Pre Pandanemic Vacation

6 1 0
                                        

This is real story during my last vacation before COVID-19.

"Early Breakfast"    
   
June 2019 birth month ko, nagleave ako sa work ng 1 week para mag-unwind kasama ang bestfriends ko. Naisipan namin sa Roxas City, Capiz, plano namin puntahan ang Olotayan Island.  Tatlo kami magbabakasyon kaso di sumakto ang araw ng approved leave nila sa leave ko (kase ibang company sila). Pero before ko nalaman na di magkasabay leave namin nakapagbook na kami ng flight at  nakapagbook na ako sa  AirBnB ng room  na pagsstayan namin for 5 days and I already paid for it. Naging plan namin mauuna nalang ako pumunta ng Capiz (kase wala na ako budget pa sa pagpapare-sched ng flight dahil ako na nagbayad sa room at ako din gagastos para sa Island tour namin).

Nauna akong pumunta ng Capiz at dumeretso ako sa place na pagsstayan namin. Magandang hotel sya at may free breakfast. 7pm na ako nakarating sa hotel, nagpahinga saglit at nag-halfbath. Nakikinig ako ng kanta at nakatulog ako. Di ko namalayan kung anong oras na. Nagising ako dahil may narinig akong kumakatok. Binalewala ko lang kase inisip ko baka sa katabing room lang yun kase alam ko naman bukas ng hapon pa darating mga friends ko. Pipikit na sana ulit ako pero may kumatok ulit kaya napaisip ako at pinakinggan kong mabuti. At na-confirm ko na sa pinto nga ng room ko ang may kumakatok dahil nakikita ko ang anino ng paa sa ilalim ng door. Kinabahan ako pero nagawa ko pang magtanong. "Sino po sila?". tanong ko. "Breakfast po maam".sagot ng tao at lalake ang boses.

Tiningnan ko ang time sa phone ko (1:15am palang). Kaya kinutuban ako at di ko pinagbuksan ang kumakatok na lalake kase sobrang aga pa para sa breakfast. Lumakas ng lumakas ang katok kaya dali-dali kong kinuha ang telepono at tinawagan ko ang front desk ng hotel. Sinabi ko ang nangyayari, hindi pa rin tumigil ang pagkatok at narinig din ito ng babaeng sumagot ng telephone. Narinig kong may inutusan syang hotel staff para pumunta sa room ko para icheck kung sino ang kumakatok at bigla na lang na-end yung call. Inisip ko na baka papunta na dito yung hotel staff.

After 3 minutes wala ng kumakatok at narinig kong may kumatok ulit pero ibang boses na. "Maam? Okay lang po kayo?". Nawala na ang kaba ko nang narinig ko yun at binuksan ko ang door para harapin ang staff. "Okay lang po kayo?." tanong ng lalake (kinwento ko sa kanya ang nangyari at napansin kong parang di man lang sya nag-aalala o natatakot sa kinekwento ko kaya inisip ko na baka sanay na sila sa ganito) "Wala naman pong masamang mangyayari sa inyo dito, wag po kayong mag-alala".
dagdag pa nya. So I feel relieved at nagthank you, then I locked the door.

Tumawag ulit ako sa front desk to inform na nawala na yung pagkakatok ng door. Pero mas nakakatakot pa pala ang maririnig ko.
"Hello miss, ako yung tumawag kanina about sa knock---". Naputol ang sasabihin ko nang biglang magsalita ang girl.
"Sorry maam papunta pa lang po ang staff na inutusan ko may ginawa pa kase sya. Paakyat na po sya jan maam, kalma lang po kayo maam wag nyo po muna buksan ang door nyo." sabi ng babae sa front desk.
Tumayo mga balahibo ko sa narinig ko "so sino yung pinagbuksan ko ng pinto at kausap ko kanina?". Di ako nakatulog ng maayos that day at hinintay ko lang mag-umaga at lumiwanag.

Tumawag ako sa mga friends ko at kinwento ko ang nangyari, they told me na umalis na agad sa place at hanap nalang kami ibang hotel sila nalang daw magbabayad. Kinausap ko agad ang staff at sinabi ang nangyari at rason kung bakit ako aalis agad. Fortunately binalik nila sakin ang 30% ng binayad ko for 5 days kase understandable naman daw rason ko. Okay na yun kesa wala. At nasabi nila sakin na baka yung lalakeng kumakatok at nagpakita sakin nang gabing iyon ay yung dating roomboy nila na nagpakamatay dahil sa depression dahil iniwan daw sya ng asawa't anak nya at tinanggal sya sa work dahil di na sya productive.

-Ysa

Ghost Stories Compilation(Summer Scares) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon