Kasalukuyang fourth year ako ngayon. On going to 17 years old. Yes, I have a boyfriend. 9 months pa lang po kami, and at the same time siya lang yung tumagal sakin dahil bihira akong mag-boyfriend. Actually, pangatlo ko pa lang siya.
DEC. 16, 2016. Mga 8 ng gabi, kakagising ko lang nito galing sa pagkakatulog sa hapon, dali-dali kong chineck chatbox ko kung nagchat na siya kasi ganong oras siya nagchachat sakin. So nung binuksan ko, wala pa kaya na-bored ako at nag-lsm muna sa kanya. Bandang 8:37, tumunog na messenger ko at siya na nga yung nag-chat. Tatlong araw kasi bago kami ulit nagkikita, kaya nae-excite siyang makipagkita ulit. Chinat niya ko ng ganto, ""By, mamayang 10 nasa kabilang street ako ng street niyo. Gusto na ulit kitang makita, may dala akong favorite mo, pero kumain ka pa din bago umalis ah? Wait kita dun, iloveyou."" hindi kami legal sa side ko pero alam ng mga kapatid ko na siya boyfriend ko, so binago ko yung oras na magkikita kami para makalabas ako. Nagreply ako syempre. ""Ahm, By? Alam mo naman na hindi ako pwedeng lumabas ng ganong oras kasi gising pa sila mommy, panigurado. Pwede bang bago mag-1 or 1:30, dun na lang kita sisiputin?"" medyo nag-aalinlangan ako kasi madaling araw na yun pero wala akong choice kasi bawal talaga ko ng ganong oras. So nireplyan niya ko. ""Ha? Madaling-araw na yun eh, lalong hindi ka pwede nun tsaka baka mapano ka pa sa labas. Sa mismong tapat niyo na lang ako maghihintay, pwede ba? Baka naman tulog na sila tita ng ganong oras."" sabi ko, ""Opo by, sige ingat ka. See you later, iloveyoutoo."" okay na. Tapos ang usapan. Around 12:40, tulog na si mommy pati si daddy, so nag-decide na kong bumaba kahit ang dilim, wala na sa isip kong matakot kahit sobrang matatakutin ako kasi nasasabik na kong makita boyfriend ko. Yung street kasi namin, pahaba hanggang palengke kaya dineretso ko kasi bandang gitna pa yung short-cut na maliwanag pa ng ganong oras kaya wala akong choice, tinakbo ko yun ng nagsisisigaw para mawala takot ko, haha! Hindi lang naman yun yung iskinita na pwede kong daanan, may dinadaanan kami minsan ni jay kaso pag ganong oras, sobrang dilim na sa shortcut-an na yun at wala ng tao. Wala siya sa tapat ng bahay namin. Ts talaga hays. So ayon, paglabas ko ng iskinita na dinaanan ko, malayo pa tanaw ko na siya. Suot niya yung kulay gray na longsleeve niya na favorite ko tsaka kulay pink na 3/4 niya. Pogi shet! Hahaha. Ako na unang nagresponse kasi parang wala siya sa mood. ""Yeaaaaah, suot niya yung fav. ko!! Siguro nakipag-date ka pa sa iba. Joke hahaha!"" takte bes, wala siyang kibo. Tsaka hindi siya tumitingin sakin. napansin ko, kapag hinaharap ko siya ng malapitan, iniiwas niya yung dalawang mata niya sakin pero diretso pa din yung ulo niya. Tapos sobrang nanlalamig siya, na namumutla. Mas malamig pa sa patay bes. Ibang-iba kinikilos niya that day so binatukan ko na siya. ""Uy! By? May problema ba? Naka-longsleeve ka naman na ah? Parang taglamig ka pa din."" heto na nga, nagsalita na siya. ""Ah, malamig kasi sobra. By, may sasabihin ako. May lugar tayong pupuntahan. Tayo lang nakakaalam, sobrang liwanag, sobrang ganda. Tayong dalawa lang ha? Tsaka pag nakita ka nila dun, iwe-welcome ka talaga nila."" tangnaaaaa! Ibang-iba yung mga pananalita niya. Sobrang nape-pressure na ko pero hindi ko pinapahalata sa kanya. Sobrang saya niya, gustong-gusto ko sumama pero nagtataka ko, sa ganong oras, may sobrang maliwanag na lugar? Tsaka di pa bukas riverbanks no! Nagsalita na ko. ""Ano ka ba jay! Muntanga lang? Anong oras pa lang, hindi pa bukas yung riverbanks. Bukas na natin pag-usapan. Naaantok na ko. 4 na pala. Uwi na ko, hatid mo ko sa gitna."" nagsalita siya ng, ""Mamaya na. Kakarating mo lang eh, iiwan mo na ako agad."" alaskwatro na pero ayaw niya pa kong pauwiin. Eh hindi naman siya ganon. Minsan nga, sinisigawan pa ko pag nalaman niyang umuuwi ako ng umaga. Sobrang hinawakan niya ng mahigpit yung kamay ko tapos, parang pinipilipit niya. Iba na talaga kinikilos niya pero hindi pa rin siya tumitingin sakin. Natatakot na ko, sobra. Kaya sinigawan ko siya. ""Ano ba jay! T*ng-ina naman oh? Nasasaktan na ko, kung ayaw mo kong ihatid, fine! Uuwi akong mag-isa, bye!!"" Umiiyak na pala ko. ""Sige, hihintayin kita."" sabi niya. Hindi ko na siya tinignan pabalik, tumakbo na ko ng mabilis. Pag-uwi ko, bagsak ako sa kama ko. Di na ko nakapagbasa dito kasi pagod ako sobra. DEC. 17, 2016. 7:30 ng umaga. Nagising ako sa alarm ng phone ko. Pag-check ko, may chat si jay, gamit ang ibang account. Ganto pagkakasabi. ""BY, WALA KA NAMAN SA PINAGKIKITAAN NATIN EH. NAGHINTAY AKO DUN HANGGANG 3, DAPAT NGA DUN NA KO MAGPAPA-UMAGA EH. SOBRANG NAMI-MISS NA KITA. KAIN KA PAG GISING MO HA? MAHAL NA MAHAL KITA."" Waaaaaaah!! Nabato ko phone ko kasi saktong 4 am niya sinend yun, eh ganong oras ako umuwi. Takte, ako na pumunta sa village na pinaglalaruan niya ng skate. 10 minutes lang akong naghintay dun, dumating na din siya. Medyo wala sa mood pero tinakbo ko na siya nung nakita ko na siya. Umiiyak ako sabay umupo kami tapos kwinento ko sa kanya yung mga nangyari. Ang sabi niya, naka-jacket daw siya ng red nun tapos color white yung short tsaka sando na white. Nanginginig ako kasi nung sinabi pa niya na sa tapat ng madilim na iskinita siya naghihintay nun, sa lagi niyang pinaghihintayan na ayaw Kong daanan kapag di ko siya kasama. Niyakap niya ko kasi naulit na naman sakin. Sinabi ko din na yung gumaya sa kanya, may dalang balot, pero hindi ko kinain dahil may kutob na ko. Pero may picture sakin yung balot haha. Ang dala niya daw, fries sa mcdo. Kinain niya na sa sobrang bored. Pero babawi na lang ulit siya sakin. Simula nun, pinagbawalan niya na kong makipagkita sa kanya ng ganong oras baka kasi mawala pa daw ako sa kanya. Siguro kung kinain ko yung balot na yun, magkasama na kami ng engkanto na yun ngayon. Thank You pa din kay Lord kasi, binigyan Niya ko ng sign para makaiwas sa mga demonyo na tulad na yon. At thank you din sa boyfriend ko dahil lagi niya kong pinagpe-pray sa kaligtasan ko...
N V O.
BINABASA MO ANG
Ghost Stories Compilation(Summer Scares)
TerrorEvery Summer u may have scary & unusual experiences, this serie presents compiled unusual stories that happens in Summer... What happens in Summer, tales of different people & their encounters.