang lahat? Bakit? Huhuhuhu" pagiiyak nito. Gustong gusto ko syang lapitan at punasan ang kanyang mga luha pero hindi ko magawa dahil hindi ko alam kung anong dapat gamitin kong mga salita. Muli syang tumayo at inayos ang kanyang damit, pinahid ang mga natitirang luha at saka nagsimulang naglakad dahan dahan.

Malayo layo na ang nilakad nya pero parang hindi nanito nararamdaman ang pagod at tumigil sya sa isang kainan. Inayos ang sarili, huminga ng malalim at saka pumasok. Tinanaw ko na lamang sya mula sa kabilang kalsada.

Babae: "bakit ngayon ka lang ba?!"

Allya: "pasensya na po, pasensya na"

Babae: "sige na! marami pa tayong mga costumer"

Allya: "sige po" wika nito at saka mabilis na naglinis ng mga lamesa. Nagtratrabaho pala sya dito. Hindi na niya inaalala pa ang pawis o kung gaano kagulo ang kanyang buhok patuloy tuloy parin sya sa pagtratrabaho, walang pahinga ni ang pagupo ay hindi nya magawa.

Nakalipas na ang ilang oras at hindi ko man lang nakitang kumain si Allya o nagpahinga. Pero siguro ito na ang oras ng tapos ng kanyang trabaho dahil wala nang araw pang masisilayan sa labas.

Babae: "oh eto ang bayad sayo ngayon. Agapan mo ulit huh!"

Allya: "sige po salamat po" wika nito at saka umalis. Hindi ko maintindihan kung bakit ganoon lamang kaliit ang ibinayad sa kanya eh halos hindi na sya makahinga ng maayos dahil sa pagod. Pero nagawa nya pang magpasalamat.

Naglakad na sya papalayo sa kainan, bumili ng maliit na tinapay sa isang tindahan at nagpatuloy sa paglalakad. Sinundan ko sya ng sinundan habang iniisip ang lahat ng nangyayare sa buhay ng babaeng ito. Napatigil sya sa isang upuan para maupo at binuksan ang maliit na tinapay nyang dala. Akala ko magiging maayos na sya noon pero nagsimula na namang syang umiyak ng umiyak habang kinakain ang maliit na tinapay. Gamit ang kanyang mga kamay bilang panyo ng kanyang mga luha.

Nararamdaman ko ang pagod nya dahil paunti unti naitong nakakatulog sa bangko na kanyang inuupoan. Sa mga oras na ito minabuti ko na syang lapitan dahil babagsak nasya sapagod. Tinabihan ko sya sa upuan at sinalo ng aking balikat ang kanyang ulo at agad naman syang nagising.

Allya: "Seuss?"

Seuss: "you can use my shoulder for now" wika ko at mangiyak ngiyak nyang sinandal ang kanyang ulo sa aking balikat at nagsimula nanaman saying umiyak

Heiress BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon