KAKATWANG KARANASAN SA PROBINSYA
Itong pangyayari na ito ay naganap noong taong 2016 nang kami ay umuwi ng aking kapatid sa probinsya ng Ilocos.
Medyo may kalayuan ito dahil sampung bundok pa at may iilang ilog pa ang daraan upang makarating rito. Noong kami ay makarating na wala naman akong nararamdamang kakaiba, ganoon pa rin masarap sa pakiramdam ang sariwang hangin na mula sa mga mayayabong na puno ng mangga na nakapaikot sa aming bahay. Nakadaragdag pa rito ang pwesto ng aming bahay na nasa paanan mismo ng bundok. Matapos naming mag ayos ay agad akong tumungo sa isang puno ng mangga na sinabin ng lola ko na mas matanda pa sa kanya, ang hihitik ng bunga nito at napakadaling kuhain dahil may panungkit naman kami na mahahabang kawayan.
Agad akong kumuha ng panungkit at walang pasubaling pumitas ng mga mangga, sa aking pagkasabik ay nakalimutan ko nang magsabi ng "tabi tabi po". Ganoon kasi ang bilin ng aking lola, kapag may gusto kang pitasin sa mga puno ay kailangan magsabi nito bilang pagpapaalam at pagrerespeto sa mga bantay nito.
Matapos kung makapitas ng iilang mangga ay para akong batang sabik na sabik balatan ito, dahil na rin siguro sa hindi ganoon ka sarap at kalaki ang mangga rito sa Maynila.
Kinain ko ito ng kinain hanggang sa mabusog ako at hindi ko namalayan na gabi na pala, dito sa probinsya naman ay hindi masamang matulog sa labas, kaya naman ginusto kong matulog na lamang sa isang puno ng mangga na may papag. Gaya ng sinabi ko maraming mayayabong na puno ng mangga ang nakapalibot sa aming bahay. Agad naman akong nakatulog dahil malamig ang simoy at dampi ng hangin sa aking balat, sa di malamang dahilan ay naalimpungatan ako at sa pagdilat ko ng aking mata ay may naaninag ako sa isang sanga sa mataas ng bahagi ng puno, ito ay paa ngunit sa aking wariy hindi ito tao, dahil na rin sa mabalahibo nitong paa at malalaking kuko. Pinilit kong hanapin ang katawan nito ngunit nabigo ako dahil na rin sa natatakpan ang ibang bahagi ng mga dahon. Ipinag walang bahala ko na lang ito at ako'y dumiretso sa likod bahay upang magbanyo ng makarinig ako ng mga sitsit na mula sa mga punong mangga rito sa likod bahay. Ang mga sitsit ay maliit at tila pumapasok sa aking tainga gawa upang akoy magmadali sa aking pagkilos. Nang akoy makabalik na sa papag iwinaglit ko na sa aking isipan ang mga pangyayaring iyon na tyak kung aking iisipin ay hindi ako makakatulog.
Umaga na, akoy gumising na para mag hanap ng pagkain at mag igib ng aking ipapaligo, sa aking pagligo ay may napansin akong isang pantal sa aking braso. Pantal na sobrang kati at itoy lumalaki hanggang sa kumalat na sa aking balat. Ipinagsawalang bahala ko na lamang ito dahil ang na sa aking isipan ay mawawala rin ito agad. Sa paglipas ng mga araw ay lalong lumalala ito, doon na ako kinabahan dahil ang mga pantal ko ay nagtutubig na at lumalaki na lalo, mga simlaki ng holen kung susumahin. Napansin ito ng aking lola na noon ay kababalik lang, agad nya akong tinanong kung anong ginawa ko noong dumating ako rito at agad ko naman itong sinagot. Ang tanging tinuran nya lamang matapos marinig ang aking kwento ay "Sadyang pasaway ka kasing bata ka kaya pinarusahan ka nila. Mahigpit na bilin ko sa iyo ay magpaalam ka lalot hindi mo pagmamay ari ang mga ninanais mo."
Matapos niyon ay agad na nag katay ng manok ang aking lola at ang dugo nito ay binuhos sa mga ugat ng punong manggang aking kinuhaan noon. At sya ay umusal ng salitang ilokano na hindi ko naiintindihan dahil hindi ako nakakaintindi ng ganoong lengwahe dahil hindi rin ako sa probinsya lumaki. Matapos ng pangyayaring iyon ay kinabukasan unti unti ng nawawala ang aking mga pantal sa aking wariy epektibo ang ginawa ng aking lola. Simula noon ay hindi na ako umulit pa sa aking ginawa.- Josh
BINABASA MO ANG
Ghost Stories Compilation(Summer Scares)
HorrorEvery Summer u may have scary & unusual experiences, this serie presents compiled unusual stories that happens in Summer... What happens in Summer, tales of different people & their encounters.