Kagagaling lang namin sa tanay dahil taga don yung friend ko. Namasyal lang kami kasi yung iba hindi pa nakapunta ng tanay kaya naman naging tour guide yung friend ko at ipinasyal kami kung saan saan. Food trip and pictorial ginawa namin especially dun sa magugubat na part, ang ganda kasi ng view.
Ginabi na kami kakaikot, may mga daan pala don na madilim kaya naman dahan dahan lang pagmamaneho ng friend ko. Yung iba nakatulog na din sa pagod. Halos tatlo nalang kaming gising non, syempre dapat may kasama yung friend ko na gising, madilim kasi yung ibang daan. Hanggang nagulat kami nang may madaanan kaming parang pabilog na usok. Wala naman kaming nakitang nagsisiga sa gilid non at kung bakit nasa gitna ng daan yung usok na bilog. Wala ding nasa unahan na sasakyan na baka tambutso lang yun. Halos kami lang yung nasa daan nang oras na yon. Nasagasaan pa namin yung usok. Natigil pa nga yung pagkukwentuhan namin kasi sabi ng friend ko na nagddrive may fog daw sa gitna ng daan. Natahimik kami, tapos inihinto ng friend ko yung sasakyan sa medyo maliwanag na part. Pinagising nya yung iba. "Guys pray tayo ha, parang iba yung naramdaman ko nung nadaanan natin yung fog. Dyan sa malapit na yung aksidente ng mga estudyante yung nabanggang bus". Kinilabutan kami sa narinig. At sabay sabay muna kaming nagpray bago sya nagdrive ulit. Thank God at nakauwi naman kaming maayos. RIP sa mga namatay sa aksidenteng yun.
Angel Mom .
"Aksidente sa motorsiklo"
isa kong koliheyala at ng may 10, 2016, 11am ng maaksidente ang kuya ko at agad siyang binawian ng buhay dahil sa mga tinamong sugat nito. Sinubukan siyang dalhin sa hospital ngunit hindi na siya umabot pa ng buhay. Tatlong araw pa ang nakalipas bago namin nalaman ang pangyayaring iyon. Dahil wala man lng id o anumang bagay na pagkakilanlan kaya hindi agad ito naibalita saamin.
Convo:
Carl: (my nephew) tita? nasan si lola?
Ako: diko alam baka nandun sa bayan .bakit hinahanap mo?
Carl: tumawag kasi si mama may ssbhin na importante daw.
Ako: ano daw ba yun?
Carl: si lola nga gusto kausapin.
Ako: sige puntahan mo dun sa bayan.Fastforward..
Dumating na si mama at ang pamangkin ko mula sa bayan, umiyak at nagsisigaw.
Kaya't tinanong ko siya kong ano ba nangyari kong bakit sila nag iiyakan ngunit wala akong nakuhang sagot ng si papa na ang nagtanong sinabi ni mama na naaksidente ang kuya ko at patay na ito. Nag iyakan kami lahat dahil sa balitang yun sobrang sakit mawalan ng kapatid hindi namin halos matanggap ang balitang iyon.Fastforward..
May 22, hinatid namin ang kuya sa huling hantungan. Makalipas ang ilang araw , nagparamdam ang kapatid ko sa bahay , minsan makikita na lang siyang nakaupo sa sala, minsan naman sa kusina yung tipong akala mo naghahanap ng makakain paulit ulit ang pagpparamdam niya lalo na sa mga kaibigan niya at sa ate ko. Nagkwento sa amin ang kaibigan ng kuya na lagi daw nagpapakita sa kanya si kuya at nkangiti ito, sunod naman sa ate ko minsan daw narirnig niyang kumakanta ito, minsan nman habang natutulog si ate sa kwarto bigla na lng dw nagbubukas ang electric fan. Paulit ulit ang pag paparamdam ng kuya ko ,hanggang sa nakuha nga ulit yung motor niya sa munisipyo , dahil nga hindi na rin magamit ang motor dahil sa matinding pagkawasak nito nilagay na lang yun sa garahe at tinakpan. Isang araw narinig na lang namin na bumobusina yung motor kahit wala naman tao. Paulit ulit iyon , minsan naman nkikita nalang namin na umiilaw ito , naisip na lng namin na dahil sobrang mahal ng kuya ko yung motorsiklo niya kaya hindi niya ito maiwan iwan. Ilang araw pa ang lumipas at unti unti nang natanggap ang nangyari sa kanya, pero hindi pa pala natatapos ang pagpaparamdam niya. Isang araw habang kami ay kumakain sa kusina biglang tumunog ang cellphone ng isa ko pang kapatid walang tumatawag pero paulit ulit na tumutugtog yung kantang paborito ng kuya kong namatay. Hinayaan na lang namin iyon kaya pag dating nung kapatid kong nagmamay ari ng cellphone bakit dw nkabukas yung cellphone niya which is yung tumunog nga, iniwan daw niyang naka off yun dahil lobat at pagtingin niya nung cellphone nag appear yung favorite song ng kuya kong namatay at kinilabutan kami lahat at nalungkot kasabay ng nakaamoy kami ng usok ng sigarilyo at naramdaman namin na andun nga ang kuya kong namatay. Inisip namin na baka hindi pa niya matanggap ang nagyari sa kanya.
Fastforward..
Bago matapos ang 40 days ng kuya, muli siyang nagparamdam sa ate ko narinig niya na kumakanta ito at bigla nalang naramdaman ni ate na parang may kung anong bagay na sobrang lamig ang yumakap sa kanya ng sobrang higpit. Umiyak ng umiyak ang ate ko dahil sa lungkot, ng matapos ang padasal sa kuya ko hindi na muli itong nagparamdam at natanggap na din namin na wala na siya.
Aug 13, 2016
tumawag yung ex gf ng kuya ko at sinabi namin na wala na nga ang kuya. Hindi niya ito nabalitaan dahil narin meron na itong kinakasamang iba. Umiyak siya ng malaman niyang patay na si kuya at nagtanong siya kong kailan daw ito nilibing, sinabi namin na may 22, ito nilibing nalaman din namin mula sa kanya na may 22 2016 , naaksidente din sa motor ang asawa niya nabangga din daw ng jeep sa ulo din daw ang tama. Nagulat kaming lahat dahil sa parehong oras nilibing si kuya at naaksidnte yung asawa ng ex niya. Hanggang dito nalang salamat sa mga bumasa pasensya na medyo magulo .F⚽⚽tball player
-Shayne
BINABASA MO ANG
Ghost Stories Compilation(Summer Scares)
HorrorEvery Summer u may have scary & unusual experiences, this serie presents compiled unusual stories that happens in Summer... What happens in Summer, tales of different people & their encounters.