This story happened during my 2nd year college during our hiking trip.
Nagtatawanan kami nun kasama ang aking mga kaklase na sina Amboy at Mateo, during our break time. Wala pa ako sa maynila nun at sa probinsya ako nag 1st yr hanggang 2nd yr college.
"Naalala ko nung nagjamboree kami bilang boy scout sa mt.makiling noon, grabe ayun ung unang akyat ko nung bundok nun, dun din kami nagstay ng tatlong araw yata." pagmamayabang ni Amboy.
"Weh? Anong year ka nag jamboree?" sambit ni Mateo. Syempre di ako makarelate kasi hindi naman ako girl scout nun at wala naman atang ganun saamin.
"20**, ikaw?"
"Ay, 200* ano ako eh." sagot ni Mateo.
Syempre dahil naiiwan na ako sa ere sinambit ko na "Gusto ko rin maranasan yung ganun!"
Nagtinginan ang dalawa. Tumingin ako sa kanilang dalawa, tila alam ko na may pinaplano sila.
"Tara! Set natin yan!" sambit ni Amboy.
Lumipas ang 2 buwan ay tila ba'y nakalimutan na namin ang napagusapan, akala ko drawing lang, ngunit isang araw habang naghihintay ng professor.
"Uyy guys, sumali ako sa group ng mga mountaineers dito sa atin, may akyat sila sa susunod na dalawang linggo sa Mt. **********"
Agad kong sinearch ang lugar, mukhang delikado at bibihira lamang ang umaakyat dun. Marami din ang nagsasabi na wag magpapaabot ng dilim sa pagakyat o pagbaba sa bundok dahil marami di umano ang di na nakakauwi sa kanila. Dahil sa mga bali-balitang puno ng engkanto at iba-ibang nilalang ang kabundukan.
Magbabakasyon na kami nun at malapit na rin ang holy week, maganda daw umakyat ng bundok ng semana santa dahil pagpapalain ka daw at magiging ligtas ang inyong paglalakbay.
Sinabi ko sa sarili ko na walang mangyayari kung hindi ko susubukan. Kaya agad kami nagplano. Naghahanda na kamin ng mga kagamitan at mga pagkain sa 4-day hiking trek namin sa nasabing bundok. May ipon naman ako kahit papano nun na gagamitin namin sa mga kakailanganin namin. Nasa 20 ang nagconfirm nun, ngunit habang papalapit ng papalapit ang araw ng akyat ay nababawasan kami, kanya kanyang dahilan ang ilan, hanggat umabot kami sa final head count na 13.
"Ma! Aakyat kami ng bundok sa susunod na linggo, marami naman kami, may mga beterano din kaming kasama sa pagakyat sa bundok." pagpapaalam ko kay mama.
Dumating ang araw na iyon at ang lahat ay handa na. Nagkita kita kami sa school namin nun, sa pagkakatanda ko eh miyerkules santo yun kaya wala na kaming pasok. Maya-maya lang ay dumating na ang van na sasakyan namin, winelcome kami ng leader ng mountaineering group at nag group picture kami.
"Kuya papicture naman kami." ani ni kuya Karlo (lider ng grupo) sa driver ng van.
Kinuha naman ni kuya ang cellphone at malugod siyang pumayag.
"1....2..... teka sir, may mali po." sabi ni mang King (driver) kay kuya Karlo, nagtawanan ang lahat kasi akala namin hindi marunong gumamit ng cellphone ung drivet, kasama na ako dun sa tumawa. Lumapit si kuya Karlo.
"Dapat hindi po kayo tumuloy ngayon, masama po ang labintatlong miyembro na aakyat sa bundok baka po may mangyaring masama sa inyo, nagpapaalala lang po ako, sir." pagaalalang tugon ni mang King kay kuya Karlo.
"Ganon po ba, pero hindi ko na po pwedeng kanselahin ito, wala naman po sigurong mangyayaring masama dahil semana santa naman." depensa ni kuya Karlo sa matanda.
Wala naman nagawa si mang king at tinuloy na lamang niya ang pagkuha ng letrato sa amin.
"Tatay ung cellphone ko rin po!" nakakahiyang utos ko kay mang king, ngunit tinanggap naman niya ito at kinuhanan kami ng letrato gamit ang aking cellphone.
Sumakay na kaming lahat sa sasakyan, bale dalawang sasakyan kami. Isang hi-ace at isang fortuner. Katabi ko sa kanan si Amboy at sa kaliwa naman si Mateo, nasa hi ace kami nun kasama si kuya Karlo.
Habang nasa biyahe palabas ng bayan agad ko naman naisip na magpost sa facebook ng aming picture. Habang chinecheck ko ang litrato ay nakangiti ako dahil alam kong magiging masaya ito at ito ay first time ko din. Ngunit napaatras ang daliri ko ng pagtype ng caption sa cellphone ko. Isa sa mga miyembro ang putol ang ulo, ang isa naman ay putol ang buong kamay, at may nakalutang din. Naisip ko na baka dahil hindi lang siguro maganda ang pagkakakuha ng litrato ni mang King. Pero hindi ko ito sinabi sa kahit sino man sa grupo dahil ayoko silang magalala.
BINABASA MO ANG
Ghost Stories Compilation(Summer Scares)
HorrorEvery Summer u may have scary & unusual experiences, this serie presents compiled unusual stories that happens in Summer... What happens in Summer, tales of different people & their encounters.