Nangyari ito noong lamay ng aking Lolo taong 2000. Namatay siya dahil sa sakit sa puso. Ang iba
naming kamag-anak ay lumuwas pa galing Leyte at ang iba naman ay sa Manila para lang pumunta rito sa lugar namin sa Siquijor.
Doon ko nakilala ang iba kong mga kamag-anak na di namin nakasanayang makasama.
Halos lahat kami ay nagbabantay sa burol ni Lolo dahil uso pa noon ang mga paniniwalang baka aswangin siya at palitan ng katawan ng punong saging ang laman ng kabaong.
Masaya kaming nagkukuwentuhan ng iba kong pinsan, madalas na tanong nila sa akin ay kung saan ang mga ilog at sapa rito dahil hilig daw nilang lumangoy, dahil sa kagustuhan nilang iyon at dahil din sa minsan lang ito sa asul na buwan mangyari. Pinangako kong igagala sila rito.
Kinabukasan, bago ko sila simulang igala ay tinipon muna kami ng isa naming tiyahin at dinasalan. Uso raw kasi rito iyong mga kulam at barang pero di naman sila naniniwala roon, mga batang manilenyo at ako na mismong taga-rito ay di rin naniniwala.
Nagsimula na ang aming paggagala at ipinakita ko sa kanila ang isang talon o falls bagamat masyadong liblib ay tinungo namin dahil alam ko at kitang-kita ko sa kanila ang mga kakaibang pananabik.
Manghang-mangha sila sa ganda ng talon na iyon, napakalinaw ng tubig at tahimik ang kapaligiran.
Sunod naming tinungo ang isang ilog.
Pinaniniwalaan ng mga taga-rito na may mga tagapag-bantay raw ang ilog na iyan, pero ako mismo na taga-rito ay di naniniwala.
Pinilit ko silang yayaing umuwi na dahil magdidilim na rin iyon.
Habang naglalakad ay may nadinig kaming boses na senyales ng pagtawag
"Pstt psst psst"
Alam naming malapit lang dahil malakas ang boses.
Sinundan pa ng ibang mga tunog. Alam ko na latin ang lengguwahe na iyon dahil madalas ko ring madinig iyon sa isang manggagamot dito sa amin.
Sa mga unang minuto ay nagkakatakutan pa at nagkakatawanan. Pero nag-iba iyon nang may marinig kaming maraming boses!
Sunod sunod ang boses na akala mo nasa palengke lang ngunit nakakatagaktak ng pawis dahil pabulong ang mga tinig na iyon!
"Uwi na tayo insan" Sambit ni Emong.
Minabuti kong tunguhin na ang daan pauwi.
Habang naglalakad ay may kung anong nakaitim na sumasabay sa amin sa kakahuyan.
Alam ko ang pasikot-sikot dito kaya tinungo ko ang alam kong mas mapapadaling daan pauwi.
Ngunit bago kami makababa sa bundok ay nagimbal kami sa nakita namin.
Isang kubo na punong-puno ng mga taong nakasuot ng belong itim. Punong-puno ang daan na halos nagsisiksikan na. Ang buong kubo ay nababalutan na ng mga taong nakaitim.
Napahiyaw ang pinsan kong babae sa takot nawirduhan siya sa nangyari kaya napatakbo kaming lahat, tinungo ko agad ang daan na dinaan namin kanina pauwi ngunit nakapagtatakang bakit di ko masilayan ang ilog at talon na dinaanan namin kanina.
Pinabaliktad ko sila ng kanilang mga suot na damit. At nagtataka sila kung bakit, ang sabi ko na lamang ay naliligaw kami.
May nakita kaming isang maliit na kubo na kung di ako nagkakamali ay kubo iyon nina Apo Isabel.
Humingi kami ng tulong kay Apo pero pinasok lang kami sa loob ng kubo nito.
"Bukas na!" iyan lang ang sambit niya pero kinontra ito ng mga pinsan ko
"Bakit po hindi ngayon?!" na takot na takot
"Bukas na! Pumikit na kayo, nariyan na sila" sambit ni Apo.
Kinilabutan ako sa sinabi niya pinagmasdan ko si Apo sa isang maliit na altar nagdadasal pero halatang may iniindang kirot.
"Matulog ka na" Sambit nito na tila alam niyang pinagmamasdan ko siya sa habang nakatalikod siya.
Pinakalma ko muna ang mga pinsan ko at nayaya ko naman silang magpahinga na. Pero wala pang tatlong minuto ay dnadinig na naman namin iyong mga bulong ng maraming tao.
Sinilip ko si Apo na at nagulat sa ginagawa niya
"Bakit siya sumasayaw, insan" Sambit ni Emong
Iginagalaw ni Apo ang kaniyang mga katawan sa dilim na animo'y nag-o-orasiyon. Sinilip ko ang labas sa isang maliit na siwang.
Doon pa lang ay napalunok na ako sa takot. Naroon ang mga nakaitim na tao.
Pinigil ko agad ang iyak ng pinsan kong babae dahil alam kong kakaibang takot na ang nararamdaman niya.
Muli kong sinilip si Apo, pero di ko na siya makita, sinilip ko rin ang siwang kahit takot na takot para tignan kung nasa si Apo.
Hanggang sa...
"Ikaw ang pakay nila" nagulantang kaming lahat ng nakita namin si Apo na katabi na pala namin.
"Wag mo naman po kaming takutin!" Sabi ni Emong.
"Sa kanila kayo matakot" Ito lang ang sambit ni Apo. Nagsindi siya ng pampausok at nakatulog na kaming lahat sa takot.
Nag-alala kaming lahat sa mga pinsan naming babae. Dahil umiiyak sila sa takot lalo si Mikay na sinabihan ni Apo na siya raw ang pakay ng mga nakaitim. Pinatulog na ni Emong ang kapatid niyang si Mikay para makapagpahinga sa takot.
Nagising na lang kami sa mga narinig naming pamilyar na boses. Kung di ako nagkakamali si Tito Adan iyon.
Umaga na pala iyon. Pinapasok ni Apo ang aming mga Tiyuhin at Tiyahin.
"Umuwi na tayo!" Sambit ni Tito Bong
Paglabas namin ng pinto ay nagulantang kaming muli sa nakita namin. Mga tao na natutulog sa lupa nakapalibot sa kubo ni apo.
Nilapitan ni Apo ang mga tulog at sinilip ang mga nito.
"Ano pong problema?" Tanong ng isa naming tiyuhin.
"Wala silang mga ugat sa mata!"
"Kontrahin n'yo 'to, mag-orasyon kayo" Sabi ni Apo
"Bakit ho?" Tanong ni Tita Linda
"Siya ang pakay ng kulto" sambit ni Apo habang nakaturo kay Mikay.
Nakauwi na kami noon at nag-iyakan kaming lahat dahil nag-away away ang mga tiyuhin at tiyahin namin. Alam naming kasalanan namin.
"Wag kayo maniniwala sa mga gano'n!" Buong sagot ni Tito Bong na sinigundahan naman ni Tito Adan.
"Wala namang mawawala" Sagot ni Tita Milan
"Hayaan mo na" Sagot ni Tita Linda.
Kung tutuusin wala ngang nangyaring masama sa amin, simula no'n di na namin gnagawa pang gumala. Hanggang sa inilibing si Lolo, iba ang pakiramdam ko no'n at di ako nagkakamaling nararamdaman din iyon ni Tiya Milan. Parang may mga iba kaming kasama.
Pagtapos no'n ay nagpaalam na sa bawat isa, nakaalis na sina Tiya Milan pabalik ng Leyte at Sina Tito Bong na lang ang hindi pa.
"Ate, di muna kami makauwi" Takot na takot na sambit ni Tito Bong
"Bakit?" Sambit ni Mama.
"Si Mikay kasi" Tugon nito.
Pinuntahan nila si Mikay sa kuwarto pero nagsigawan sila nang makitang nakaupo si Mikay sa isang sulok. Matalim ang mga tingin sa amin at may hawak na kutsilyo.
Nilapitan nila Tito si Mikay para kunin ang kutsilyo pero tila alam nito ang pakay nila Tito kung kaya't itinarak nito sa kaniyang leeg.
Tumatawa lang si Mikay habang may umaagos na dugo sa kaniyang wakwak na leeg.
Agad siyang binuhat ni Tito para itakbo sa hospital sa nayon.
Hindi ko na alam ang nangyari, parang slow mo ang bawat galaw at ang mga hiyawan. May nakita rin akong sugat sa kaniyang tiyan na may lumalabas na mga langaw, ang sugat na iyon ay korteng parang isang simbolo.
Naisugod naman si Mikay sa Hospital at nagamot, pero hindi na ito naging katulad ng dating Mikay .
BINABASA MO ANG
Ghost Stories Compilation(Summer Scares)
TerrorEvery Summer u may have scary & unusual experiences, this serie presents compiled unusual stories that happens in Summer... What happens in Summer, tales of different people & their encounters.
