Simbahan

6 0 0
                                    


gusto ko lang ibahagi ang isang kwentong iniwan sakin ng lola ko na nagpahindik ng balahibo ko.. laking probinsya ako, nakatira kami sa isa sa mga isla sa Romblon at napaka raming natatagong kwento doon.. nakatira kami malapit sa dagat at di kalayuan sa bahay namin makikita mo ang isang napaka lumang simbahan, panahon pa daw ng mga kastila ng matayo ito.. mahahalata mo naman sa pader nito dahil gawa ito sa mga boga(corals).

year 1950’s panahon ng world war II nangyari ang kwentong ito, sabi ni lola may dumating daw na napakagandang dalaga sa aming isla at doon nanirahan malapit sa simbahan.. napaka relihiyoso daw nito na kada 4 ng umaga sumasama ito sa mga matatanda para magdasal, marami ring nanligaw dito dahil sa angkin nitong kagandahan.. ngunit pihikan daw ang dalaga.. dahil sa kasikatan nito maraming mga tao ang nagsabing mangkukulam daw sya.. isang araw ginahasa daw ito ng isa sa mga manliligaw nito kasama ang mga tropa nito habang papauwi na ito galing sa simba.. matapos gahasain pinatay daw ito at pinagchachop chop ang katawan.. tinago daw nila ang bangkay sa likod ng altar ng simbahan... malaki ang simbahan dito samin at napaka laki ng altar na ito puno ng santo.. sa likod nito ay may espasyo na kasya ang dalawang tao... dahil na nga rin panahon pa ng espanyol ng magawa ito. may mga naiwan na palayok sa likod nito, na naging lagayan ng holy water dati.. makalipas daw ng ilang araw na paghahanap ng mga tao sa babae, natagpuan nilang patay ang isang lalaki sa gitna ng simbahan nakabitin ito sa pinaka tuktok ng simbahan.. at ayon kay lola kalahati daw ang katawan nito, pero ang pinaka malaking pinagtataka nila.. bakit daw walang bahid ng dugo sa sahig ng simbahan kung saan nakabitin ang biktima, tila inubos muna ang dugo nito bago dalhin sa simbahan.. sumunod na araw may nakabitin nanamang lalaki.. hanggang sa sumapit ang araw ng linggo napansin daw nung taga linis ng simbahan na parang gumaglaw yung isang palayok sa may likod ng altar at nung buksan nya dun nya daw nakita ang kalunos lunos na sinapit ng bangkay ng dalaga... pagkatapos nito napagtanto na ng mga taga doon sa amin kung bakit may mga bangkay na nakabitin sa harap ng simbahan. Nalaman ng lahat na ang mga namatay doon ay ang mga gumahasa sa babae... di nag tapos doon ang mga kagimbal gimbal na pangyayari.. matapos malibing ng babae marami sa mga taga doon sa amin ang nakakakita sa kanya sa may altar at harap ng simbahan tuwing gabi... kahit ang misa tuwing umaga hindi na tinuloy dahil may naririnig daw silang iyak ng babae... tuwing alas 6 daw ng hapon  tulog na agad ang lahat sa sobrang takot... sabi pa ni lola may nagpatunay daw na nakita nya ang babae... pauwi na daw ito galing sa lamay ng kapamilya tanging gasera lang ang liwanag nito sa daan, ng mapadaan ito sa simbahan may narinig itong iyak.. napalingon daw ito sa paligid pero wala naman.. di niya daw masyadong maaninag yung daan dahil nga sa dilim... narinig pa daw niya ng isang beses yung iyak.. tas pag harap niya nakita niya daw sa may harap niya, di kalayuan.. yung babae putol putol yung katawan tas nagsimula daw itong mabuo, bigla daw itong gumapang papunta sa kanya ng napaka bilis.. halos daw mamatay sa kakatakbo yung lalaki dahil sa nangyari natisod pa raw ito sa bato..

Kinabukasan habang kinukwento nya yung nangyari andami nyang sugat sa katawan.. kasama na yung isang laslas sa hita dahil sa pagka tisod sa bato... 

-nakita ko rin yung sugat nung lalaking hinabol kanina... pinsan siya nila lola.. tas yung banga na tinutukoy nila andun parin pero walang nagtatangkang gumalaw..

-Escanor

Ghost Stories Compilation(Summer Scares) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon