BODEGA
Summer non nung sinama ako ni nanay sa trabaho nya, para mag part time job sa isang grocery store, may kalakihan ito kaya't marami ring tao at maya't maya ay kailangan may panibagong stocks na ilalabas galing sa bodega. Naka toka ako sa mga chitchirya maliit man o malaki pa yan hawak ko ang tatlong row na nag lalakihang divider. Sa umaga ang dagsa ng tao sa tanghali kakaonti lang at sa hapon, hanggang closing dagsa na ulit yan.
Maayos ang lahat sa umaga, pero nag bago ang lahat pag patak ng katanghaliang tapat. Kakatapos ko lang mag lunch nang maisipan kong kumuha na ng mga items sa bodega na wala na sa area ko. Nasa dulong bahagi ang bodega, papaliko palang ako ng makaramdam ako ng pag kaduwag, tila ba'y may humihila saakin pabalik o siguro palayo sa pintuan ng bodega. Hanggang sa nakapasok na ako sa bodega, at ako lang mag isa ang nasa loob, doon ko mas lalong naramdaman ang kaba, gustong tumakbo ng mga paa ko palabas sa bodega, pero hindi maaaring ganon ang maging attitude ko sa trabaho, dahil limang araw pa lamang ako doon. Ang mga chitchirya ang hawak kong items, nasa pangalawang palapag ito ng bodega ang nasa ibaba naman ang mga delata at iba pang items sa kusina.
Habang papaakyat nandoon pa rin ang nararamdaman kong kaba na tila ba'y gusto kong sumigaw sa takot, maliwanag naman ang taas ng bodega dahil sa sinag ng araw dahil nga tanghaling tapat ng mga oras na yon kung bubuksan ang ilaw, mangingibabaw parin ang liwanag ng araw na nag re-reflect sa loob ng bodega, sa bawat pag hakbang ko sa mga baitang pakiramdam ko na may gustong humila sa mga paa ko o yung mag kamali ako sa pag hakbang(masasabi mo rin sa sarili mong bakit ka makakaramdam ng ganon at bakit ka naman matatakot?). Nag patuloy ako sa pag hahanap ng ipang ddisplay kong items,nag kukunwari ako sa sarili kong ayos lang ang lahat, kahit ako lang mag isa sa bodega. Ang ibang nahanap ko itinumpok ko malapit sa hagdanan upang madali na lamang saakin ang ibaba sila, isang item nalang ang hinahanap ko ang paborito nating bilhin sa tindahan ang Tattoos na tigmimiso. Hindi pa ako nakakarating sa dulo ng mapansin kong may pigura ng tao banda sa hagdanan, ng lingunin ko ito wala namang nakatayo. Kaya't lumipat ako ng pwesto ng pag hahanap ng Tattoos subalit sa aking pag lipat may na nakikita na naman ako sa dulo ng aking mata nakatayo lang sya at tinitignan lamang ako sa pangatlong pag kakataon isinaulo ko na ang kanyang itsura mag mula sa pananamit, sa taas nya, at maging ang kanyang kasariaan.
Lumabas ako ng bodega ng malalim ang iniisip sapagkat kung yun ay isang multo unang beses lamang yon na nangyare naisip ko din na baka guni guni. Natapos ang araw na yon hindi na ako muling bumalik sa bodega.
- Sié

BINABASA MO ANG
Ghost Stories Compilation(Summer Scares)
TerrorEvery Summer u may have scary & unusual experiences, this serie presents compiled unusual stories that happens in Summer... What happens in Summer, tales of different people & their encounters.