Chapter 71_SIBLINGS PLAN

8 0 0
                                    

Ciara: "kung ganon, magpapakamatay na lang ako bago ninyo malapitan ulit si Marq" galit kong wika at itinutok ang espada saaking leeg "mamili ka dad, titigilan mo na si Marq o maglilibing ka ng sarili mong anak sa araw na ito?"

Takeru: "YUKARI!" Galit nitong wika at lalo ko pang diniin ang espada saaking leeg

Ciara: "dad, alam mong seryuso ako. Pagbilang kong tatlo dapat nakapili kana. Isa"

Takeru: "Yukari, wag mong gagawin yan! Iniisip ko lang kung papaano kita mapapasaya!"

Ciara: "dalawa!"

Takeru: "YUKARI!"

Ciara: "tat-"

Takeru: "sige na, sige na. Hahayaan ko nasi Marq hindi ko na sya guguluhin. Bitawan mo na yan" wika nito at binitawan ko naman ang espada

Ciara: "dad inaasahan ko na gagawin mo yan. Kilala mo ako hindi ako marunong magbiro" wika ko at saka umalis

Takeru: "mukhang saakin nagmana ang anak ko"

Dave: "dadalhin ko na ba rito si Marq boss?"

Takeru: "hindi mo ba narinig ang anak ko?! Bwisit ka! Anong gusto mo? Maglibing ako ng sarili kong anak?!"

Dave: "pasensya na boss"

-KINABUKASAN-

Yeriel's POV

Mabilis na lumilipas ang mga araw, papalapit na rin ng papalapit ang engagement day naming dalawa ni Xav.

Mavi: "girl na balitaan mo ba yong ginawa ng kuya mo"

Yeriel: "kuya ko?"

Mavi: "Evan ba yon?"

Yeriel: "anong meron kay Kuya Evan?"

Mavi: "kahapon kasi usap usapan dito sa buong school ang pakikipag-break nya sa isang estudyante rito"

Yeriel: "pakikipag-break?"

Mavi: "oo halos magmakaawa pa nga daw yong girl"

Yeriel: "alam mo ba yong pangalan nong babae?"

Mavi: "hindi eh" wika nito at nagtaka na ako. Si Millie kaya ang sinasabi nya? Pero bakit naman gagawin yon ni kuya.

Yeriel: "sige, may pupuntahan lang ako" wika ko at mabilis na umalis.

Hinanap ko pa si Millie sa buong school hanggang sa makita ko ito.

Yeriel: "Millie! Millie!" Sigaw ko sa kanya

Millie: "Ano bang ginagawa mo dito?"

Yeriel: "I just want to clarify something"

Millie: "Ano ba yon?"

Yeriel: "totoo bang nakipag-break sayo ang kuya?"

Millie: "Alam mo na pala"

Yeriel: "totoo nga, what happened"

Millie: "nagsinungaling lang sya sakin. Hindi totoong ako ang mahal nya, ang totoo naawa lang sya saaakin at unti unti ko na yong tinatanggap ngayon"

Heiress BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon