Infanta Quezon

3 0 0
                                    

Katapusan ng Mayo 2006.
Ang daddy ko ay isang UV express driver, may sarili kaming sasakyan, Hi-lander na kulay pula, (dati kasi hindi pa naman talaga puti lahat ng UV express). Nagkaroon sila ng outing, at may iilang bagyo na ang pumasok sa Pinas, usually kasi pagganong outing ng samahan pwede isama ang pamilya. Sa sasakyan namin anim kaming nakasakay, daddy ko ang driver, mommy ko ang nasa harap na upuan tapos tatlo kaming magkakapatid plus kapatid ng mommy ko (tito namin), bago kami umalis sinet-up na ng dad ko yung likod tinupi nya yung upuan sa gitna ng sasakyan, tinanggalan nya ng mga turnilyo para makapaglatag kami doon ng karpet at pwede kaming matulog sa byahe. Nakaalis kami ng mga bandang 5AM bago pumutok ang araw, maulan na nung araw na yun dahil nga sa bagyo pero tuloy ang outing, nakarating kami sa Infanta before lunch then naghanda na ng food yung mga officer at ibang babae para makakain muna bago maginom ang mga matatanda.
Umuulan pa rin at halatang binagyo ang Infanta noong araw na yun, bukod sa wala gaanong nagsswimming dahil sa galit na dagat, kulay putik rin ang buong karagatan kasabay pa nito ang malalakas na hampas ng alon sa pampang. Okay naman ang lahat sa outing, nagagawang magsaya kahit may bagyo, bale ang uwi namin ay bukas ng umaga.

Kinabukasan, maulan pa rin at ito na yung oras ng paguwi namin. Dahil pauwi na at pagod kaming mga bata pagsampa namin sa sasakyan kanya kanya na ng hanap ng mahihigaan. Ilang oras ang lumipas tulog na ang dalawa kong kapatid at tito ko, ako naman ay hindi dinadalaw ng antok, nataka ako ng bumagal ang andar ng sasakyan namin at umupo ako para makita kung bakit at saan kami hihinto, sabi ng mommy ko sa daddy ko 'Love igilid mo may sasakay satin.' Agad namang itinabi ng daddy ko ang sasakyan, sabi nya 'Wala naman ah?' hindi sumagot ang mom ko pero binuksan nya ang pinto saka tumabi sa dad ko na halos magkasya na sila sa driver seat, kitang kita ko sa mom ko ang pagkatakot, sinara nya ang pinto na para talagang may katabi sya (alam nyo yung eksena na kayo magsasara ng pinto dahil di kaya isara nung sumakay) at hindi namin yun nakikita. Yung lugar na pinaghintuan namin ay tipikal na talipapa, may terminal pa nga ng tricycle sa tabi (di ko alam kung nasan na kami ng mga oras na yun dahil walang signage) Sabi ng mommy ko 'Tara na iandar mo na' nagtatalo na sila ng dad ko dahil di alam ng dad kung anong tunay na nangyayari hanggang sa may nagsalita sa radio (radyo yung way of communication ng mga driver) sabi sa kabilang linya 'Bungo mukhang nagsakay ka pa ng babae mo ah kahit nandyan si misis hahahaha' (Bungo codename ng dad ko sa samahan nila) akmang kukunin na ng dad ko yung mic para sumagot kaso biglang gumaralgal na ang radio at nawalan na ng signal ang lahat ng channel nito, tumingin ang dad ko sa side mirror at hindi na nya nakita ang mga sasakyan ng kasamahan nya na kanina lang ay kabuntot namin, sa sobrang panic ng dad ko nagmumura na sya sa loob at talagang nagtatalo na sila ng mom ko, sabi ng mom ko habang umiiyak 'Wag mo silang murahin, gusto lang nilang bumaba sa sementeryong madadaanan natin.'

Nagising na mga kapatid ko at tito ko dahil sa ingay at nagtanong sila kung anong nangyayari, kinuwento ko at sinubukan naming lahat tignan mula sa salamin sa harapan ang sinasabi ng mom kong sumakay samin pero wala talaga kaming makita, lahat kami natatakot na dahil pabalik balik lang kami sa talipapa na pinaghintuan namin kanina at kada balik namin doon sya namang tapon ng mom ko ng barya mula sa coin purse ng dad ko na punong puno ng tig-lilimang piso.

Iyak ng iyak mom ko at takot na takot, paulit ulit nyang sinasabi na hindi raw kami yun. Dad ko naman patuloy pa rin ang pagddrive dahil kahit sya naguguluhan na rin dahil di namin makita ang palabas na daan sa lugar na yun, na kung tutuusin ay malaking hi-way naman.

Ilang minuto pa pero wala kaming makitang sementeryon na gaya ng sabi ng mom ko na doon bababa ang sumakay kanina, sobrang bilis na magpatakbo ng dad ko at oovertake na sya sa truck na nasa harap namin pero pinigilan sya ng mom ko 'Wag na wag kang oovertake jan! Mamamatay daw tayong lahat pagnag-overtake ka jan!' Mura pa rin ng mura dad ko at kita ko na rin ang takot sa mukha nya, sinunod nya ang sinabi ng mom ko, di nagtagal sabi ng mom ko bababa na daw yung sumakay kanina, 'Kala ko ba sa sementeryong madadaanan natin? Wala namang sementeryo dito tanging balete lang!' saad ng dad ko, 'Basta ihinto mo na at bababa na sila!' sagot ng mom ko at pinagbuksan nya muli ito ng pinto.

Sabay hinarurot ng mabilis ng dad ko ang sasakyan.
Binalot katahimikan ang loob ng sasakyan, lahat ay di makapagsalita sa nangyari, hanggang sa nakalabas na kami kung saan man kami nagpabalik-balik kanina. Hindi namin alam kung ilang oras kami natagalan bago kami makarating sa stop-over, naka-abang doon ang mga kasamahan ng daddy na kanina pa pala kami hinihintay at nagaalala na samin, akala ko makakauwi kami ng maaga pero dahil sa nangyari tila 7PM na ng makalabas kami sa nakakakilabot na pangyayari na yun.

Nang mahimasmasan ang mom ko, doon nya na kinwento mismo sa stop-over ang tunay na nangyari samin. Malayo pa lang daw ang sasakyan namin nakita nya na ang mag-inang sumakay samin na pinapara kami kaya pinahinto nya ang dad ko, sumakay ang magina na puting bestida ang suot kala nya ay pangkaraniwang magina lang na makikisakay hanggang sa nagbago ang mga itsura nito at naging duguan ang mga mukha sa kung ano talaga ang itsura nila nung namatay sila, akala ng magina na sumakay samin kami ang naka-hit and run sa kanila dahil sa kulay pula nga ito at kamukhang kamukha ng sasakyan na nakadisgrasya sa kanila na hanggang noong mga panahon na yun ay hindi nila alam kung sino ba talaga ang gumawa sa kanila 'non...

Bago kami umalis  pinag-pray over nila ang pamilya namin na iligtas kami sa  kapahamakan, kasama na rin doon ang prayer para sa kaligtasan ng lahat. Totoo pala na pagnasa ganon sitwasyon ka hindi mo alam ang gagawin mo kundi ang magdasal lang. Sabi rin nung ina ng bata sa mom ko na yung balete na yun doon pala sila nakalibing, dating sementeryo yun...

- :ZN

Ghost Stories Compilation(Summer Scares) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon