Ashira Grevinda Mama Ajaarum.

11 1 0
                                    

You can call me weird or crazy pero what happened was true.
I was in grade 5 (2008), I was in my room. Di ako makatulog kasi hirap talaga ako makatulog kahit nung bata pa ako (hanggang ngayon naman walang pinagbago).

So eto na nga, nagpapa antok, nakatitig sa pader. Tapos biglang lumiwanag na bright red light. So out of curiosity, sinilip ko pero konti lang. Pagsilip ko, may nakita akong clouds, clouds na bumababa, yung tipong nimbus clouds pero white siya. Out of the red light everywhere, yun lang yung white, Tapos yung cloud na to, bumaba hanggang lupa, tapos syempre yung mga kapitbahay namin naglabasan na sa labas, lahat nagtataka, ano yun, saan nanggaling, bakit may ganun. We all wanted to know.

Then we heard a faint shout, malayo, pero you know that someone shouted. Then the red light disappeared. Lahat ng tao sa kalye nawala. I assumed na nagpasukan na lang lahat sa takot. So ayun, pinilit ko na lang matulog kasi takot na rin ako.

The next day, bumili ako sa kapit bahay namin ng ice cream. Tapos si Lanz na classmate ko nung daycare, kababata ko, kalaro ko dati, tinanong ko kung ano nangyari kagabi. Take note nakita ko siya na lumabas para tingnan, eto yung malupit - he can't remember anything. He doesn't even remember about the red light. Apparently no one did. Even my parents. No one was even talking about it. No one was even worried dun sa sumigaw na babae.

Tapos after a few days, nagising na lang ako sa loob ng sasakyan namin, wala akong maalala kahit anong nangyari sa araw ko na yun, apparently, lumuwas kami para magshopping pero yung weird is wala naman kaming uwing goods as proof na nagshopping.

My theory is we're not alone. Na dumalaw sila dito but they're just eliminating our memories of them. Marami akong bagay na hindi sure like decisions ko kung ano susuotin ko sa pang araw araw, kung gusto ko bang kumain or hindi and all that other bullshit, pero this one I'm sure of it. Gising ako nun. Gising na gising.

Chubbibi ni habibi
BATANGAS.

Ghost Stories Compilation(Summer Scares) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon