Mt. Banahaw Trip.

10 1 0
                                        


way back August 2014 nang umakyat ako kasama ang hubby ko sa Mt. Banahaw.

Last 2014 after my husband's operation, nangako ako na sasama ko sa pag akyat nila sa Mt. Banahaw kasi mananampalataya sila nang Inang Banahaw. Knowing and hearing stories about the said mountain, sabi ko never ako pupunta dun, pero dahil sa nangako ako sa husband ko at sa Mt. Banahaw (Naniniwala kasi sila na pag nagsabi kang pupunta ka dun, kailangan tuparin mo) kaya ayun sumama ako.

Umakyat kami kahit katatapos lang ng bagyo, mahirap ung daan, tipong sa ugat ka ng puno kakapit. Pero ang ganda ng mga puno kahit ung ilog ang ganda at sobrang lamig ng tubig. Nasabihan na ko ng asawa ko na sarilinin ko na lang ung pag appreciate sa mga nakikita ko at wag magreklamo. Ok naman yung pag akyat hanggang sa makarating kami sa Campsite, tinatawag nila yung kuweba ng ama.

Kuweba yun pero may gawang bahay dun na hindi tapos. Dun kami nagtayo ng tent, napunta yung tent namin sa dulo kung saan sinasabi na may bata na mapaglaro,. Dahil sa hindi naman ako nakakakita ng mga ganun wala lang saken yun. Kumain at natulog na ko dahil sa sobrang pagod, nauna ko nakatulog sa kanila. Sa dulo ako pumuwesto para pag may ibang hihiga hindi sagabal.

Ginising kami ng guide nila ng 1am para magdasal sa loob ng kuweba, iniwan din namin yung mga rosary na dala namin dun sa gitna ng kuweba na parang altar. Dahil sa nabigla ako nagising, dirediretso lang ako. Madilim yung paligid hanggang sa may nakita akong isang imahe na sobrang liwanag, paikot ikot sya sa tabi ko. Una sa likod ng kasama namin sa right side ko hanggang sa lumipat siya malapit dun sa altar. Akala ko kasama namin, pero iba yung pakiramdam, ang ganda ny. Parang mahaba ang buhok pero sobrang laki niya, nakatitig lang ako sa kanya.

Ang sarap sa pakiramdam na tingnan siya, parang mapayapa lang. Nagtataka ko kasi sobrang liwanag niya at parang nakatingin siya saken. Pigura lang siya ng tao, walang mukha pero yung pakiramdam na nakangiti siya saken, hanggang sa biglang niyuko yung ulo ko ng kasama namin, sa altar daw ako tumingin. Bale mga 2am bumalik na kami sa tent, mga 2:30am natulog na ulit ako nang bigla akong nanaginip, o binangungot. Pero ewan ko kasi gising ako naririnig ko ung paligid, alam ko yung pinag uusapan nila pero tulog ako sa paningin nila.

Isang malaking bulto ng tao naman ang nakita ko na nasa loob ng tent namin, nakatayo siya sa harapan ko at pilit akong sinasama. Kahit tulog ako ramdam na ramdam ko yung paghawak niya sa buong katawan ko at pilit akong sinasama. Sinasabi niya sakin na iniwan na daw ako ng mga kasama ko at sumama na lang sa kanya. Dasal ako ng dasal at pilit kong gumalaw, pero hindi talaga ko makagalaw. Hanggang sa narinig ko yung pinuno ng grupo nila na sabing may nangyayari at sumunod lang ako sa boses nya. Yung malaking tao sa loob ng tent ginugulo ako at pilit na binabaling sa kanya yung atensyon ko sa paghawak sa katawan ko.

Hanggang sa may naririnig na lang akong tunog ng ibon, magtataka ka kasi 2:30 o 3am nun. Palakas ng palakas ung tunog ng ibon at tipong kinakausap yung guide nila at nagsasabi na kumapit lang daw ako at magdasal. Alam nung guide na may nangyayari pero hindi niya alam na ako yung gustong kunin nung itim na malaking lalaki. Habang papalakas yung boses nung lalaki, (hindi tagalog yung salita nya at hindi ko din alam kung ano pero naiintindihan ko yung sinasabi niya) papalakas din ng papalakas yung tunog nung ibon. Parang nag aaway sila, hanggang sa nawala yung itim na lalaki at humina yung tunog nung ibon.

Akala ko ok na at magigising na ako, hindi pa pala tapos yun. Isang batang itim naman yung sumunod, pero siya hindi niya ko gustong isama. Ewan ko, hinihimas niya lang yung ulo ko at nakayuko lang sya sakin. Himas lang siya na himas sa ulo ko. Pero ganun ulit yung nangyari, narinig ko na naman yung tunog nung ibon, sobrang lakas, at biglang nawala yung bata.

Bigla din ako nagising at umiiyak. Nagulat sila pagkabangon ko dahil hinahabol ko yung hininga ko. Sinabi ko agad na gising ako kanina pa at may lalaki at bata sa loob ng tent namin at pilit akong kinukuha ng lalaki. Sabi ng guide sakin, ako daw pala yung kanina pa sinasabi sa kanya na bantayan at gustong kunin.

Kinabukasan, nakuwento ko yung nangyari sa akin sa iba naming kasama, kinilabutan ako nang sinabi nila sakin na kaya daw pala pagbaba ko galing sa kuweba pagkatapos namin magdasal ng 1am, sobrang liwanag ko daw. Malamang daw kasama ko yung diwata sa kuweba at siya yung ibon na kumakausap dun sa guide namin at tumulong sakin para hindi ako makuha nung maitim na lalaki at yung bata.

Nagdasal ako at nagpasalamat dahil walang nangyari saken. Pababa na kami ng bundok nang biglang para kaming nahirapan, at naligaw pa yung iba. Yung matandang guide namin (batikang guide sa mt. banahaw) sa likod na lang niya ko pumuwesto kasi nag aaway na kami ng asawa ko dahil sa nahihirapan kami bumaba. Biglang tumigil yung matandang guide at para siyang may kinausap at nagsabi na ung iba naming kasama sa iba dumaan at buti hindi niligaw. Kaya parang sa iba kami dumaan, sobrang ganda, may mga malalaking butterfly, grapes at ibat ibang bulaklak ung dinaanan namin pababa. Iba sa dinaanan namin paakyat.

Nakababa kami ng maayos bago magdilim, pinadaan ako nung matandang guide sa may tubig para hindi na daw sakin sumunod yung mga gustong kumuha saken sa taas.

Akala ko tapos na, pauwi na kami at gabi na. Dahil naiihi na yung iba naming kasama naisipan na magstop over dahil trapik din naman. Nang biglang sumakay na nagmamadali ung isa naming kasamang babae, akala namin ok na. Bigla siyang sumigaw ng sobrang lakas, sinasapian na pala siya, at nagpapasalin salin yung sumapi sa kanya sa iba naming kasama sa sasakyan. Kapre daw yung sumasapi sa kanya at galit na galit, hindi ako pinapatingin sa babaeng sinasapian at baka saken naman daw sumapi. Nagdasal lang ako ng nagdasal. Sabi nung guide namin kaya daw nagagalit ito dahil inihian daw siya nung kasama naming babae. Nanghingi ng pasesnya ung guide namin. At nakauwi naman kami nng maayos.

Hanggang ngayon, hindi pa din mawala sa isip ko yung nangyari, ni sa panaginip ko hindi ko akalain na mararanasan ko yun sa Mt. Banahaw. Akala ko dati mga kuwento lang, hindi ko akalain na sa akin pa mismo magpapakita at balak pa akong kunin. Salamat sa Diyos at sa diwata dahil hindi ako nakuha nung itim na lalaki...

Ghost Stories Compilation(Summer Scares) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon