-BROTHERS HOUSE-
Evan: "nandito na si Marq!" pagsisigaw ko ng matanaw ko si Marq na lumabas sa isang itim na kotse. Sya na lang kasi ang pagasa naming lahat para sa plan A.
Alec: "asan na sya!" mabilis nitong takbo papunta sa may pintuan at saka naman lumabas sina kuya Jaex
Jaex: "oh ano Marq gumana ba yong plano?"
Marq: "gusto ko ng magpahinga"
Evan: "bakit?"
Marq: "sabi daw nong Xavier Watson magpapakasal na daw sya kaya wala daw syang oras para makipagrelasyon pa sa iba"
Jenzo: "yon lang yong nakuha mong impormasyon?"
Marq: "alam mo ba ang kapalit non?! Never mind, gusto ko ng magpahinga" wika nito at tuloy tuloy na itong bumagsak sa sofa
Jaex: "ano bang nangyare?"
Alec: "isa lang ang ibigsabihin nito, walang ni isa na nagtagumpay saating plano"
Jenzo: "anona ang gagawin natin?"
Alec: "hindi ko pa alam, hintayin na muna natin si Seuss bago magsimula ng plano baka sakaling meron syang naiiisip" wika nito at yon nga ang ginawa namin, naghintay kami ng ilang oras lahat sa sofa walnag kumakain walang nagsasalita at lahat kami ay determiinadong makaisip ng bagong plano ng biglang may nagbukas ng pinto.
Jaex: "Seuss?!"
Saiez: "ano ba naman kuya Jaex ilang taon na tayong magkakasama pero hindi mo parin malaman ang pagkakaiba naming dalawa ng kakambal ko"
Alec: "san ka ba nanggaling?"
Evan: "paniguradong nagbasketball lang yan"
Saiez: "bakit nyo ba hinahanap ang kakambal ko?"
Alec: "walang nagtagumpay sa plano kaya kailangan ulit magisip ng panibago"
Saiez: "kelangan nyo ngang hintayin ang kakambal ko, pero ako kakain muna ako" wika nito at agad nagpunta sa kusina
Ilaang oras pa ang hinitay namin at wala parin si Seuss saan nanaman kaya yon nagsusuot? Sinubukan narin namin syang tawagan pero patay ang kanyang cellphone. Lahat kami ay naghihintay sa pagdating nya at nag iisip. Makalipas pa ang ilang minuto sa wakas nandito narin sya, pagkarating nya ilang segundo pa kami nagkatitigan na parang naghihintay sa sasabihin ni Seuss.
Seuss: "oh anong nangyare bakit lahat kayo ay nasa sofa?"
Marq: "hindi nagsuccess yong plano kaya hinihintay namin na dumating ka para makapag isip ng bagong plano"
Alec: "saan ka ba pumunta?"
Seuss: "huh? wala dyan lang"
Jaex: "may naiisip ka pa bang ibang plano?"
Seuss: "plano?" pagiisip nito at naghintay naman kami sa kanyang sasabihin "wala pa eh, kayo ba?"
Jaex: "kayo?" tanong nito saamin at isa isa naman kaming umiling dahil wala talagang makaisip kahit isa samin ng plano
Alec: "siguro ang maganda nating gaiwn ngayon ay kumalap muna ng maraming impormasyon patungkol sa Xav na yan at saka pag isipan ang susunod na plano"
Marq: "yes makakain na rin ako sa wakas!" masigla nitong wika
Evan: "hayss akala ko naman may maiisip na si Seuss na plano"
BINABASA MO ANG
Heiress Blood
Mystery / ThrillerYeriel: "huh, totoo nga. You know what, loving you is a serious crime to my family. But still, I chose to love you and you! You just prove me that I am wrong!" Once upon a time there is a princess, maaring sa pagiging moderno ng ating panahon ay wal...