(ito lamang ay gawa ng malikot na pag-iisip)
yes! bakasyon na naman. excited na akung magbakasyon kila mama at papa sa probinsya. matagal tagal narin nung huli ko silang makita at makasama. tyak andun din yung maldita kung ate na si luna na kakauwi lang galing ng thailand.
ng makarating ako sa probinsya agad akung niyakap ng aking pamilya. nakatingin lang sa bintana si ate ng magtagbo ang aming mga mata agad nyang sinirado ang bintana which is sliding window.
pagkapasok namin roon walang imik. hindi ko nga rin alam kung bakit ganun sya umasta sakin. ang akala nya kasi inaagaw ko sakanya ang lahat. gabi na at nagprepare na kami para sa hapunan.
"anak ikaw na manghugas ng plato.." ang sabi ni mama kay ate luna
"bakit palagi nalang ako bakit hindi nalang si venus??" ang sagot ni ate
"anak naman.."
biglang nagwalk out si ate. at malakas na isinira ang pinto ng kwarto nya.
"pasensya kana sa ate moha.."
"okey lang yun mama."
natapos nalang kaming kumain hindi pa lumalabas at kumakain si ate. hanggang sa umakyat na ako sa kwarto ko para magpahinga.
Mayamaya pabiglang may sumabog . agad akung bumangon at agad kung tinignan kung ano ang nasa labas. nagulat ako ng makita ang isang napakalaking UFO . malayo yun sa pinangagalingan ko pero matatanaw ko dahil sa malaki at maliwanag ito. agad akung lumabas. subalit akala ko ay nagising sila mama sa ingay na dala ng bumagsak na ufo.
lumabas ako ng bahay na nakapaa at agad na itinakbo sa pinangagalingan ng UFO.
nagulat ako ng makita ang isang sugatang hindi maipaliwanag na nilalang. tumingin sya sakin at nagulat.
natakot ako subalit pinakalma ko ang aking sarili.
nag iba sya ng anyo.
"anung klasing nilalang ka??"
nagulat ako ng ginaya nya ang aking anyo.
"hoy bawiin moyan. hindi pwedeng maging dalawa tayo!!"
bigla syang bumalik sa natural nyang anyo. at bumagsak sa lupa at namimilipit sa sakit na dala ng sugat sa tyan nya.
lumapit ako sakanya subalit lumalayo sya.
"hindi kita sasaktan munting nilalang."
maliit lamang sya. kasing laki ng bote ng coke. dinala ko sya sa bahay ng hindi man lang namamalayan nila mama. pinahiga ko sya sa kwarto ko at ginamot ang kanyang sugat. kinaumagahan pagising ko.
"asan na ang maliit na nilalang??"
isa lang ba iyong panaginip?? siguro isang panaginip lamang iyon. pumasok ako sa c.r ng makita ang nilalang na nag eenjoy inumin ang tubig.
"totoo ka!!"
tumingin lang sya sakin.
"ako nga pala si venus anung pangalan mo?"
ulit nyang ginaya ang aking anyo.
"uy sabing wag mong gayahin ang anyo ko eh."
"nasira ang aking sasakyan."
"marunong kang magsalita ng tagalog!! ang galing!!"
"subalit kailangan konang umuwi."
"papaano e nasira ang iyong sasakyang pang itaas."
"kailangan ako ng aming kalahi."
"subalit wala akung magawa para tulungan ka."
hinawakan nya ang aking mukha at pinisil pisil.
"aray!!"
biglang tumakbo ang nilalang dahil sa aking sigaw.
"patawad... nagulat kaba?? pasensya."
nagulat ako ng mag anyong napakagwapong lalaki sya.
biglang pumasok sila papa at mama
"anung kagulohan to??!" ang sabi ni papa
tinakpan ni mama ang kanyang bunganga ng makita ang napakagwapong lalaki.
"sino ka?? at taga saan ka!"
"wala akung ngalan."
"ano??"
agad akung sumingit sa usapan nila.
"sya po si ano. si ano ..(ano ba!) ah sya po si ace!"
"taga saan?" ang sabi ni papa
magsasalita na sana ang munting nilalang pero agad akung sumingit.
"ano taga rito lang sya."
"bakit sya narito? at kilala moba talaga sya??"
"oo. boyfriend ko."
"sige maiwan kona kayo."
agad na umalis sila mama at papa.
"boyfriend?" ang tanong ng munting nilalang
"wala yun..ah diba sabi mo wala kang pangalan? mula ngayon ang pangalan mo ay ace."
"kailangan konang bumalik sa kinaroroonan ko."
"subalit wala kapang sasakyan."
Tumingin ako sa bintana at hinanap ang ufo na sasakyan ni ace. subalit wala na ito.
"hindi maaari. bakit nawala??"
"kagagawan to ng aking huwad na kapatid."
"wag kang mag-alala ace tutulongan kita. sa ngayon manatili ka muna dito."
"hindi maari akung magtagal rito."
"bakit hindi diba??"
bigla kaming tinawag ni mama
"anak mag almusal muna tayo halina kayo!"
hinila ko si ace pababa.
ipaupo kosya at pinakain. subalit hindi nya gusto ang lasa ng pagkain.
"kainin moyan ace." ang bulong ko
"ang pangit ng lasa."
pagkatapos naming kumain agad kung inilabas si ace.
"ang ganda."
"sinabi mopa."
lumapit sya sa mga pananim naming bulaklak.
"ang ganda. ngayon pa lamang ako nakakita ng ganito."
"sa mundo nyo ba walang mga halaman??"
"wala.. subalit kumukuha sila ng halaman dito, pero hindi na nabubuhay pa roon ang halaman na mula rito dahil magkaiba ang ating temperatura. dahil roon sobrang init."
"owws. talaga. so ang ibig mong sabihin sobrang init???"
"oo."
"eenjoy molang ang iyong sarili sa mundo namin,"
nagulat si ace ng tumahol ang aso naming si brownie.
"wag kang matakot." ang sabi kung tumatawa
"bakit?? kalaban yan!"
"kaibigan sya...sya yung kaibigan ko mula nung bata pa ako. humans friends."
lumapit ako kay brownie at hinaplos ang kanyang ulo.
"see. hindi sya nananakit."
lumapit rin sya samin ni brownie. at masaya syang dinilaan ng aso.
ngumiti sya at patuloy na hinaplos haplos ang aking alagang aso,
"halikana ipapasyal kita sa bayan."
"bayan??"
"oo,, bayan. yung mga taong nagbebenta ng kung ano ano. marami kang makikilalang mga tao. katulad namin."
kinuha ko ang motor ni papa at nag drive,
"ano yan??"
"sasakyan. motor. halika sumakay ka. gayahin molang ang pag upo ko. tapos humawak kalang sakin."
umopo sya. nung ipaandar kona ang sasakyan sumigaw sya at nahulog.
"okey kalang kaibigan??"
"oo."
"halika subukan mo ulit."
sumakay sya at hinawakan nya ang aking balikat.
ng makarating na kami sa bayan nag enjoy syang tignan ang mga taong namamalengke at dumadaan.
"ang ganda ng mundo nyo."
"bakit sa mundo nyo ba hindi?"
"magkaiba tayo ng mundo.."
"sabagay,,, halika bumili tayo ng makakain."
hinila ko ulit si ace. ilang oras ang dumaan naghina si ace.
"anung nangyayari sayo?"
biglang bumabalik sa totoong anyo si ace.
"ayos kalang."
agad kung hinubad ang sout kung jacket. at itinago sya. umuwi narin ako ng bahay. pinahiga kosya sa kama ko.
"anung nangyayari sayo??"
"madali kaming manghina dito sa earth kumpara doon sa totoong mundo namin."
naging tao ulit si ace
"magpahinga kalang muna.."
-Jisho <3 <3- .
BINABASA MO ANG
Ghost Stories Compilation(Summer Scares)
TerrorEvery Summer u may have scary & unusual experiences, this serie presents compiled unusual stories that happens in Summer... What happens in Summer, tales of different people & their encounters.
