Hapon na naman, at nalalapit na ang oras nang aking paguwi mula dito sa aming paaralan. Tulad ng dati, maglalakad lang ako pauwi at kukunsumo ito ng humigit tatlumpong minuto (30 minutes) bago makarating sa aming tahanan. Tatlo nalang kami ang magkakasama sa buhay at naninirahan sa isang bahay. Ang aking nakatatandang kapatid, Ako at si Mama...Tulad ng dati, ay tahimik parin ang buong mahapon naming eksena dito sa aming bahay. Tuwing kakaing lang kami nagkakaroon ng oras para sa isa't isa.
Gabi na naman at oras na nang pamamahinga. Umakyat na ako sa aking silid, katapat naman ng silid ko ang kwarto ni Mama. (10:00 PM) oras na ito nang aking pagpapahinga at pagtulog. Sa pagkakataong ito ay nanaginip ako ng isang napaka weirdong pangitain, na ngayon ko lamang naranasan sa tanang' buhay ko. Ang senaryo ay nasa loob ako ng isang bakante at madilim na silid, at nakaupo sa gitnang bahagi nito. Nang matanaw ko si kuya na nakatayo sa mismong pintuan ng silid. Pilit niyang inaabot ang aking mga kamay papalabas ng madilim na silid, subalit habang inaabot ko ito, ay papalayo naman siya ng papalayo. Habang pilit ko siyang inaabot, ay onti onti siyang naglalaho kasabay ng liwanag sa loob ng bakanteng silid.
Nang biglan akong magising dahil sa hindi maipaliwanag na panaginip.
Hapong hapo at pawisan, at hinahabol ang hininga dahil sa sobrang bigat na aking nadarama.
Sa takot ay dali dali akong' tumakbo papalabas ng aking silid. Tumungo ako sa labas ng silid ni Mama, at himalang bukas ito at hindi nakakandado. At dali daling tumakbo sa kaniya at tumabi sa pagtulog. Pag higa ko ay agad ko na niyakap ang aking Ina nang pagkahigpit higpit, at dahan dahan at maamo niyang hinahaplos ang aking ulo upang mapakalma. *Magpahinga kana, at dito kana magpalipas ng buong magdamag (Sambit ni Mama) pagkatapos nun ay agad akong' nahulasan sa takot na nararamdaman, at nagkaroon ng kapanatagan sa piling at yakap ni Mama. Iba talaga siya, si Mama ang aking bakasyunang probinsiya kapag nais kong' takasan ang ingay ng siyudad... Siya ang aking pahinga. Matapos nun ay agad akong' nakatulog.
(6:00 AM) Nakarinig ako nang sunod sunod na malalakas na katok mula sa labas ng silid ni Mama. At alam ko na si Kuya iyon... Sa kaniya nagmumula ang ingay na iyon. *Bumangon kana at magbihis! May lakad pa tayo! Anong oras na! (Bulyaw ni kuya sa akin mula sa labas na tila ba nagmamadali) Dali dali akong' bumangon mula sa pagkakahiga... Oo nga pala! Ngayon ang Anibersaryo ng kamatayan ni Mama.
Ilang taon narin pala, simula noong kuhain siya sa amin ni Kuya. Pagbangon ay daglian ko na kinuha ang Picture frame na may larawan ni Mama, na nakapatong sa luma at maliit na lamesa dito sa kwarto niya. Niyakap ko ito...
BINABASA MO ANG
Ghost Stories Compilation(Summer Scares)
HorrorEvery Summer u may have scary & unusual experiences, this serie presents compiled unusual stories that happens in Summer... What happens in Summer, tales of different people & their encounters.
