Beach Resort sa Marinduque
Ikukwento ko ngayon ung naging karanasan ko sa tinaguriang Heart of the Philippine Islands, ang Probinsya ng Marinduque.
December 2018.
Sumama ako sa kaibigan ko nung may gala sila sa isang isla sa probinsya ng Marinduque. Around 10PM umalis na kami ng QC since dadaanan pa namin ung iba naming mga kasama sa Mandaluyong at MOA. Ang plano ay pupunta kami sa isang bayan sa Quezon Province dahil dun kami sasakay ng bangka papunta sa destinasyon namin sa Marinduque. Wala pa yatang alas 5 ng umaga nakadating na kami sa pag susunduan ng bangka. Inantay lang namin ang bangka at ang pagsikat ng araw bago kami sumakay ng Bangka.Pagdating namin sa resort, ang ganda ng ambiance: Refreshing pero Enchanting. May ilan ilang cottages ung resort. naoccupy namin ung may treehouse, pero most of us nakatent accomodation.
Sinalubong kami ni Manang Caretaker. Bati ni Manang sa amin, "Magandang araw po. Tuloy po kayo sa Resort namin."
"Manang kamusta na po? Ang ganda pa rin dito sa inyo ah." Sabi ng kaibihan ko kay Manang. "Kaya gusto naming bumabalik dito sa inyo eh".
"Salamat aneng, sige ibasta nyo na yang mga gamit nyo at akong bahala sa inyo."ng mga Anak ko ang pumapalit sa nawala kong magulang?Hindi ko alam kung totoo ang kasabihang pag may umalis may pumapalit.
Ung isang kasama pa namin nagtanong kay manang, "Manang sa sobrang tahimik nitong lugar nyo baka may mga magnanakaw dito ah".
"Nako, magkakakilala kami lahat dito sa lugar na to ng isla. Sinisigurado ko sa inyo na ligtas kayo. Akong bahala sa kaligtasan nyo dito." Ngiting sagot ni Manang.
Nagkanya kanya na kaming ayos ng mga dala namin. Ung 3 kaibigan namin sa may tree house nag ayos. Ako naman, nilapag ko muna ung mga gamit ko sa ilalim ng treehouse. May Table at long chair nakaset up ng ilalaim ng treehouse.
Low tide nung dumating kami, at maraming damo sa dagat. Hindi mo maeenjoy kung maliligo ka dun kasi mababaw ung tubig, hindi lalampas sa tuhod, tapos madamo pa. Pero ok lang sa amin, dahil ung pakay namin. Mag iisland hop kami mamaya maya.
Alas 9am nag island hop na kami. Una namin pinuntahan ay ung sand bar malapit sa Resort. Mabuti na lang at hindi ganoon kadami ang mga tao at naenjoy namin ung lugar.
Pangalawang pinuntahan namin ay ung Rock Formation - Isipin mo ung pader pero may butas sa gitna. Maya maya bumalik na kami sa resort para magtanghalian.
After tanghalian, free time na namin. Naglaro kami ng cards, tapos ung iba naglibot sa dalampasigan. Around 2 or 3pm. Natulog na muna ako.
Nagising ako ng around 5PM. May oras pa bago dumilim so naisip kong maglakad sa dalampasigan. Habang naglalakad ako sa dalampasigan, may nakita akong itim na Baboy sa may halamanan. Kaso habang naglalakad ako, napansin kong sinusundan ako nito ng tingin, hangang malapasan ko un. Napansin ko rin na parang may kakaiba sa baboy nato. Ang pula ng mata. Di ko na pinansin masyado kasi alam ko naman na normal sa probinsya na nakakawala ung mga alagaing hayop.
Lumipas ang ilang minuto nagpasya na kong bumalik. Nabaling ulit ang atensyon ko sa may halamanan kung saan ko nakita ung baboy, nandun pa rin at sinusundan pa rin ako ng tingin. Sinubukan kong lapitan ito pero biglang tumakbo papunta sa masukal na mga halaman ung baboy. Bumalik na lang ako sa resort.
Nung kumakain na kami, nakakwentuhan namin si Manang Caretaker ng resort ukol sa isla. Di ko rin maiwasang ikwento ung nakita kong baboy kanina pero nagtaka ung caretaker.
"Iho, kaunti lang kaming nandito sa isla at tong mga kapitbahay natin na katabing resort, wala sa kanila ni isa ang may alagang baboy. Baka naman si Bokbok ang nakita mo?" Si Bokbok ung alaga rin nilang aso sa Resort.
BINABASA MO ANG
Ghost Stories Compilation(Summer Scares)
HorrorEvery Summer u may have scary & unusual experiences, this serie presents compiled unusual stories that happens in Summer... What happens in Summer, tales of different people & their encounters.