Fieldtrip sa St.Jude

4 1 0
                                    

"Paranormal thing is not new to me anymore.

Di na ako bago sa st. Jude. But di ko aakalain na magtatagal  ako doon to study for a limited time. So eto na nga...

Wala akong kakilala, at dahil bago ako.. Oo nga wala akong kakilala kaya mag isa ako. Yung room namin nasa 8th flr. Nung nagtatanong ako kung paano makapunta dun ay sinamahan ako ng isang student na kaklase ko pala,si Zly.
Then ayun orientation... Na iihi ako kaya nag excuse ako para makapuntang restroom.. Nagtataka ako bat nakatingin silang lahat sakin.  Hindi ko nlng pinansin. And habang nasa cr ako nakakaramdam ako na parang may bumubulong.. Alam nio yung parang may pressure sa magkabilang tenga  tapos may nagsasalita na hindi ko maintindihan. Maya maya pa may pumasok sa next cubicle. Di ko nalang pinansin kahit nanayo na balahibo ko.

Pag balik ko ng room si ateng  na nagturo sakin ng room tinanong ako sabi bat daw ako nag cr ng mag isa lang sana daw sinamahan niya ako.  Sabi ko  okay lang naman ako tapos yun sabi  nia may mga nagpaparamdam daw kasi sa school na yun kaya pag may nag ccr usually buddy-buddy..  tuwing mag uuwian rin sabay sabay talaga lahat ng students. Walang gustong maiwan sa room..

After several weeks na nagsimula na yung classes,usually  late comer ako pero natyempuhan na maaga ako nung time na yun. Medyo alam ko na ang pasikot sikot. Para makarating sa room dun ako dumadaan sa gym sa 7th floor palagi. Himalang bukas sya kasi nga maaga pa.  Nadatnan ko si kuyang janitor na nag lilinis dun sa gym. Nag goodmorning pa ako at nilagpasan ko na agad si kuya. Kakamadali ko nalipad yung last page ng notes ko, natanggal sa pagkakastapler. Lumipad sya pabalik dun sa direksyon ni kuyang janitor.
Pagkapulot ko ng papel, wala na si kuyang janitor dun sa spot kung saan ko sya nakita. Medyo nasa may kalagitnaan ko sya ng gym nakita kaya imposibleng nakaalis agad si kuya.  Hindi ko nalang pinansin at dali dali akong lumakad palabas sa kabilang door ng gym papunta sa 8th floor dahil ako lang mag isa sa gym.

Pagkadating ko sa room ang bigat ng pakiramdam ko. Pero usually ganun ako pag may nakikita ako. Pinili ko nalang tumahimik. Then sakto naman na nagkukuwentuhan nung kinahapunan sila Zly tsaka yung isa niang friend - may namention syang may nagmumulto daw sa gym. Doon ako nakinig na sa usapan nila. Yung janitor daw na namatay ay palaging naka assign dun sa gym at sa 5th floor kaya minsan daw ay nagpaparamdam sya dun sa lugar na yun. Tinanong ko si Zly kung lalake ba yung janitor na medyo matangkad, Oo daw ganun nga daw. Kakamatay lang ni kuyang janitor last 2 years bago ako napadpad sa school. Tinanong nila kung saan ko nalaman ang kwento pero di ko nalang sinabi about sa nangyari sa gym nung umaga. Sabi ko nalang narinig ko sa kwentuhan
din ng mga highschool. 

Nakalipas ang mga linggo. Yung subject namin ay inabot ng gabi. Mga 7pm na kami natapos..  pumunta muna ako ng cr bago umuwi. Sumama sakin si Zly para mag cr din  medyo malayo din yung uuwian naming dalawa. Siya pa north at ako pa south naman. Pag kalabas namin ng cr,  wala ng katao tao sa room. Patay na ang ilaw. Yung sa may hagdan nlng nakasindi.
Nahintakutan si Zly nung narealize nia na kaming dalawa nalang ang natitira sa 8th floor.
Pinapauna niya akong maglakad dahil takot na takot sya. Ang malas pa naming dalawa dahil  may flashlight phone nia kaso lowbat at yung phone ko naman ay walang flashlight.

Nakababa kami ng 7th floor dadaan sana kmi sa gym nung sinabi ko na wag nalang kaming dumaan doon. Dinerecho namin hanggang sa may floor  ng hrm kasi may hallway dun papunta sa exit na hagdanan. Dapat 5th floor yung sa hrm. Binibilang namin ang bawat floor na madaanan namin pero pagdting namin sa 5th floor hindi sya yung floor ng hrm. Inikot ikot namin pero di talaga. Mas alam ni Zly ang pasikot sikot kaya tinatry niang hanapin ang switch ng ilaw pero di niya makapa at mahanap. Yung screen light ng phone ko lang ang nagsisilbing ilaw namin. Dahil di talaga namin makita na floor yun ng hrm nagdecide kami na baka namali lang kami ng bilang kaya bumalik kami sa hagdanan at bumaba ulit ng isa pang floor. Pero ganum din. Di sya yung floor ng hrm. Tinry ni Zly na puntahan ulit kung saan dapat nandun yung switch ng ilaw pero di namin mahanap. Nagbiro pa nga si Zly na baliktarin nadaw namin yung damit namin baka sakaling bumalik kami. Ako naman bumibigat na yung pakiramdam ko. Parang may nakapasan saking mabigat.

Nagsuggest ako na akyat kaya kmi, balik kami sa unang floor na pinaghanapan namin. At himala, pagkaapak namin sa floor, ayun na nakita agad namin yung hrm floor. Yung mga tables dun na parang nasa catering na nsa glass room. Tuwang tuwa si Zly na makakauwi na kmi ksi alam namin ang daan.

Pag dating namin dun sa dulo ng hrm baba nanaman kmi ulit sa hagdanan na malapit sa may elevator.  At nandun yung mga classmates namin na nauna saming bumaba. Nakakapagtaka lang at naabutan pa namin sila sa tagal ng paghahanap namin ni Zly ng daan pababa. Bago kami makababa ay may dumaan. Pabalik dun sa pinanggalingan namin - Si Kuyang janitor. Di ko alam kung napansin ba yun ni Zly. Pero di ko nalang sinabi.

Hanggang makarating kami sa first floor ay mabigat padin yung pakiramdam ko. Di ko maintindihan  dahil yun dun sa nangyari samin. Nung nakalayo nako sa st. Jude. Dun sa parteng dangwa ay parang nawalan nko ng mabigat na pasan. Magaan na yung paglalakad ko.

Kinabukasan, nung uwian palabas na kmi ng room nung tinawag kami ng prof. Nagpapaantay sya at sasabay daw syang bumaba dahil naligaw sya sa hagdanan noong nakalipas na gabi. Nagkatinginan nalang kami ni Zly at inantay si sir...

Ghost Stories Compilation(Summer Scares) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon