Bicol Vacation

13 1 0
                                    

Simula bata ako never akong naniwala sa mga multo, maligno or kung ano pa man. Pero nagbago ang lahat ng magbakasyon kami ng pinsan ko sa bicol.

Pumunta kami sa bicol para naman makaranas ng buhay probinsya at makaranas ng fiesta sa lugar ng pinsan ko dun kase province nya, 1am nun naisipan namin magkatuwaan at bumili ng alak.
Jay (pinsan ko) : tara sasama kaba Ann?
Ann (Gf nya) : ayoko malayo tsaka anong oras na si migs nalang.

May kalayuan daw kase ung tindahan at dadaanan pa namin ung napakahabang tulay para makatawid sa kabila at makabili.
Sumama na ako dahil hindi ko naman hahayaan na ung pinsan ko lang bumili mag isa.

halos 30mins ung makalipas ng malapit na kami at natatanaw na namin ang bahay na tinutuluyan namin, may nakita kaming babaeng kulot na nakadungaw sa malaking puno ng mangga. (Medyo madilim dhil magkakalayo ang poste ng ilaw sa lugar nila)
Nag usap kami ng pinsan ko.
Me: (pabulong) tol ung girlfriend mo nagtatago nakasilip sa dulo sa likod ng puno.
Jay: nakita ko wag mo pansinin kunyare hindi natin nakita.

Isang kanto nalang ang layo namin sa bahay nagulat kami nang biglang "TUMAKBO NG NAKATINGKAYAD ANG BABAE NAKITA NAMIN AT PAPUNTA SYA SA BAHAY! nagmadali kami at nagpatuloy sa paglalakad.

Nang makarating kami ng bahay, Naabutan naming tulog ang girlfriend nya sa papag at nakalugay ang buhok. Napaisip kaming dalawa kung sino ung babaeng pumasok ng bahay kaya agad tinanong ni Jay ang Tita nya.
Jay: Tita kanina paba tulog si Ann? (Gf nya)
Tita: kanina pa nakatulog sa kahihintay sa inyo.
Me: kung ganon sino ung tumaktakbong babae kanina? at pumasok sa gate natin?

Napansin ni Tita na namumutla kami ng pinsan ko at sinabi nyang maupo kaming dalawa at may sasabihin sya, agad naman kaming naupo dahil narin sa kaba.
Tita: Matagal na namin napapasin na meron gumagaya sa pisikal na anyo ni ann lalo na pag sapit ng dilim at pagala gala ito sa tapat ng bahay lalo na jan sa puno ng mangga. Hindi naman kami sinasaktan o ginagambala nito kaya't sa katagalan nakasanayan na. Pumanik na kayo sa loob at magtitirik ako ng kandila sa labas at mag aalay ng dasal.

Simula non nagkaron ako ng paniniwala sa mga engkanto.

Migs (Quezon City)

Ghost Stories Compilation(Summer Scares) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon