Recollection

5 0 0
                                    

Ako nga po pala si Ronn nasa ikalabing isang baitang ng pag aaral.

Nangyari ito noong marso sa taong kasalukuyan. Dahil nga kami ay grade 10 pa nito ay nagkaroon ng recollection ang aming paaralan sa isang resort dito sa Batangas. Tanghali na nang dumating kami sa resort. Simpleng resort lang ito at halatang luma na. Makikita sa disenyo at sa pagkakayari ng mga kwarto nito. Di ko na rin mawari ang numero ng kwartong napatapat sa aming seksyon. Ito ang pinakamalawak. Dalawang regular na kwarto ang katumbas nito kumpara sa kwarto ng ibang seksyon. Natural din na magkabukod ang hanay ng mga lalake at babae sa magkaibang kwarto. Ang mga babae ay sa ikalawang palapag samantalang at kaming mga lalaki naman ay nasang unang palapag. Matapos namin matukoy ang kinaroroonan ang kwarto namin ay nagbihis na kami at iniwan ang aming mga gamit. Mula hapon hanggang alas onse ng gabi ang naging klase namin at pakikinig sa recollection team... bandang 11:15 na noong nakumpleto kaming mga lalaki sa kwarto. Ang mga kaklase ko naman ay mga pasaway may nagdala ng vape at bluetooth speaker.
Naging maingay kami nang gabing ito. Nagkakatuwaan pa kami noon hanggang sa sumapit na ang alas dose ng gabi, may kaklase akong pumasok ng banyo para mangtrip nag ahit ito ng * * at iniwan sa may tank ng flash ng kubeta at ipinatingin sa aming mga magkakaklase. Nagtawanan ang lahat noong nakita ito.
Lumipas ang ilang sandali ay natahimik na kami sa di maipaliwanag na lamig na aming naramdamam na tila ay nagmumula sa banyo sa loob ng kwarto namin. Sa takot namin ay binuksan nalang namin ang ilaw sa loob ng banyo para naman maliwanag sa loob nito. May mangilan ngilan rin kaming narinig na pagkatok sa ilalim ng kama namim pero di na namin iyon sinilip dala na rin ng takot makalipas ang ilang sandali ay nawala na ito. Akala namin tapos na kung kaba namin pero ilang saglit lang yung ilaw sa banyo na binuksan namin ay nagpatay sindi na matagal din itong nagpatay sindi at dahil sa wala na samin ang may lakas ng loob para patayon ang switch nito hinayaan nalang namin siguro may kalahating oras din itong ganito ala una na ata ng madaling araw noong natigil ang pagpatay sindi ng ilaw at naging maayos na. Di na kami nakatulog noon sa takot kaya nagsama sama nalang kami sa kama hanggang sa sumikat na ang araw.

Alas sais na ng umaga noong nagsibangon ang mga facilitator at mga estudyante katulad namin. Samantalang kami ay mga puyat at halata sa mata ang bakas ng pagkapuyat. Nang napag usapan na ang nangyari noong gabi doon lang namin napag alaman na dalawang beses na palang namatayan ang kwartong tinulugan namin. Ang isa ay sa kama at ang isa ay sa banyo di ko alam kung bakit sila namatay. Nang mapag alaman namin ang mga ito ay lalo kaming natakot na bumalik sa kwarto namin para kunin ang mga gamit namin. Pero kelangan para pag umuwi ay walang maiwan. Sa pagkakawari ko ay nabulabog namin sila kaya kami nakaranas ng kakaiba noong gabi.

-Ronn

Ghost Stories Compilation(Summer Scares) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon