KAPRE

6 0 0
                                    

way back to 2015.

Nag bakasyon ako sa Bicol sa bahay ni "Lola Fe". Pag dating namin, sinalubong agad kami ni lola Fe sa kalsada, dahil ang kanilang bahay ay kailangan pang lakarin mula sa kalsada papasok sa looban.(Bukid kung tawagin samin.) Habang nag lalakad kami ay kita ko ang napakaraming puno sa paligid, may mga ibon kang maririnig at nag liliparanan. Napaka presko sa lugar na ito nakakapag pagaan ng pakiramdam dahil sa simoy ng hangin. Madadaanan mo rin ang isang malaking taniman nang palay na pag mamay-ari ni Lola Fe, kasunod nito at may makikita ka ring taniman ng mais. Pag lagpas sa taniman ng mais ay makikita mo ang isang napaka laking puno, napaka aliwalas ng hangin dahil natatakpan nito ang sinag nang araw.

Pag dating namin sa bahay nag handa na nang pag kain si tita Dy, anak ni Lola Fe. Pag tapos kumain ay nag paalam na si mama para umalis dahil kailangan nya pang mag trabaho sa Manila.

Kinagabihan ay binilinan ako ni Lola Fe na wag daw akong pagala gala sa labas dahil baka manuno o makorsunadahan daw ako ng kung sino-sino dyan. "Nag taka ako sa sinabi ni Lola Fe na sino-sino? Walang namang ibang bahay dito. Malayo naman yung ibang bahay?.
Di rin naman ako naniniwala sa mga nuno nuno na yan at kung anong elemento, dahil sa manila ako lumaki. Kapag nakita ko o naranasan ko tsaka ko ito paniniwalaan."

Lumipas ang mga araw. Naninibago ako sa mga ginagawa ko kain, nood TV, hugas, igib tubig sa poso, pitas nang pang ulam, gulay syempre probinsya.

Kinabukasan may dumating na babae kasama si Tita She, (Anak ni Lola Fe) pinakilala sakin dahil pinasan ko daw na si Billy (Maputi ito na may matangos na ilong at may magandang katawan).

Nag daan ang mga araw napapansin ko na palagi nalang nakatambay si Billy sa may malaking puno mapa umaga, hapon at pati na rin sa gabi na kahit madilim na nandoon parin sya tatawagin nalang sya ni lola Fe kapag kakain na.
Dahil di kami close at di kami nakakapag usap. Naisipan kong syang sundan dahil nag taka ako kung bakit palagi syang natambay sa puno kahit na pasapit na ang dilim. Pag dating nya sa puno tila parang may kung anong tinitignan o tinatanaw ito. Nung lumapit pa ako upang tinignan ko kung saan yung tinatanaw nya. Nagulat ako nang may nakita akong isang napakalaking tao ang creepy nitong tignan dahil sa kulay nitong itim at sa mahaba nitong balbas. Sa mga mata nitong namumula na tila parang may kung anong bumabalot sa mata nito, meron din itong hawak-hawak na katulad nang tobacco. Napaka laki ng mga braso, kamay at paa nito na kapag hinampas ka nito ay siguradong bagsak ka. Sa sobrang takot napatakbo ako pa punta sa bahay nila lola Fe para sabihin ang nakita ko.

Pag uwi ko agad kong sinabi kay lola Fe ang nakita ko. Takot na takot akong sinabi kay lola Fe ang nakita kong isang kapre. Nag taka si lola Fe dahil matagal na raw itong pinaalis nang kaibigan nyang albularyo. Dahil ang kanyang anak ay muntik na nitong kunin at isama sa kaharian ng kapre.

"Lola Fe! Nag taka po kasi ako kung bakit palagi nalang nandoon si billy sa malaking puno umaga hanggang sumapit ang gabi kaya sinundan ko po sya. Nagulat ako sa nakita ko sa may puno dahil tinitignan ito ni Billy. Nang makita ko po ito agad akong tumakbo pa uwi dito at naiwan ko po si Billy dun dahil sa takot ko."

"Bakit? Mo iniwan si Billy dun mag isa dapat isinama mo pauwi at baka isama sya ng kapre" galit na sabi sakin ni Lola Fe.

Nag madali kaming puntahan si Billy sa may malaking puno. Pag dating namin nakita namin si Billy nakahiga ito at walang malay. Binuhat ko sya para iuwi. Pag hawak ko dito ay napakainit nito na parang inaapoy ito ng lagnat may naramdaman din akong malamig na hangin nung saktong pag hawak ko kay Billy. Nakita kong walang naramdaman si lola Fe kahit na napakalamig at malakas na dumaan sa'amin ang hangin.

Dinala na namin si Billy sa bahay. Binantayan ito ni lola Fe mag damag hanggang sa bumaba ang lagnat nito, ngunit wala parin itong malay. Agad na pinuntahan ni lola Fe ang kaibigan nyang albularyo para ipa tawas si Billy. Habang wala naman si lola Fe ay nakaramdam ako ng pananakit ng tyan at bigla lumamig ang paligid nakaramdam ako ng pag kahilo at para akong nilalagnat. Kaya humiga ako sa Sofa malapit sa pintuan papasok sa bahay.

Pag dating nang albularyo ay para may kung ano syang naramdaman papasok sa bahay. Kita ko sa ekpresyon ng mukha nito na parang may pag tataka ito.
Pinakuha ng albularyo si lola Fe nang maliit na planggana na may lamang tubig, kutsyara at tatlong kandila. Sinindihan ng albularyo ang isang kandila at pinutol putol ang natira. "Napansin kong nagsasalita ang albularyo na parang may kung anong sinasabi ito habang nakapikit, matapos nyang gawin yun pinag patuloy nya ang ginagawa nya"
Iniligay ng albularyo ang pinutol nyang kandila sa may kutsyara, nang natunaw na ang kandila sa may kutsyara agad nya itong isinaboy sa may tubig. Ginawa nya ito ng ilang beses hanggang sa maubos ang pinutol putol na kandila. Nagulat ang albularyo sa nakita nya sa may tubig na nabuo nang isinaboy nyang tunaw na kandila. Kinuha nya ang nabuong imahe ng kandila sa may tubig.
"Fe! Totoo ngang bumalik ang kapre sa puno. Dahil may gusto nanaman itong kuhain at yun ang apo mong si Billy. Ngunit nung naabutan nyong walang malay si Billy ay nagalit ang ang kapre dahil may isang taong nakakita at naki alam sa kayang gagawin. May isang lalaki akong nakikita dito na dahilan nang pag ka galit ng kapre. Fe! May nakita ka bang ibang tao doon bukod kay Billy?"

"Hindi ako ang nakakita kay Billy sa malaking puno sinabi lang saakin ito nang aking apo na si Russ.(Sabay turo sakin na nakahiga sa may sofa) Kaya agad namin itong pinuntahan naabutan nalang namin na walang malay si Billy na nakahiga doon sa may puno."

Sabi nang albularyo "Malakas ang kutob ko na sya ang dahilan kung bakit nagalit ang kapre at kaya nawalan nang malay si Billy. Dahil naki-alam sya sa binabalak ng kapre"
"Ahh? Bakit naman po ako nakita ko lang naman po si Billy na palaging nadoon sa puno kaya sinundan ko sya, nagulat nalang po ako sa nakita ko kaya napatakbo ako sa bahay para sabihin kay lola Fe ang nakita ko. Wala naman po akong ibang ginawa."

Sabi ko na may halong pag tataka?
"Tama nga! napag kamalan ka ng kapre na aagawin mo sa kanya ang gusto nya. Kaya nakakaramdam ka ng sakit, kapre ang dahilan nyan. Halika rito hawakan mo ito at ibigay mo kay Billy ang kalahati upang alisin natin ang sakit na ibinigay sayo ng kapre at para magising na si Billy"

May iniiabot saakin ang albularyo na parang tela na kulay pula at hinati nya ito upang ibigay kay billy ang kalahati. Napansin ko rin na may inilabas ang albularyo na mga dahon na kung ano ano. Hinahampas nya ito kay Billy ng dahan dahan na parang may kung anong sinasabi mula sa bibig nya. Nararamdaman kong nagaan na ang pakiramdam ko dahil sa ginagawa nang albularyo.

Nagising na rin si Billy pag katapos ng ginagawa nang albularyo. Binilinan nya si lola Fe na kumuha nang uling at dyaryo upang ibalot ang imahe na nabuo sa kaldila at sunugin at ipausok sa buong bahay at pag katapos ay ilagay ito sa may puno upang itaboy ang kapre. At dahil daw nakabalik nanaman ang kapre may ibinigay ang albularyo kay lola Fe na maliit na parang notebook at basahin nya daw ulit ito pag sapit ng ala sais ng gabi. Umalis na ang albularyo pero dahil sa pag tataka ko,ganun ganun lang yunsinundan ko sila ni lola Fe habang nag lalakad nagulat ako dahil may kung anong isinasaboy ang albularyo sa may puno.
At may binabasa si lola Fe habang nag sasaboy ang albularyo sa puno.

Kinabukasan ayos na ang lagay namin ni billy at nakakapag usap na rin kami. Nag daan ang ilang araw ay wala na daw kapre sa puno kaya madalas na namin itong puntahan at pag tambayan. Sa madalas namin pag tatambay sa ibabaw ng puno sa di kalayuan may natatanaw akong isang taong naka itim na suot at nakatalukbong ito kaya nahaharangan ang mukha.

Lumilipas ang mga araw na palagi kong nakikita ito mula sa malayo habang nasa itaas ako nang puno na parang nakatingin ito sakin. Ngunit kapag akoy napapakurap nawawala nalang itong bigla....

Ghost Stories Compilation(Summer Scares) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon