ANCESTRAL HOUSE.

17 1 0
                                    

gusto ko lang ishare yung story about sa bahay na itinayo ng lolo at lola ko sa tuhod.

Yung bahay na sinasabi ko ay nasa gitna ng bukid at gilid ng isang sapa. Itinayu ito ng lolo at lola ko sa tuhod. Dun na lumaki ang lola ko, sila papa at pati rin kami ay nagkaroon sa punto ng buhay naming magpipinsan na tumira dun.

Ilang beses na ring nabago yung bahay pinalaki ng pinalaki pero yung atmosphere ganun padin creppy. Pano ba naman wala na ngang kapitbahay at may sapa pang katabi, tapus yung bakuran puro matatandang puno ang nakapalibot. Yung bakuran maluwang bago pa makarating sa mismong bahay mahabang lakaran pa... Para syang hidden resort.

Kwinekwento ni lola dati na yung papa daw niya manggagamot, sa sapa daw siya lang ang nakakahuli ng isda pag may nanghuli daw na iba walang nakukuha tapus nagkakasakit or worst namamatay engkanto daw kasi ng sapa yung mga isda. Malalaki at matatabang isda daw.

Tapus nung tumira daw kami dun bata pa ko patay na yung lola at lolo ko sa tuhod di daw umuwi yung papa ko ng isang linggo nung umuwi lasing pa. Yung stroller ko daw ngstart tumonog ng tumunog nawala daw lasing ni papa nun inihagis niya yung stroller pero tumutunog padin.

Hanggang sa.......

Ako na mismo makaexperience.

Summer 2014 pinatira ako sa ancestral house namin bilang parusa dahil sa pagiging pasaway at para nadin may kasama si mama kasi uuwi yung isa kong lolo (kapatid ni lola).

Naoverfatigue si mama that time naospital kaya ako yung nag-assist. One time umuwi ako 6 am ako kasi nagbantay, magdamag kay mama iniwan ko saglit para umuwi kasi andun naman yung kapatid ko. Pagpasok ko ng kwarto bagsak ako agad nakatulog ako nagising ako kasi may tumatawag sa mama ko. Tapus may kumakatok pa tatlong beses. Bumangon ako para sana tignan pagsilip ko ng bintana WALA. Hindi naman makakaalis yun agad kasi nga malayu pa lalakarin bago labasan. Hinayaan ko nalang naligo ako at nagbihis para makapunta ng hospital kasi dadating lola kong taga maynila (nanay ni mama) at kapatid niya.

ang set up isasama namin sa bahay si tita tapus babantay si lola. Pag-uwi namin  mga 4pm nagluto agad kami kasi daw magpraprayer offering kami ng 6pm . Nung oras na ng prayer binigyan kami ni tita ng rosary tapus ng start na kami magpray para gumaling si mama. Sa kalagitnaan ng prayer  biglang may tumakbo. Maririnig mo talaga yung yabag tapus bumagsak na pinto. Pero pumikit lang si tita wag daw pansinin kasi may nangdidistract lang samin. Tapus nilakasan namin yung prayer ako di ko mabuo yung mga salita basta hindi ako makapagpray ng maayus pero tinuloy ko pading magpray pero sa isip ko nalang. Tapus may tumawang bata yung tawang nakakaloko ganun.

Tatlo lang kami nung time na yun ako si tita at yung kapatid ko, wala kaming kasamang bata. Natakot kami pero tinuloy namin yung prayer ng matapus...

Sa ngayun yung isang kapatid na ni lola ang nakatira dun. Pero yung mga pinsan ko na nagstay dun para samahan siya hindi nagtatagal dahil bigla nalang nagkakasakit kasi daw nababati.

-Tabachingching .

Ghost Stories Compilation(Summer Scares) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon