2013. Summer nun at inalok sila mama ng Lolo ko (tito ni papa) na pag aaralin daw ako sa Ilocos sur. Nung una parang ayaw ko pa pumayag kasi diko talaga alam yung lugar na yon kasi laking manila ako at never pa ako naka punta doon. Tapos nung sinabi nila mama at papa na yung bahay ay ilang hakbang lang mula sa bahay ng Lolo ko ay excited ako.
So ito na nga 6pm ako dumating sa Ilocos mga 7-8 hours din ang byahe At dahil napagod ako nagpahinga muna ako at naisipan na pumunta sa dalampasigan. Wala man lang nakatambay Doon pero may malaking bato sa Gilid kaya doon ako umupo.
Maya maya pa may tumawag sakin
Pssst.Bago ka lang dito?
Pag lingon ko kitang kita ko yung ganda nya dahil maliwanag ang buwan nun.
Nag usap kami kwentuhan doon kwentuhan dito.
Ng biglang dumating si lolo at tinawag ako.
Magpapaalam sana ako don sa babae kaso pag lingon ko wala na sya.
Sayang diko man lang natanong pangalan nya.
Mula nung gabi na yun dina sya nawala sa isipan ko, Ang ganda nya at ang bait nya. Kaya ang ginawa ko bumalik ako ulit sa dalampasigan nung nag gabi nanaman.
Pero wala sya don. Naghintay pa ako ng ilang oras habang pakanta kanta ng favorite song ko na Like a rose. Nagulat ako kasi nasa harap ko na sya.
Saan sya galing? Bat diko sya namalayaan na dumating?
Nag ka usap ulit kami non at natanong ko na ang pangalan nya Sha pala ang name nya. Ang ganda ng pangalan nya kasing ganda nya. Diko matandaan lahat ng pinag usapan namin pero isa lang ang alam ko in Love na ako sakanya nun.
At mula non gabi gabi na kami magkausap at magkasama , napapansin na yun ng mga tao at ng LoLo ko.
Ang sabi ng Lolo ko Kung sino daw kausap ko at nagsasalita ako mag isa lagi dun sa bato.
Sabi ko si sha po lo.
Nagulat sila at parang nagtaka.
Sha ba kamo?
Oo po lo bakit po?
Si sha ay matagal ng patay mga tatlong taon na din mula nung nalunod sya, napaka bait na bata nyan.
To-totoo po ba lo?
Naiiyak nako nun at muntik pako mapasigaw, minsan nalang ako magmahal pero bakit ganon pa nangyari.
Pumunta ako sa dalampasigan at Sinubukan ko syang tawagin sa pangalan nyang sharmaine.
Di ako nabigo nagpakita sya nakangiti pero may luha sa mata.
Unang beses ko syang nakitang ganon.
Humingi sya ng tawad kasi di nya sinabi sakin ang totoo.
Mahal nya daw ako pero alam nyang hindi pwedeng maging kami kasi patay na sya at ako buhay.
Umiiyak na din ako non at ang nagawa ko nalang ay yakapin sya at sabihing mahal ko sya habang naka pikit.
Pagkalipas ng ilang minuto nawala na sya ng tuluyan at diko na ulit nakita pa...
BINABASA MO ANG
Ghost Stories Compilation(Summer Scares)
HorrorEvery Summer u may have scary & unusual experiences, this serie presents compiled unusual stories that happens in Summer... What happens in Summer, tales of different people & their encounters.