Out of Town

11 1 0
                                    

Ang istoryang ito ay  na nakwento din sakin.

Ganito daw kasi yung nangyari.
May out of town trip ang magbabarkada. Partner partner sila. Like maybe three couples sila sa trip. Papunta sila sa isang sikat na tourist attraction sa Pinas at kailngang mag eroplano para marating nila to.

Dumating yung araw na supposedly flight na nila kaso for some reason na-cancel yung flight nila. Di din nila maipa rebook for another time kasi last n trip na to. Ang offer sa kanila- flight for a different day. Lahat sila mga nagtatrabaho na so ung karamihan sa kanila, limited lang yung available days for vacation, di na nila kaya mag extend ng vacation days and isa pa, pre arranged na lahat ng trips nila pati hotel, ung isa sa kanila, tawagin natin syang ‘Liza’, ang nag suggest na ituloy na nila yung trip, napag kasunduan na nila na mag barko na lang para lang makarating dun sa lugar na dapat nila puntahan.

Fast forward
Nakarating sila sa island pero kailangan pa nila sumakay ng another bangka para dun na talaga sa mismong destination nila. May nakausap silang bangkero at tinatawaran nila (because why not?). Si Liza na nakikipag deal daw sa bangkero , Eventually napapayag din nila ung bangkero. Pero bago sila tumuloy e nag decide sila na kumain na muna, Sa isang karinderya sila kumain. Di naman daw gaano kasarapan ung mga ulam dun pero si Liza daw sarap na sarap. Even daw after nilang makabayad at makaalis sa karinderya e yun pa din ang bukambibig ni Liza. Tinatanong pa daw nya ung mga kasama nila kung nasarapan ba sila pero sabi lang ng iba na ‘okay lang’ ung food. Kumbaga nothing special. Pero parang pinipilit pa din ni Liza ung mga kasama pra mag agree sa kanya na masarap nga. Yung mga kasama niya naman nagtataka na sa kanya so um-oo na lang sila para matapos na.

Tapos ayun nakarating na sila sa destination nila. Nag stay sila dun for 4 days. So far naging okay naman. Nagawa nila lahat ng activities na gusto nila. Nag enjoy silang lahat.

Fast forward nung nakauwi na sila.
A few days pagkabalik nila, si Liza daw biglang sumama ang pakiramdam. Tapos kinagabihan nun bigla na lang syang nagsuka ng dugo. They rushed her to the hospital. Ang sabi pancreatic daw... Pero after two days, di pa din umaayos ang kondisyon nya, may dumadalaw sa kanya na kaibigan at tumatawa pa daw si Liza at sabi na lalaban daw sya. Yung mga kakilala niya na nalalaman na nasa hospital sya, tinatanong kung may pinuntahan ba daw sya. And ayun nga sinasabi na galing nga sa out of town trip. May isang nag suggest na ipa albularyo daw. Baka may natuwa sa kanya. Yung family nya hindi naniniwala dun pero sinubukan na din nila...

Yung nalapitan nila na albularyo ang sabi wala naman daw nakita.  Pero napansin ng kasama nila na parang may hindi sinasabi ung albularyo. Hindi na lang niya binigyan kahulugan ung inasta ng albularyo kasi baka daw ganun lang talaga sya. After nila lumapit sa albularyo, biglang nag worsen ung condition ni Liza. Biglang nag seizure n sya, paulit ulit na nagsuka ng dugo at kinailngan na nya i-intubate(eto ung tubo na nilalagay sa may lalamunan para makahinga sya). May isa silang kakilala na nakakaalam din tungkol sa mga kulam,etc. Pangalanan natin syang Corazon. Nagalit sya nung nalaman na pina albularyo daw. Sabi nya, kung sino man ang gumagawa nito sa kanya ay lalo lamang nagalit. Sinabi niya na hindi tatagal ang isang araw ay papatayin na si Liza. Pinapakiusapan sya na tulungan sila pero natakot si Corazon dahil di hamak daw na mas malakas ang kumukulam kay Liza. At ayaw niyang madamay. Bigla na lang naglaho na ang kakilala nilang ito. At nagkatotoo nga ang sinabi ni Corazon. Kinaumagahan ay binawian na ng buhay si Liza.

Coincidence lang ba na hindi na dapat matutuloy yung out of town nila?
Posible kayang nakulam si Liza ng mamang bangkero?
At anong meron sa nakain ni Liza sa karinderya?

Maraming mga tanong ang lumabas dahil sa pangyayaring ito. Pero ang pinaka mahirap na tanong ay paano magsisimulang muli ang isang pamilyang nawalan ng anak at kapatid nang dahil sa isang pagkakataong marahil ay tao lamang ang may gawa.

Ghost Stories Compilation(Summer Scares) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon