Resthouse somewhere in Laguna.May isang MALAKING CABINET sa bago naming resthouse. Matagal na yun dun pero maayos pa naman, kaya sabi ni daddy kahit wag na daw muna palitan.
Nasa Sala yun naka pwesto. At hindi yun madaling buhatin kasi sobrang bigat nya, gawa sya sa Narra. Sinubukan namin yun ilipat ni dad at Chris (pinsan ko) pero hindi talaga kaya, kaya hinayaan nalang namin.
January 2, 2021 eto na yung umpisa nung leave ko. Ayun meron akong 5days vacation leave.
Wala si Damian at Melina sa paligid, so i texted Amboy (bespren) para sumunod sa Resthouse. Syempre gusto ko kasama si Jasper at Ava (magkapatid na kababata ko sa Bulacan)
Nasundo na ni Amboy si Ava at Jasper, nakarating na sila rito sa amin.
Pero bago ang lahat. Nag pa blessing kami sa 1st day namin don.Nagkainan, at nagka kwentuhan na kami sa bahay.
3 in the afternoon, nagpasama ako kay Jasper sa palengke para mamili ng makakain ulit at pulutan na rin.Pagkauwi namin alam ko na something happened.
Kita kong nagkukumpulan sila sa loob ng bahay sina Chris, Amboy, Daddy at si Ava.Jasper : Anong meron? Bakit kayo nagkukumpulan?
Bumuka yung bilog na formation nila Amboy at nakita namin si Ava may sugat sa kanyang magkabilang braso.
Ako : Anong nangyare dyan? Laslas? Nag attempt kabang mag suicide???!
Ava : Gaguu! Bat ko gagawin yon! Ang saya saya ng buhay ko tas papakamatay lang ako. Natulog lang naman ako saglit sa kwarto dun sa taas, dipa nga ganun kalalim tulog ko bigla naman akong nakaramdam ng parang ma sleep paralysis ako. Nung nakagalaw ako at nagising, ganito na nakita ko. ( Dalawang malalim na kalmot sa kaliwang braso, at isang malaking pasa sa kanan )
Chris : Nag pa blessing naman tayo kanina.
Amboy : Aakyat ako, ttignan ko kung may salamin sa kwarto.Ava : Meron! Wag kana umakyat!
Pasigaw na banggit ni Ava kay amboy na parang may tinatago ito sa taas.
Jasper : Bat galit? Aakyat lang ano bang meron don?
Ava : BASTA!!
Kinuha na ni Chris yung mga pinamili namin at nag luto, tapos si Jasper naman ang mag isang nag asikaso sa kapatid. Putlang putla na si Ava. Ewan ko kung bakit pero hindi yun ordinaryo.
Akmang nakita nyang aakyat si Amboy sa taas, napa balikwas si Ava sa pagkakahiga at hinabol ito.
Nahawakan ni Ava si Amboy sa damit, pagkahakbang ni Amboy sa ikalawang baitang ng hagdan ay naiwasiwas sya ni Ava ng malakas dahilan para tumilapon ng malayo..
Tinakbo ni Daddy si Amboy agad. Maging sya ay biglang bigla at nagtataka sa mga nagaganap.Ganun kalakas si Ava nung mga oras na yun kahit parang putlang putla na sya.
Alam kong may kakaiba, meron talaga eh!Tumindig si Ava ng diretso at nanlilisik ang matang naka tingin ng diretso kay Amboy.
Sobrang init sa loob ng bahay.
Jasper : Ava!!! P*tang*na Tol hindi yan yung kapatid ko!
Nanakbo si Chris sa loob ng sala, pero bago pa sya makarating ay nakasalubong nya na si Ava sa kinatatayuan nito.
Amboy : Lumayo ka dyan tol!
Sigaw ni Amboy kay Chris. Napa atras ito at dahan dahang lumayo kay Ava.
BINABASA MO ANG
Ghost Stories Compilation(Summer Scares)
HorrorEvery Summer u may have scary & unusual experiences, this serie presents compiled unusual stories that happens in Summer... What happens in Summer, tales of different people & their encounters.