Ilang taon na rin po ang nakalipas nong mangyari to sa akin sa isang lugar na pinuntahan naming magkakaibigan sa "Aklan".2011 ng taong yon, nagtratrabaho na ako sa boracay.Isang araw niyaya ako ng mga kaibigan ko na makifiesta don sa lugar na sabi nila bundok daw yon.Dahil sa minsan lang din kami gumala sa ibang lugar e sumama na rin ako.Napagpasyahan naming umalis bago ang kapyestahan,nagpaalam muna ako sa boss ko bago kami tumungo sa bangka kung saan kami sasakay palabas ng isla.Mga bandang 8 ng umaga na kami nakasakay at nakarating kami don ng wala pang isang oras,anim kaming magkakasama.Nakituloy kami don sa kakilala ng kaibigan ko,simple lang ang bahay nil gawa sa kawayan ang mga dingding at dahon ng niyog ang bubong.Pero malayo layo pa daw kami sa mismong lugar ng fiesta.Hapon na ng maisip naming mamasyal don sa fiesta,may palabas daw kasi sila sa plaza at may sayawan.Kala ko nga sasakay kami papunta doon pero maglalakad pala kami at halos isang oras at kalahati.Ang dami ng nadaanan namin,ang ganda ng mga palayan, malalaking puno at mababatong ilog.Halos mag aalas siete na kami ng makarating mismo sa lugar na yon,maliit na baryo lang,may plaza at mga bibilanging kabahayan.Kasama namin yung kakilala ng kaibigan ko si "Cloud". Niyaya kami ni cloud don sa isang bahay para magpahinga kaunti habang naghihintay ng palabas sa plaza.Habang nasa loob na kami nong bahay ay bigla nlng ako nauhaw,siguro dala narin ng layo ng nilakad namin,wala silang gripo at tanging "bomba" lang ang meron sila. (Bomba yung yung may nakatayung parang pitsel na may hawakan at kailagan iangat mo pataas at pababa yung hawakan para lumabas yung tubig). Nang akmang kukuha na ako ng kukuha na ako ng tubig don sa bomba nq nakapwesto sa likod ng bahay nila kung saan mo rin makikita ang malawak na palayan. May tumabi saking babae na tingin ko nasa edad 40 plang at inaabutan nya ako ng isang basong tubig at ininom ko naman agad at nagpasalamat kahit medyo lasang bakal ito.Pumasok ako sa loob at nagtanong kung sino yong babae pero di nila masabi kasi di naman nila daw nakita yung mukha,nagtaka din ako kasi di ko rin sya nakita sa paligid ng matapos yung pangyayaring yon.
Matapos ang paghihintay at nag uumpisa na ang palabas sa plaza.Ng matapos ang palabas ay nag aliw muna kami sa sayawan ng ilang oras hanggang napagod na at napagpasyahan naming umuwi-at maglakad ng bandang alas onse na pero may mangilan ngilang nakamotor at mga mga naglalakad din pauwi.Habang nasa kalagitnaan kami ng lakad ay nararamdaman ko ang sakit ng sikmura at tyan ko pero di ko pinansin baka sa mga maraming nakain namin kanina o nainom na beer.
Mag aala una ng makarating kami don sa bahay nila Cloud.Bandang alas dos ng madaling araw ay lalong lumala ang pananakit ng tyan ko at doon na ako nagsimulang pagpawisan at makaramdam ng kakaiba,napansin yon ng kaibigan ko at tinawag nila agad yung nanay at tatay nila,tinanong nila ako kung ano daw ininom ko o kinain,d naman pwd na dahil sa pagkain ang sakit ng tyan ko dahil lahat naman kamo kumain pwera nlng don sa tubig na pinainom sakin ng babae.Ikwenento ko sa kanila,yung tubig,lasang bakal,medyo malangsa at mdyo malabo.Una nilang tinignan yung kuko ko,at nangingitim nga daw ito,agad nilang tinawag yung lola ni cloud at tiningnan ako. nilason daw ako o kilkig ang tawag doon.Maya-maya pa ay may kung anong tunog na umikot sa buong bahay,masangsang din ang amoy nito,kakaluskos sa dingding at pabigla biglang babagsak sa taas ng pawid na bubongan.Agad kumuha ng lana ang lola at ipinahid sa tyan ko,may ipinainom din ang lola sakin na kulay berde.Sabi nya inumin ko daw yon,panguntra sa lason.Ininom ko ito at bigla na lang bumaliktad yung sikmura ko at sumuka ako ng kulay itim na tubig,oo tama ang nabasa nyo,itim po,literal na kulay itim.Nagsindi rin ng plastik o goma yung tatay ni Cloud sa labas para maitaboy daw yong kung ano mang gumagabala sa amin.
Pinalipas namin ang gabi,tahimik na ang paligid,alas kwartro na.Naging maayos narin ang pakiramdam ko at kinausap ko sila kung anong nangyari sakin.Sabi ng lola ni Cloud,yung nagpainom daw sakin ng tubig ay hnd pangkaraniwang tao,mabuti at tubig lang daw na may lasong mangpapasakit ng tyan ang naimon ko,at yung bagay na umiikot sa bahay ng kinagabihang yon ay wakwak daw,yon daw ang nagbigay sakin ng inumin, nakursunadahan daw nya ako at sinundan hanggang sa pag uwi.
May mga ganong kwento narin daw sa bundok na yon lalo pa at dayo lang ako don.Mataas na ang araw at nagpasya na kaming umuwi.pero dahil sa nangyari,nag alala ang mga magulang ko at dumiretso ako sa Antique para ipacheck up sa doctor,magpahinga at magoagaling.Nakakatrauma din pala yung ganong pangyayari.Di ko parin makakalimutan yung lasa ng tubig bakal,malansangsa,yung wakwak ,yung amoy nyang masangsang na parang sinunog na buhok, parang bulok na isda,yung tunog nyang palakas at pabilis habang umiikot ikot "tikitikkitik tikitikkitik' paulit ulit,tawa daw yon,yung parang mga kukong kulakaloskos sa kawayang dingding,hanggang sa pawid na bubong na gustong gusto makapasok at ano mang oras ay agad kang sasakmain at aatakihin.
Nagpapasalamat ako sa pamilya ni cloud una at huling pagkikita namin yon.Sa ngayon ayoko na bumalik pa don.Kaya payo ko s mga nagbabalak gumala sa ibang lugar na wala hnd nyo pa napupuntahan,mag iingat kayo at maging handa sa pwdng mangyari lalo at dayo lang kayo...
-3Eye
BINABASA MO ANG
Ghost Stories Compilation(Summer Scares)
HorrorEvery Summer u may have scary & unusual experiences, this serie presents compiled unusual stories that happens in Summer... What happens in Summer, tales of different people & their encounters.