Chapter 96_DNA TEST RESULT

9 0 0
                                    

Alec's POV

Wala na akong nagawa kundi umuwi muna para makapagpahinga at makapag-isip kung ano dang dapat kong gawin para mahanap si Margaux. Nadatnan ko naman agad ay sina dad at si Maviah

Mr. Saragosa: "mabuti naman Alec nandito kana, gusto ng kapatid mo na-"

Alec: "dad pagod ako. At kung inaakala mo na matatanggap ko ang babaeng yan ng ganon ganon nalang, I'm sorry pero hindi"

Mr. Saragosa: "alam kong nagkamali ako, hindi ko sinigurado na si Margaux ang kapatid mo bago sabihin sayo. Pero wag kang mag alala, tutupad parin ako sa sinabi ko. Ibibigay ko parin sayo ang 30% shares ng company"

Alec: "dad, hindi mo parin ba naiintindihan? Wala akong pakialam sa shares na yon! Sana hindi mo na lang sinabi saakin na si Margaux ang kapatid ko. Dahil don nawala saakin ang babaeng pinakamamahal, pagkatapos akala mo kakalimutan ko na lang ang lahat dahil sa pagbibigay saakin ng shares ng company? Hindi ako ganon kababaw dad!" Galit kong wika at saka umakyat deretso sa aking kwarto.

-

Marq's POV

Hindi parin ako makapaniwala sa mga nangyayare. Papaanong nagagawang magsaya parin ni dad sa mga ginawa nya?

Ngayon nasa game room kaming anim para magpalamig.

Evan: "what if si Maviah nga ang kapatid natin?"

Saiez: "ede ano pang magagawa kundi tanggapin sya bilang kapamilya"

Jaex: "hindi ko yon gagawin, walang kasalanan dito si princess kay hindi dapat sya magdusa ng ganito"

Jenzo: "pero diba sabi nong Maviah binayaran sya ni princess para manahimik?"

Seuss: "naniniwala ka ba sa kanya?"

Jenzo: "syempre hindi, tayo ang nagpalaki kay princess. Kahit may katigasan ang ulo non hindi non kayang magsinungaling sa atin"

Marq: "tama ka, kaya hindi nya talaga deserve ang pamilyang to. Kung tunay na hindi natin sya kadugo baka much better pa yon. Kasi walang ibang binigay ang pamilyang ito kundi pagpapahirap at pasakit lang kay princess"

Evan: "naniniwala akong kakayanin nya to. Pinalaki natin syang matapang hindi ba?"

Saiez: "teka nasan pala si kuya Alec?"

Seuss: "galit syang umalis kagabi, sinisisi nya si princes dahil sa paghihiwalay nila ni Margaux"

Jaex: "bakit naman? Anong kinalaman ni Princess don?"

Seuss: "hindi ko alam"

-

Xav's POV

Umuwi muna ako saglit dahil hindi ko rin naman madadamayan si Yeriel dahil hanggang sa ngayon galit pa rin ito saakin. Sana pala noong una palang sinabi ko na sa kanya ang tungkol kay Maviah. Hanggang ngayon hindi parin ako makapaniwala na si Maviah ay isang Saragosa.

Mr. Watson: "mabuti naman nandito kana Xav"

Xav: "dad?"

Mr. Watson: "gusto ko lang sabihin sayo, kapag positive yong result ng DNA test ni Maviah. You need to marry her"

Xav: "dad!"

Mr. Watson: "I know, na napamahal kaba kay Jyam. Pero sya ang kung si Maviah tunay na Saragosa at sya ang dapat mong pakasalan"

Heiress BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon