Chapter 100_ALLYA'S REALISATION

7 1 0
                                    

Allya's POV

Kakauwi ko lamang sa bahay galing sa trabaho at nadatnan ko naman silang kumakain. Nang bigla na lang may sumigaw sa aming bakuran, lumabas na lang ako para tingnan ito.

Allya: "Seuss?"

Saiez: "hayss kelan mo ba malalaman ang pagkakaiba naming dalawa ni Seuss?" Lasing pa nitong wika

Allya: "Saiez? Ano bang ginagawa mo dito? Gabing gabi na"

Saiez: "ano kaba! Gusto ka daw makausap ni Seuss"

Allya: "ni Seuss?" Tanong ko at turo naman nya kay Seuss na sumusuka sa may poste

Saiez: "sige na kausapin mo na ang kakambal ko!" Wika nito sabay tulak saakin papunta kay Seuss, wala naman akong nagawa kundi ang puntahan na lamang si Seuss dahil parehas na lasing ang magkambal.

Allya: "ano bang kailangan mo?"

Seuss: "Allya?" Masaya nitong wika sabay yakap saakin

Allya: "ano kaba?! Bumitaw ka nga! Amoy alak ka!" Galit kong wika at agad naman syang bumitaw

Seuss: "Allya please wag kanang makipaghiwalay saakin. Please please"

Allya: "Seuss umuwi kana lang"

Seuss: "ano ba ang gusto mong gawin ko? Lumayas na ako sa bahay na yon. Iniwan ko na ang lahat para sayo Allya, please ikaw lang ang kaylangan ko. Please wag mo tong gawin saakin"

Allya: "Seuss"

Seuss: "ano bang gusto mo? Gusto mo bang lumuhod pa ako?" Wika nito at saka naman sya lasing na lumuhod sa harapan ko

Allya: "Seuss ano kaba?! Tumayo ka nga dyan! Wag kang lumuhod!" Galit kong wika habang hinahatak sya patayo pero hindi parin sya tumatayo

Seuss: "hindi! Hindi mo pa ba nakikita Allya? Kaya kong ipagpalit ang lahat lahat para lang sayo. So please don't push me away, please please" pagmamakaawa pa nito

Allya: "Seuss" hindi ko narin napigilan pa ang aking mga luha dahil hindi ko kayang makitang nahihirapan ng ganito ang lalaking minamahal ko. Ganon na ba talaga ako kasama? Para mangyare ito kay Seuss? Ginawa ni Seuss ang lahat para saakin pero hinusgahan ko sya dahil sa isang tao. Ayokong gumawa ng isang bagay na alam kong pagsisihan ko balang araw

Allya: "Seuss, sige na tumayo kana. Wala ka namang kasalanan eh, ako lang talaga yong mababaw. Nagpadala lang ako sa galit sana patawarin mo ako" wika ko pero hindi parin tumatayo si Seuss "Seuss?" Wika ko at tuluyan na syang bumagsak saakin. Mukhang nakatulog na sya dahil sa kalasingan. "Saiez! Tulungan mo ako!" Sigaw ko kay Saiez dahil hindi na ako makatayo dahil sa bigat ni Seuss

Saiez: "bakit?"

Allya: "bumagsak na si Seuss!"

Saiez: "Sige nandyan na ako-" wika nito pero hindi na sya nakalapit dahil bumagsak na din sya.

Allya: "bwisit kayong magkambal! Papano ko kayo bubuhatin?! Nakakainis!"

-

Marq's POV

Tinawagan ako ni Ciara ngayong araw wala naman akong nagawa kundi ang puntahan na lamang sya.

Ciara: "nabalitaan ko yong nangyare kay Yeriel"

Marq: "nakakalungkot nga eh"

Ciara: "don't worry papasayahin na lang kita" wika nito sabay hila saakin. Kung saan saan pa kami nag pupuntang dalawa at kumain ng kung ano ano pero hindi ko parin magawang magsaya dahil sa dami daming problema.

Heiress BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon