"PAG AASAWA ANG TANGING PARAAN".

16 1 0
                                    

Nagsimula ang lahat sa probinsya namin sa Capiz.

first time kong pumunta sa probinsya namin around 2016 kami nagbakasyon.
Nung nandon na kami sabi ko sa sarili ko parang wala naman yung tipong normal lang naman pala kaya nakampante. Syempre pag probinsya hindi mawawalan ng ilog. So ang ginawa namin ng Tita ko at mga Pinsan ko naligo kami isa sa mga ilog. Yung Tita ko ay mga nasa 20s pa lang samantalang ako ay 16 at yung mga pinsan ko mas bata na sakin. Una ang creepy nung ilog kasi sobrang tahimik talaga tipong kahit bumulong ka maririnig. Hinayaan ko na lang at nag enjoy kami. Nagpaalam tita ko na lalangoy daw muna sya sa may bandang gitna (hindi naman kasi ako marunong lumangoy). Edi hinayaan ko sya kalaro ko mga pinsan ko maya maya wala pa din sya.

Mga 2 hours wala pa din natakot na ako kasi hindi pa sya bumabalik sabi ko sa mga pinsan ko hanapin namin si Tita pero hindi kami naghihiwalay nakakatakot kasi. Kinilabutan ako sa nakita ko kasi, May nakita kasi akong nakalutang na buhok dun sa ilog na katapat ng malaking puno. Sa takot ko tinawag ko yung mga kapatid ng tita ko. Nung tinuro ko yung nakita ko agad nilang pinuntahan yun at na confirm na yung tita ko ngayon. Natakot ako kasi simula nung nakita ko sya hanggang sa tinawag ko sila mama nakalutang padin buhok nya. Hinila nila yung buhok ng tita ko at pag ka hila parang dun lang sya natauhan kasi pag ahon nya sobrang hingal na hingal sya. Sinabe nya samin na bakit daw sya inahon puro daw gold yung nasa ilalim at may kaharian daw. Nagtinginan na lang kami kasi hindi namin alam yung sinasabe nya kahit ako napa isip. Pagkatapos nung araw na yun ay hindi na naulit ang pagligo namin sa ilog.

3 days after nung nangyari bumalik na kami sa maynila. Nung una okay pa nanaginip yung tita ko ng kung ano ano na hindi naman namin maintindihan. Hinayaan lang namin...

1 taon ang lumipas nagbakasyon naman kami sa Batangas sa kapatid ng Tita ko.
Unang araw namin dun gumala agad kami. Kinagabihan nag bonfire kami ang saya namin. Nagplano sila Tita na mangahoy daw sila bukas hindi na ako sumama kasi mapapagod lang ako. Kinabukasan mga 3 na ng hapon sila umalis para daw hindi mainit kasamang umalis ni Tita yung mama ko na kapatid niya tsaka yung lalaki nilang kapatid na bunso. Ako naman nasa kubo lang ang ganda kasi talaga ng view. Mga around 5 na nakauwi sila mama pero hindi pa masyadong madilim ang ginawa nila diretso ligo sila sa dagat ako naman tinitignan ko lang sila. mga 6 umahon na sila para magbanlaw. Yung tita ko pagkatapos na pagkatapos maligo natulog na agad kasi napagod daw sya ng sobra yung mama ko naman nagluto at yung bunso nila ay inayos yung mga kahoy na nakuha nila. Mga 8 na ng gabi tulog pa din tita ko pinapagising sya sakin ni mama kasi nga kakain na daw. ginising ko naman sya. Nagtataka ako kasi kahit anong gising ko ayaw talaga nyang gumising. Tinawag ko na sila mama ang ginawa nila kinurot nila tita ko para daw magising pero maniwala kayo o hindi wala talaga syang ka rea-reaksyon. Nagtaka naman ako kasi kahit kanino naman ata pag kinurot kana magigising kana pero sa kanya wala talaga as in wala. Tinuloy nila mama ang pag gising sa kanya hanggang sa biglang dumilat mata niya at mamula-mula ang mata nito. Natakot naman ako kasi iba talaga yung tingin niya. Pinikit niya ulit yung mata niya at pagkapikit nito ay nag simulang mag sisisigaw tito ko pinalayo nila ako sa kanya at pinapakalma nila si tita pero wala pa ding epekto hanggang sa tumawag na sila ng albularyo hindi pa din sya tumitigil sa pag sisigaw nung makita niya ang albularyo ay natahimik siya. Kahit kami nagulat. may ginawa ang albularyo para matahimik sya at makatulog ulit. Sinabe nang albularyo na may sumapi daw sa kanya na prinsipe. Lahat kami ay nagulat dahil sa tanan ng buhay ko hindi ako naka encounter ng mga ganyan kaya hindi agad ako naniwala. Maya maya pa ay nagising na ang Tita ko pero kalmado na siya. Nasa kusina kami kausap ang albularyo sinabe niya na may ilalagay siya sa tubig para daw mawala yung elemento na sumapi sa kanya. Binigay nung albularyo yung tubig nang iinumin niya na ito ay bumigla syang tumawa ng napaka lakas. "AKALA MO BA IINUMIN KO TO? ALAM KONG MAY NILAGAY KA DITO" Yan ang sabe niya at nagsimula na naman siyang tumawa habang tumatawa siya ay nagiba ang boses niya. Tinapon niya ang baso na may laman na tubig at nag simula nang mag sisisigaw.
Kahit ang mga taong tumutulong para pigilan siya ay nahihirapan na dahil sa lakas ni tita. Ang ginawa nung albularyo nilagyan niya ng bala ang kamay niya pero parang nanigas ang kamag niya at hindi matiklop. ewan ko kung pano nangyayari yun 12 na ng gabi pero mas lalo lang siyang lumala dahil nag boses lalaki na ito. "PAPAKASALAN KO SIYA HINDI NIYO SIYA MAAGAW SAKIN" Yan ang paulit ulit na sinasabe ni tita. may ginagawa yung albularyo na kung ano ano sa kanya pero isa lang ang sinasabe niya "PAPATAYIN KITA PAPATAYIN KITA" Hindi naman nasisindak ang albularyo sa sinasabe niya. Hanggang sa pinatulog na naman nung albularyo si tita. Mahahalata sa albularyo na pagod na pagod na ito inabot na kami ng 2 ng madaling araw. Biglang dumilat si tita akala ko magwawala na naman siya pero hindi. Naka hawak kasi si mama sa kamay ni tita samantalang yung lalaki naman niyang kapatid sa bandang paa. Nagulat ako nang magsalita si tita.
"ATE TULUNGAN MOKO PAGOD NA AKO PAGOD NA PAGOD NA AKO, AKO NA TO PAKAWALAN MO NA AKO" Nang bibitawan na ni mama yung tita ko bigla na naman itong tumawa ng malakas "MGA MAHIHINA KAYO HINDI NIYO AKO KAYA" Bigla namang naalerto sila mama sa kanya. Hindi pa din ako makapaniwala sa nangyayari. Maya maya pa ay kinausap ng albularyo si mama. Sabi nung albularyo papayag ba daw si mama na buksan ang third eye niya para makita nito ang elementong sinasabe pero sinabe niya na hindi niya na ito mababalik. Para sa ikabubuti ng tita ko pumayag si mama. Hinawakan nung albularyo ang noo ng tita ko at may pinahid na kung ano. Nakita ko naman na nakikipag titigan ang albularyo sa tita ko maya maya pa ay bigla na lang nawalan ng malay ang tita ko at sinabe ng albularyo na okay na daw siya nataboy niya na pero sinabe niya din na baka bumalik ito. Hindi na namin pinansin ang huling sinabe nung albularyo dahil okay na yung tita ko. Maya maya pa ay nagising na ito. "ATE ANONG NANGYARI BAKIT SOBRANG SAKIT NG KATAWAN KO" Hindi na namin sinagot ang mga tanong niya pinatulog na lang namin si tita para makapag pahinga. 1 week after bumalik na kami ng maynila. Bago kami umali ay sinabihan kami ng albularyo na ipatingin namin siya sa ibang manggagamot para tuluyang mataboy yung elemento. Pagkauwing pagkauwi namin ay tinanong ni mama yung kapit bahay namin kung may kilalang manggagamot. Dinala niya kami sa Quezon ang sabi nung manggagamot ay isa lang daw ang paraan mag pakasal daw siya. Hindi namin ini-expect na yun ang sasabihin nung manggagamot dahil walang boyfriend ang tita ko. Naghanap pa kami ng iba hanggang makarating kami sa ibat ibang lugar pero lahat sila ay iisa ang sinasabe "KAILANGAN NIYANG MAG ASAWA AT PAKASALAN SIYA SA PARAANG YUN LANG MATATABOY ANG MASAMANG ELEMENTO."

2 months after sinasapian pa din siya pero hindi na katulad nung sa batangas. Nanaginip siya ng kung ano ano at nagsasalita ng latin.
Hanggang sa nagkaroon sila ng communication ng dati niyang manliligaw at di nagtagal ay naging sila at nagpakasal agad dahil nasa tamang edad na rin sila. Simula nun ay hindi na siya muling ginulo pa at sana talaga hindi na siya bumalik. Naalala ko bigla ang sinabe ng isa sa manggagamot "KAHIT MAG ASAWA ITO AY BABALIK PA DIN ITO KAPAG STRESS SIYA AT NAG IISA" Sana nga ay tuluyan na siyang mawala.
Sa ngayon ay okay na siya at hanggat maaari hindi namin siya hinahayaang mag isa...

RAP.

Ghost Stories Compilation(Summer Scares) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon