Chapter 84_LEXI'S DREAMS

4 0 0
                                    

-KINABUKASAN-

Jenzo's POV

Napakasakit ng ulo ko, naparami nanaman siguro ang nainom ko. Unti unti kong iminulat ang aking mga mata, ganon nalang ang pagkagulat ko dahil wala ako saaking kwarto. Hindi ito ang aking kwarto, nasasaan ako?

Maid: "gising na po pala kayo"

Jenzo: "nasaan ako?"

Maid: "sandali lang po tatawagin ko lang po si maam" wika nito at mabilis na umalis. Nakita ko ang cellphone at susi ng kotse ko sa may lamesa kaya mabilis ko na itong kinuha.

Seci: "gising kana pala" masaya pa nitong bati

Jenzo: "nasaan ako?"

Seci: "sa guest room ng bahay ko" she smiled

Jenzo: "ano namang ginagawa ko rito?"

Seci: "kagabi kasi muntikan ng mabangga ng kotse namin ang kotse mo. Tapos lumabas ka ng lasing na lasing kaya dinala kita dito, malapit na rin naman kasi sa bahay"

Jenzo: "kelangan ko ng umalis"

Seci: "huh? Kelangan mo munang mag tea or coffee para sa hangover. Hindi ka makakapag drive ng maayos nyan"

Jenzo: "aalis na ako" wika ko at naglakad na palabas ng kwarto

Seci: "kung gusto mo ipapahatid na lang kita sa driver ko"

Jenzo: "hindi pa ba obvious? Hindi ko kaylangan ang tulong mo. Dapat hindi mo ba ako dinala dito"

Seci: "dapat ba pinabayaan na lang kita don kagabe? Pakalat kalat? Lasing na lasing"

Jenzo: "oo!" Wika ko at saka umalis

Hindi ko naman talaga kaylangan ang tulong ng isang katulad nya. Bakit pa ba nya ako tinulungan?

Mabilis kong pinaandar ang kotse ko paalis ng bahay para makauwi na.

Marq: "oh kuya nandito ka na pala"

Jenzo: "hey, ipaghanda mo nga ako ng tea" wika ko sa isang maid at saka naupo "ansakit ng ulo ko"

Marq: "hangover ba? Kuya kahapon kapa hinahanap ng daddy"

Jenzo: "hinahanap? Bakit daw?"

Marq: "wala syang sinabi basta pinapasabi nya sayo na puntahan mo daw sya sa opisina agad agad pag nakauwi kana"

Jenzo: "sige mamaya ko na lang sya pupuntahan"

Alec: "puntahan mo na sya ngayon, siguradong importante ang sasabihin nya sayo"

Jenzo: "sige kuya" wika ko at saka umalis

Maid: "sir yong tea nyo po"

Marq: "ako na lang ang iinom"

Kahit masakit pa ang ulo ko, mabilis na akong nagmaneho papunta sa opisina ng daddy para alamin kung ano ba ang kaylangan nya.

Mr. Saragosa: "oh nandyan ka na pala Jenzo, sige pumasok ka" masaya pa nitong wika

Jenzo: "ano po bang kaylangan nyo dad?"

Mr. Saragosa: "kilala mo ba si Mr. Harper Lavigne?"

Jenzo: "Hindi po"

Heiress BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon