2010-2014 Los Baños,
Hindi ako ganun ka-gwapo pero lapitin ako ng babae.
Nagsimula ang lahat way back 2010, kakabreak lang namin ng gf ko after ko manggaling sa isang hiking trip sa hindi ko maintindihang dahilan. So ayun na nga, single ako pagkatapos ng hiking. Meron akong naging kaklase na maganda, pangalan niya ay Ling. Isang gabi, naglalakad ako pauwi sa aking dorm, kasama ko si Ling at iba kong mga kagrupo kasi kami, biglang may nagtext sa akin na kaklase ko na:
C: Tol ang ganda nung kasama mo ah. bagong girlfriend mo?
Ako: Ah si Ling? Hindi pre, masyadong maganda para sa akin.
C: Ul*l pre, ikaw pa, chickboy ka talaga!
Hindi ko na siya nireplyan pagkatapos nun.
Fast forward
Sa buong 4 na taon na yan, single ako, kahit inaasar ako ng mga ka-frat ko na girlfriend ko si Ling, tinatawanan ko lang sila. Pero wala rin nagtangkang lumapit sa akin na babae dahil kay Ling. Parang bang natatakot sila sa kanya. Natatakot din ako lumapit sa iba dahil unti unti na akong nahuhulog sa kanya. Ang pinagdududahan ko sa kanya ay ni minsan ay hindi namin siya mayaya sa kahit anong out of town trips. Sumasama lang siya kapag within Laguna, ayaw niya din magpahatid, ayaw niya sabihin kung saan siya nakatira at ayaw na ayaw niya magpapicture. Palagi kami nag aaway pag niyayaya ko siya sumama sa picture naming magbabarkada. Kahit cellphone wala rin siya kaya magdududa ka talaga sa pagkatao niya. Madalas din niya ako yayain umakyat ng Mt. Makiling pero tumatanggi ako dahil masakit experience ko sa hiking. Pero isinangtabi ko ang lahat ng mga pagdududa ko dahil nahuhulog na ako sa kanya. Sa apat na taon ay palagi kong kasama si Ling. Minsan na ring may nangyari sa amin. Sabi ko sa sarili ko na bakit sa akin nasama itong babaeng ito, sobrang ganda niya. Hindi ko ka-level.
2014 na, sa isang di inaasahang pangyayari, bumagyo nung summer. Winasak nito ang dormitoryo na pinagtitirahan ko. Pati ang mga puno sa paligid natumba, mga puno sa pinag hikingan ko nawasak din.
Dito nagsimula akong mahirap makatulog (Sinubukan ko hanapin si Ling pero hindi ko siya mahagilap, wala rin siyang cellphone tulad ng nabanggit ko kaya ipinagdasal ko na lamang siya, un na pala ang huling pagkikita namin). Gabi-gabi ay nahihirapan ako matulog. Makakatulog lamang ako pagkatapos ko labasan. Kinakailangan ko magsarili bago makatulog.
Isang beses, sinubukan kong hindi magsarili, hindi ako nakatulog. Mga 20 days ko ginawa yan hanggang sa isang gabi ay tumawag sa amin ang tita ko, doon na ako nagsimulang matakot at kabahan. Sa tuwing tumatawag ang tita ko na yan, natatakot ako dahil nakakakita siya at may mga alaga siyang duwende na nakabantay sa pamilya ko. Natatakot ako dahil baka nalaman niya na nanonood ako ng pornograpiya. Pero nagkamali ako. Pinapunta niya kami sa bahay nila para magtanong sa akin.
Tita: Nakakatulog ka ba ng maayos?
Ako: Hindi ho eh (medyo kabado na ako)
Tita: Wala kang girlfriend di ba?
Ako: Wala pa naman po.
Tita: Tuwing paggising mo ba may wet dreams ka?
Ako: Meron po (Sa tingin ko hindi talaga iyan ang gusto sabihin niya, andun kasi mga magulang ko)
Tita: Doon ba sa inakyat niyong bundok may sinulatan ka ng pangalan?
Ako: Meron po (Nanginginig na ako sa takot dahil wala naman ako pinagsabihan nun)
Biglang sinabi ng tita ko na, mula nung sinulatan ko ang puno na un ng pangalan ko, may isang diwata na nainlove sa akin. Akala ng diwata ay inalay ko puso ko sa kanya matapos ko sulatan ang punong iyong. Marahil nagpaparamdam sa akin si Ling kaya hindi ako makatulog gabi gabi ng maayos. At nakikipagtalik sa akin si Ling sa tuwing nagsasarili ako kaya lulubayan lamang niya ako para makatulog pag nakuha na niya ang gusto niya. May mga mabuting diwata, meron ding masama. Malas ko lang daw at masama ang dumikit sa akin. Aakitin ka daw ng diwata at dadalhin sa kagubatan. Pag ikaw ay sumama at napunta sa kagubatan, habang buhay ka na nandoon. Pagkatapos namin mag usap ng tita ko ay may ritwal na siyang ginawa para sumanib sa kanya ang diwata. Napamura na lang ako nung lahat ng pinaggagawa namin ay ibinunyag niya sa harap ng pamilya ko. Takot na takot ako marahil ay wala naman ako pinagsabihan at lahat ng mga pangyayaring yun ay mga pangyayaring kasama ko si Ling. Itinaboy na ng tita ako ang diwatang si Ling. Matapos niya maitaboy ito, nakakatulog na din ako ng maayos.
Dahil sa karanasan na iyon, lumuwag ang pakiramdam ko. Medyo naging pihikan na rin ako sa mga nilalapitan kong tao. Sa naging karanasan ko, mas lalo ako natakot maghiking lalo na't sinabi ng tita ko ay lapitin ako ng mga engkanto sa gubat.
2016, may girlfriend na ulit ako. Natatakot ako medyo hawig ni Ling. Ka-height pa niya. Pero this time, sigurado ako, tao na ito... o tao nga ba?
Master Baker.
BINABASA MO ANG
Ghost Stories Compilation(Summer Scares)
TerrorEvery Summer u may have scary & unusual experiences, this serie presents compiled unusual stories that happens in Summer... What happens in Summer, tales of different people & their encounters.
