When i am13 years old mag
g-grade 9 may nangyari saken nung mga panahon na nasa bahay pa ako ng lola ko."Swing"
5pm kakauwi ko lang nun galing school, medyo palubog na
yung araw nun.
Actually 3pm yung uwian pero dahil sa mga kaibigan nakakauwi na ko ng late. So as usual nasesermonan pagkauwi. Pero pinapapasok padin. Pagkapasok ko nagulat ako kase nakita ko yung swing ng tita ko. So nagtanong ako. "Lola bakit po nandito yung swing?" Sabi ko kay lola.
"Binigay na satin yan ng tita mo! Para daw makapag swing ako" sabi ni lola.
"Kumain kana at matulog maaga ka pa bukas" dagdag pa.
"Opo" -akoBinilisan ko magbihis, naghilamos at saka kumain.
Mabilis ko namang nahugasan yung plato so naglinis na ko ng katawan at humiga.
9pm wala pa din yung kuya't ate ko so na natulog. Pinatay ko na yung ilaw, pagkasara ko ng pinto nakita ko yung sala namin madilim na din, matik na natulog na si lola.hinayaan ko na lang na nakabukas yung pinto humiga na lang ako at natulog.
Malapit na sana akong makatulog pero narinig ko yung swing na gumagalaw! Inayos ko yung pagkakahiga ko baka kase yung higaan ko lang yun. Di ko na lang pinansin at nagtakip ng kumot. Edi nakapikit ulit ako tapos na rinig ko nanaman yung tunog ng swing!
Patuloy lang na nags-swing pero sure ako na walang tao!Tumayo ako sa kama habang nagdadasal tas biglang natigil yung tunog galing sa sala. Hindi ko na nagawang ituloy yung pagsilip kase nakakatakot talaga. Then nagonline ako para ichat yung ate at kuya ko nakita ko yung oras mag 12;00 pm na.Tapos biglang may nag doorbell tas may sumigaw kilala ko na yung boses kaya tinapangan ko tas tumakbo ako papalabas. Pero di parin tumitigil yung panginginig ng tuhod ko. Kase naman yung entrance door namen katabi lang yung swing! So tinakbo ko na si ate sa labas then sumabay na sa kanya pumasok. Pagpasok namin sa kwarto dun kona ikinuwento kay ate yung mga nangyare!
Hanggang ngayon sariwang sariwa pa din yung nangyari saakin. Kaya kung may mangyari sa inyong ganyan magpray lang lagi....
#####
Sa bahay na namen...
Nakitira yung tita ko, Baliw yung tita ko nabaliw sya dahil sa isang pangyayare kame ang nagaalaga sa anak nya, ayaw kasi ng mommy ko pagstay sya sa mental dahil nakapatay yung tita ko isang beses dun ng kasing tanda nya dahil inagaw sa kanya yung doll; yung doll sinasabe nya anak nya daw dun.
kaya nabaliw yung tita ko dahil sa pangyayare na namatayan sya ng anak. Fifth floor kasi bahay namen nung gabing yun nasa fifth floor sa may terrace sila nagpapahangin, naglikot yun anak nya 4 years old palang kasi, babae si Chin
Iniwan ni tita si Chin, doon sa itaas dahil nanghihingi ng milk si yung anak niya, so ayun kinuhanan nya. Nung time na nagtitimpla sya, nang may narinig daw syang malakas na kalabog na para bang may nahulog . Dinedma nalang yun ni tita pagkaakyat nya papunta fifth floor wala dun si Chin. Humangin ng malakas so napatingin sya sa terrace, pagkatingin nya si chin nasa baba nahulog mula fifth floor . Nagpanic yung tita ko bumaba na sya nagkanda hulog hulog pa daw sya sa hagdan pagkalabas nya ng gate nakita nya si Chin hiwalay yung ulo sa katawan tapos bali yung kaliwang paa at kamay . Nagmadali syang tumawg ng ambulansya kaso napatagal yung kuha kay Chin, Di na dinala sa hospital si Chin dahil wala naden buhay ito, kaso yung tita ko ayaw pumayag nagwala gusto nya buhay pa ang anak niya.
Di matanggap ni tita na patay na si Chin .Noong nakaburol si Chin binubulungan ni tita tapos iiyak maya maya tatawa. Tapos nung ililibing na biglang binuksan ni tita yun kabaong ng bata, tapos binulungan, tas biglang tumawa nagtakbuhan yung mga tao dahil natumba yung kabaong at lumabas yung ulo natanggal sa pagkatahi.
Mga ilang buwan napansin nila mommy na kinakausap ni tta yung sarili nya tapos tatawa bigla kaya pinunta nila sa mental kaso nagwawala dun. Isang beses madadatnan namen na tumatakas tapos paguwi may dalang doll si Chin daw yun. Buhay pa daw si Chin ,tapos ayaw nya pang magpapasok sa kwarto nya.
Gabi na nangyare to. Natutulog si tita inutusan ako ni mommy na linisin yung kwarto nya, kaso takas na pagpasok yun sa kwarto nya.
Una ko muna nilinis yung cabinet nya, sunod mga damit nagwawalis nako nun. Nung wawalisin ko na yung ilalim ng higaan ni tita parang may napansin ako, mga lupa . Nacurious ako pagkasilip ko sa ilalim ng higaan nya, napasigaw ako ako sa takot dahil nandun yung bangkay ni Chin.
Yung ulo mismo pati katawan tapos sa tabe may doll nagising yung tita ko tapos nagulat sya. Nagulat din ako kasi bigla syang tumawa, tumakbo nako palabas tinanong ni mommy kung bakit, di ko sinagot basta patuloy yung pagtakbo ko. Napunta ako sa bahay ng kaklase ko, una sa may kabilang kanto lang hanggang sa kaklase kong nasa Poblacion nakarating ako dun sa sobrang takot at di muna ako umuwi sa bahay namen. Alam ni mommy na nasa bahay ako ng kaklase ko naninirahan, alam nila na di ako uuwi kaya dinadalaw nlng ako doon. At nabalitaan ko nalang nawawala si tita hinahanap daw ako. May gusto daw ibigay saken...######
My 13th Birthday.
Nangyari ito October 3, Holiday nun at It was my 13th birthday, masasabi kong ito ang pinakamahalagang kaarawan ko hanggang may isang kakaibang pangyayari ang naganap.
Umaga pa lang ay nagising na ko, di ako sanay kase tanghali na talaga ako nagigising. Nagluluto si mama, laking gulat ko kase mahilig kame sa instant. Napangiti ako sa ginagawa nya. ""Ma dito ba uuwi si papa mamaya?"" Tanong ko. (We are broken family ) ""Oo daw, sabi nya"" agad nyang sagot. ""Eh si ate, kuya?"" ""Hindi ko alam e.""11:30 am kumain kami ng tanghalian, ung niluto nya. Time pass na puro kasiyahan. 5:00pm nandun na si papa at ang bunso kong kapatid kumpleto na ang handa, may konting kantahan at inuman lang pero wala si ate at si kuya. Masaya pa din dahil in the past 4 years ngayon lang ulit na celebrate ang kaarawan ko dahil sa sobrang busy. Maya maya ay naalala kong may kailangan pala kong bilhin para sa eskwela at tutal malapit lang ang palengke dali dali akong humingi ng pambili at pamasahe. Pag uwi ko inutusan akong bumili ng papa ko ng yelo. Pagbalik ko. Dumiretso ako sa kusina (bago makapunta sa kusina may madadaanan kang kwarto na walang pinto at kita mo kung sino ung nakahiga) pagdaan ko napasilip ako sa kwarto nagtayuan ang balahibo ko sa nakita ko. Babaeng dalaga pa, nakahiga sa kama. pero ung katawan nya blurred ung parang espirito tapos ung mukha nya malinaw naman kaso andaming sugat tapos medyo lobo lobo, sobrang dry ng buhok nya tapos lalong tumayo ung balahibo ko kase nakatingin at nakangiti pa sakin... Pinikit ko ung mga mata ko sa pagaakalang malik mata lang ang lahat pero nakadalawang pikit na ko andun pa din sya sa sobrang takot ko ay bumalik na ko sa sala at si papa nalang ang pinaglagay ko ng yelo sa pitsel. Alas dosena ng natulog na kami nila mama pero di kami makatulog pareho kaya naman nagkuwentuhan muna kami ""lyk, alam mo kanina papunta ko dun sa secret house natin (kami lang ni mama at ate nakakaalam nun) nakita ko ung kuya mo kaya nag tago ako sa bakery"" ""tapos?"" ""Tinignan ko ung plaka sa kanyang motor nga, hala sinusundan ako tapos pag tingin ko naka kapote sya na pampulis (pulis kase un) pero tirik na tirik naman ang araw. Pinagtataka ko lang, alam kong nakita nya ko pero dire diretso lang sya tapos ambagal ng takbo"" ""anong oras un?"" ""Mga 7 ng umaga. Tulog ka pa nun"" ""eh naka duty sya nun ah 6pm- 7 am ang duty nya dba?"" "" oo nga noh? Baka maaga lang umalis"" ""bawal umalis ng maaga un kase may inquest sila e"" ""hala?"" Tapos kinwento ko din ung nakita ko kanina habang kinukuwento ko nagtataasan balahibo ko kase nandun kame sa kwartong yun. Tapos may biglang kumalabog na malakas sa bubong. Ayaw nya sigurong ipagsabi ko.
Tapos kinwento ko sa kaibigan ko sabi nya maari daw na kaya ganun kase 13th birthday ko. Malas daw ang 13 sa intsik kaya nga daw walang 13 sa building at sunugin ko daw ung nakita ni mama na suot ni kuya kase baka daw un nang gagaya ng anyo pag daw d un sinunog o nilibing mamatay daw si kuya o may mangyayaring masama sa kanya. Sinabi ko un kay mama pero di nya yata sinabi kay kuya. Kaya simula noon ako na ung laging dinadatnan ng malas. Hanggang ngayon parang puro malas ang nangyayari sakin.
BINABASA MO ANG
Ghost Stories Compilation(Summer Scares)
HorrorEvery Summer u may have scary & unusual experiences, this serie presents compiled unusual stories that happens in Summer... What happens in Summer, tales of different people & their encounters.