Aswang sa Bahay Bakasunan
Isa ako OFW sa Spain. Akala ko nung una eh sa Pinas lang yung mga aswang, tsaka di pa ako na nakakita aswang sa Pina.
Nasa bahay bakasyunan ako, kasama ako ng mga amo ko tuwing nagbabakasyon sila sa ibang ciudad ng España. Nangyari po ito last year lamang po sa ciudad ng Valencia, tandang tanda ko pa kung kailan nangyari, Tuwing nag da-day off kami mga hapon nagkikita kita kami ng mga friends ko, kasi madami din Pinay na mga katulong sa Spain. Mga hapon nun ng sabado, day off namin, nasa parque kami at nagkukwentuhan, nagsasalo salo sa mga merienda na dinadala namin upang may makain habang nagpapalipas ng oras. May isang bagong Pinay, dalaga pa, tinawag namin para makisalo sa amin, para na rin kaibiganin sya at mag isa lamang syang nakaupo at nag swi-swing, samantalang kami eh nagtatawanan, nagkukwentuhan. Tumanggi pa yung pinay na dalaga, ang ginawa ko hinatid ko sa kanya yung pagkain para naman hindi nakakahiya. Pagka abot ko sa kanya nung pagkain, nagpasalamat naman sya bigla nalang umalis, nung nasa medyo kalayuan na sya, lumingon sya sakin at bigla syang ngumisi at matatalim ang mata nitong nakatingin sakin. So naweirduhan ako dun. Kinuwento ko sa mga kasama ko, baka type ka, pabirong sabi nila sakin.
Nung mas nagdidilim na ng unti mga 8pm na nun, (pag summer dito yung araw lulubog mga 9:30pm to 10pm), eh yung iba naming kasama eh nagsisipag uwian na. Iilan nalang kaming naiwan, nag uusap lang.
Nagpaalam na yung mga kasama ko at 9:30pm na din pala, madilim na. Naiwan akong mag isa dun sa parque may kausap ako sa telepono. Ang tagal naming nag uusap hanggang sa nagpa alam na kami sa isa't isa. Nagpasya akong mag stay muna kahit mga ilang oras pa, dahil masarap ang simoy ng hangin nasa swing ako at parang batang nagduduyan, ng bigla akong nakarinig ng parang paghampas ng mga pakpak ng ibon na animo'y sobrang lapit sakin, kinabahan ako, pero pinagsawalang bahala ko, maya maya'y mas nagiging malakas ang paghampas ng kanyang mga pakpak sa tingin ko'y isa itong malaking ibon, kasabay ng paghampas ng kanyang mga pakpak ang pagbigkas nya ng uwak! uwak! uwak!. So natakot na ako nun, umalis na ako sa parque, napagdesisyunan kung umuwi na sa bahay ng mga amo ko, nung naglalakad ako ay binibilisan ko ang mga hakbang ko, halos patakbo na ako nun na naglalakad, ng biglang humina na at nawalang parang bula yung tunog nang ibon, akala ko wala na sya, so kumalma ako, at naglakad ng normal. Paglingon ko sa likod ko, kulang nalang dadagitin na ako ng napakalaking ibon, hindi lang isang ordinaryong ibon, ito ay sinlaki ng isang taong ibon, ang mga mata nito ay umiilaw pa, takbo ang ginawa ko na halos magkanda tumba tumba pa ako nun sa kakatakbo makalayo lamang sa ibon na iyon. Nung malapit na ako sa bahay ng amo ko eh nawala na yung ibon, halos di ko mabuksan yung doorknob ng pintuan dun sa bahay ng amo ko sa sobrang panginginig ko, minumura ko na pati susi ko. At nung nakapasok ako eh napa sign of the cross ako nun, hingal na hingal pa, nakita ako ng amo ko na pabalik sa kwarto nila galing kusina at may dalang baso ng tubig. Tinanong ako kung anong nangyari sakin, sabi ko wala at naghahabulan kami ng mga kaibigan kong mga pinay din. Tumawa nalang sya.
Kinabukasan, linggo, last day off namin, napagpasyahan naming mga magkakaibigan na pumunta naman sa dalampasigan kasi malapit lang din dun yung dagat, pwedeng lakarin ng mga 15 minutes. Kinuwento ko sa kanila yung nangyari sakin kagabi. At sabi nila ganun daw talaga, hindi lang daw sa Pinas ang may aswang, sabi nila pag may pinay/pinoy sa ibang bansa asahan mo daw na may mga aswang, mangkukulam at kung ano pa man. MapaPinoy man o hindi, may aswang sa kahit anong bansa o lugar na pupuntahan mo. So dun na ako naniwala na totoo ngang may aswang.
Nung naligo nalang kami sa dagat eh normal lang naman na lumipas ang araw, andun din ulit yung dalagang mag isa nung nasa parque kami, niyaya ulit namin sya, pero umiwas na sya, sabi naman ng isang medyo may katandaan na din na kaibigan namin, na baka daw yun yung aswang. Nagtawanan pa kami nun, pero nakapagtataka din naman, kasi nung mga nakaraang taon wala namang ganun kaming naranasan pag pumupunta kami sa bahay bakasyunan.
Nung dumilim na napagpasyahan na naming umuwi, pagkauwi ko nun sa bahay bakasyunan, eh naligo agad ako. Nung natapos akong maligo nagpatuyo naman ako ng buhok, at humiga na.
Nakaidlip na ako nun nung bigla akong nagising chineck ko phone ko, mga 2:00am palang pala, di kasi mapakali yung alagang aso ng mga amo ko, tahol ng tahol, tapos biglang parang may kinakaaway sya, dun kasi yun natutulog sa terrace at dahil ganun naka ugalian nya, lumabas ako para icheck kung okay lang ba yung aso, pero, pinagsisihan ko yata yung paglabas ko, halos maduwal ako sa nakita ko, yung aso wakwak ang tiyan habang yung aswang naman eh kitang kita ng dalawang mata ko, akmang susugurin din ako ng aswang pero dali dali kong sinara yung pintuan at umiiyak ako sabi ng mga amo ko anong nangyari sakin, pati sila eh nagising din sa pagtahol ng aso, tinuro ko yung pintuan, at binuksan nila, pipigilan ko pa sana silang buksan yung pinto kasi akala ko andun pa yung aswang, wala na, nakaalis na. At tama nga yung kaibigan namin, yung dalagang pinay na laging mag isa pala yung aswang, dahil sya mismo ang nakita ko, gulong gulo yung buhok at naglalaway, punong puno din ng dugo ang bunganga gawa nung dugo ng aso.
Iyak ng iyak mga amo ko dahil sa nangyari sa aso nila, chineck nila yung CCTV dun sa terrace nila kung saan nangyari yun, at dun kitang kita kung paano wakwakin ng aswang na yung tiyan ng kawawang aso.
- Cherry
BINABASA MO ANG
Ghost Stories Compilation(Summer Scares)
TerrorEvery Summer u may have scary & unusual experiences, this serie presents compiled unusual stories that happens in Summer... What happens in Summer, tales of different people & their encounters.
